Savyrah's POV:
"Y-you mea..haist! Napagtripan na naman tayo ni Dad. Ano pa bang maasahan sa matandang 'yon?" Naiiling na lang na sambit ni Kuya Vain pero halata sa kaniyang tono ang labis na kainisan sa ginawa ni Dad.
Maski ako ay hindi makapaniwala na lolokohin na naman kami nito. Ang galing talaga niyang umakting kanina. May pa-galit galit pa siya sa amin. 'Yun pala nakapagplano na siya.
Akala ko talaga totoo na may magaganap na sermon na naman sa pag-uwi namin. Hindi pa naman ako handa sa mga matang iyon.
"Baka may dahilan siya. Alam naman ninyo iyon, kapag first day kailangan maaga tayo." Tanging naisabi ko na lang sa kanila.
"Hindi ba kayo tumingin ng oras sa cellphone ninyo?" Muli niyang tanong sa amin. Napaharap tuloy kami sa isa't isa ni Kuya Veil at saka si Kuya Vain naman ang binalingan ng aming paningin.
"Lowbat cellphone ko. Nakita mo naman na kakabukas ko lang ng power, 'di ba?"
"Tinatamad akong mag-cellphone." Sagot ko naman.
" Sana hindi ka na lang nag-cellphone kung hindi mo rin pala gagamitin. Sayang lang ang pera."
" Bakit pera mo ba ang ginamit?"
" May sinabi ba ako na ako ang bumili?"
" Wala!"
" Wala naman pala. Dapat nanahimik ka na lang."
" Paano ako tatahimik kung madaldal ka naman?"
" Kawa–"
" Stob it!" Inis na singhal niya sa aming dalawa kaya napatigil kami sa pagbabangayan ni Kuya Veil.
" Huh?" Nagtataka pa kaming napalingon kay Kuya Vain. Pero ang mas ikinagulat ko na nakatingin din siya sa amin at wala sa daan. Kaya kitang-kita sa harapan ang paparating na truck. Sobrang bilis ng pangyayari.
"KUYA VAIN! UMIWAS KA! MAY TRUCK NA BABANGGA SA ATIN!" Malakas na sigaw ko. Maski siya ay nagulat din pagkalingon dito. Mabilis na kumanan si Kuya Vain ngunit hindi pa rin kami nakaligtas sa hagupit ng truck.
Nanalangin na rin ako na sana makaligtas kaming lahat.
Napahawak na lang ako sa dalawang headboard na nasa unahan ko at mariing napapikit. Narinig ko ang sigawan nila Kuya Vain at Kuya Veil. Maski ang pagkabasag ng salamin sa harapan ay narinig ko pa dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng kotse sa truck.
'Hindi na talaga kami maliligtas pa.'
Tanggap ko na ang kahihinatnan ko–namin.
Pero ang nakakapagtaka lang sa akin ay parang wala akong naramdaman.
A-anong...
Napakurap-kurap ako ng aking mata. Gayon na lang ang gulat ko sa aking nakita. Napabuka ang aking bibig ngunit napatikom din dahil sa pumasok na tubig.
"Hmmp! Hmmp! Hmmp!" Nagkukumawag pa ako sa ilalim ng ilog.
Pinipilit maabot ang liwanag mula sa itaas. Pero hindi ko magawa. Parang hindi ako ito, marunong naman akong lumangoy. Bakit parang hindi ako sanay sa katawan ko?
Napailing-iling na lang ako at muling sumisid paitaas.
'Makisama ka naman!'
Inis na singhal ko sa mga kamay at paa ko. Naninigas ito at parang kanina pa nakababad. Nagtataka ma'y mas inaalala ko ang maging ligtas. Hindi pwedeng unahin ang pagkalito sa mga bagay-bagay, buhay ang naghihintay.
Muli akong sumisid nang sumisid. Pinapagalaw ang mga paa at kamay na naninigas. Hindi tumitigil sa paghampas ng mga paa at pagkawit ng dalawang kamay paitaas sa tubig.
Siguro humigit sa kinse minuto ang pagsisid ko paitaas hanggang sa makaahon na ako sa tubig at makahawak sa lupa. Hinang-hina akong napadapa sa sahig at dinadamdam na lang ang init na nanggagaling sa araw.
"Hah! Hah! Hah!" Mabilis na paglalabas ko ng hininga para lang maibalik sa dating normal na hininga ito.
Nang maka-recover na ako sa nangyari ay dahan-dahan akong napaupo sa lupa. Tiningnan ang buong paligid. Nagtataka sa mga nakita ko, hindi ba ako nanaginip lang? Totoo ba talaga ito?
Anong klaseng–wait nasan sila kuya? Nasan ang truck at ang kotse? Sa pagkakaalam ko natamaan kami ng truck saka 'yung basag na salamin tumilapon pa 'yun sa amin.
'B-bakit ganito?'
Napahawak pa ako sa aking mukha. Sinusuri kung may tumama ba na salamin sa aking mukha, ngunit gayon ang pagtataka ko na may mapansin na kakaiba sa aking ulo.
Pinaharap ko pa sa aking paningin ang buhok ko. Nagtataka kung bakit straight ito, gayong kulot naman ang buhok ko. A-at...at bakit ganito rin ang kulay ng balat ko.
'Ano ako si Snow White? Hindi rin naman ako umiinom o nag-glu-gluta.'
Nagtataka na talaga ako sa mga nangyayari at sa paligid na ito. Maging sa sarili ko ay nagtataka na rin talaga ako. Animo'y hindi ako ito, parang nasa ibang katawan ako. Pero weird naman kung ganon 'yon. Maniniwala na lang ako kung nasa Magic World ako.
Kaso tanga lang ang maniniwala na may ganon pa sa mundo.
Para mapatunayan sa aking sarili na mali ang hinala ko, sumulyap ako sa tubig. Tiningnan ang aking reflection ng mukha rito.
Pero gayon na lang ang pagkadapa kong muli sa lupa nang makita ang anino sa may tubig. Pailing-iling pa ako. Pinikit ang aking mata at pinipilit na sana ay hindi ito totoo.
"H-hindi...hindi ito totoo...tama hindi nga! Mali ang nakita ko. Nagmamalikmata lang ak–ano ba?!"
Nagdadabog pa ako dahil sa matinding inis sa sarili. Alam kong hindi ako tanga, alam kong totoo ang nakita ko. At alam ko rin na totoo ang sinabi ko kanina.
"Haist!" Sinabunutan ko ang buhok ko.
Ayoko talagang maniwala. Baka sa pagsabunot ko sa buhok ay bumalik ako sa tunay na pangyayari. Baka nag-ha-hallucinate na naman ako.
Baka nanaginip lang ako.
"AHHH!" Mabilis akong tumayo sa aking pagkakahiga. Naghanap ng bato na aking makikita, nang makahanap ay saka ko ito pinulot at itinapon sa may ilog.
"WAHHH! AYOKO SA TUBIG!"
Pero akala kong bato ay isa pa lang nilalang na wala akong kaideya-ideya kung ano bang nilalang iyon.
Naguguluhan na talaga ako–hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako.
'Punyeta! Ulit-ulit na lang!"
Okay lang na magising ako sa mundong ito. Kahit na wala akong maalala sa nakaraan ko ay okay lang. Kahit na ibalik ako sa pagiging sanggol ay okay lang din sa akin. Basta ang mahalaga ay ako pa rin ito.
Ang hindi ko lang matanggap talaga sa mga nangyayari ay bakit ganito pa? Bakit sa akin pa?
"AHH! SINO KA BANG BABAE KA AT NASA IYO ANG KALULUWA KO!"