Light Beneath The Dark 34

2020 Words
SAVYRAH'S POV: Nakarating na kaming lahat sa dorm ng mga ito. Nadagdagan na rin ng mga kwarto na noon ay hindi naman ganito kalaki ang dorm nila. Baka ang may kagagawan ng paglaki ng bahay, ay dahil na rin sa mga pixie na patuloy na nagpapabagsak ng mga dust nila sa bubong. May kaniya-kaniya na ring mga pangalan ang nakadikit sa bawat pinto ng kwarto. Gawa sa metal na kinulayan ng dilaw ang metal na iyon na pa-rectangle at sa gitna ay nakaukit doon ang aming mga pangalan. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit ipinagtabi ang kwarto ko sa prinsipe na ito? Sa pagkakaalam ko ay katabi ni Prince Cooper si Save sa kaliwa, at si Kaze naman sa kanan nito. Tatlo lang noon ang kwarto sa direksyon ng aming room, at sa katapatan din namin ay tatlo. Ngayong nadagdagan na ay bigla ring nagbago ang mga pangalan. 'Look so weird.' "Reilly, dahil bago pa lang ang kapangyarihan mo. Kailangan nating sanayin ang sarili mo na makipaglaban. Babalik ulit tayo sa dati," panimula ni Prince Cooper na ikinabalik ko sa aking diwa. "Huh? Gagawin ko na naman 'yung pagtakbo, push ups tapos pakikipaglaban sa kanila?" Tanong ko agad dito habang nababakasan sa aking mukha ang gulat. Napakunot pa ang aking noo. Napabuntong hininga rin nang mapansin na tumango si Prince Cooper sa aking itinanong. 'Ano pa bang magagawa ko?' Lantay gulay naman na napabagsak ang aking balikat. "Wala na bang ibang gagawin bukod sa pagsasanay niya ng gano'n? Why not try others? 'Yung makakatulong din sa atin, you know, to grow up and learn more." Sabat naman ni Kuya Vain sa aming dalawa. Nasa tabi siya ni Kuya Veil sa katapatan naming room. Nakahalumbaba siya habang nakatingin sa aming lahat ng may seryoso ang kaniyang mukha. Alam ko na naman ang naiisip niya. Alam niya na boring ang pagsasanay na ganon lang, suntukan tapos takbuhan? Tsk! Kaya alam kong may twist siya na gustong gawin. Sino bang hindi makakakilala sa kapatid mo na dalawang taon lang naman ang agwat sa isa't isa? Naguguluhan naman ang iba sa tinuran niya. Hindi alam kung ano ang ipinupunto nito. Napansin ko pa na napakamot ang mga kalalakihan, maliban kila Prince Cooper, Kathy at Kuya Veil. "Ano namang magandang suhestiyon mo, Vain? Nakakasawa rin kasi ang ganitong sistema, sa pagkakaalam namin ay adventurous kayo ng kakambal mo sa mundo na pinanggalingan ninyo kaya share naman d'yan!" Pangungulit ni Save saka naglakad pa sa direksyon nitong si Kuya Vain na napapailing na lang. "Huwag mo kaming ilingan, hinihintay namin 'yang suhestiyon mo. Dapat maganda, saka ayaw namin makipaglaban kay Reilly ng mano-mano lang, mas magaling siya ro'n kaysa sa may kapangyarihan. Kaya sabihin mo na," dakdak din na saad ni Amiros sabay labas ng hamburger na kanina niya pa pala itinatago. Nasa harapan ko siya, katabi niya sa kanan ang shota niya na si Kathy na hindi maipinta ang mukha ng makita ang boyfriend na nanginginain na naman ng hamburger. Akala ko kapag naging sila ay sasanayin na nito na huwag kumain nang kumain ng hamburger. Kaso kapag iyon na talaga ang nakasanayan, mahirap na talagang maalis sa ating katawan. Kailangan nating magpasensiya at maghintay na magagawa niyang maalis 'yon sa katawan niya. "Kumakain ka na naman niyan. Sinabihan na kita na maghinay-hinay ka na sa kakain niyan, 'di ba? Bakit ba ang kulit ng tiyan mo?" Naiinis na suway ni Kathy sa lalaki na napangiti pa nang malawak habang may pagkain sa kaniyang bunganga. Hindi rin ito nahihiya sa kung ano ang ipinapakita niya sa amin. Bagay talaga silang magsama ni Kathy, wala silang mga hiya. Pero kapansin-pansin na napabuntong hininga na lang si Kathy sa kaniyang nakikita sa kasintahan at hindi na ito pinagtuunan ng pansin pa. Ibinaling na lang niya ng tingin ang hinihintay naming suhestiyon mula kay Kuya Vain. "Tapos na kayo?" Tanong ni Kuya Vain kina Kathy at Amiros. Napatango naman silang dalawa nang hindi na nagsalita pa. " Do you know the five stones?" Dagdag pa nito sa inilabas niyang kataga. Napalingon pa kaming lahat sa isa't isa. Nagtataka ang aming mga mukha kung ano ang tinutukoy ni Kuya Vain. Saka maraming bato rito sa Monstreus World, minsan pa ay akala mo bato talaga pero hindi naman pala. Napapagkamalan lang sa hugis nito. Kaso ano nga bang ipinupunto nito? Ano ang five stones? May ganon ba talaga? 'Ang hirap talaga kapag masyadong malawak ang isang mundo. Wala pang alam sa iba pang lugar dito.' "Huh? Pinagsasabi mo?" Napataas pa ng kilay si Kaze habang palikot-likot ang kaniyang mata dahil sa pag-iisip. "Five stones, the legendary stones that can be found in dangerous places in the Monstreus World. Bakit mo naisipan na ipaalala sa amin ang tungkol sa mga batong 'yon na isa lang naman haka-haka?" Pagdududang tanong naman ni Prince Cooper. Binigyan niya pa ng blangkong ekspresyon ang kuya ko na hindi man lang tinablahan ng mga tingin niya. Napangisi pa ito nang malawak, sabay binigyan pa kami ng tingin isa-isa. Napatagal lang ang pagtitig nito sa akin nang mapansin sa aking mukha na interesado ako sa iniisip niya. Magmula kasi ng sabihin ni Prince Cooper ang tungkol sa five stones na haka-haka lang pala rito, biglang nabuhayan ang aking pagkatao na magiging masaya ang misyong ito. Likas pa naman sa akin na mahilig sa mga ganitong discoveries, lalo na't wala ni isa sa amin ang may alam sa tunay na mukha ng limang bato na 'yon. If papayag lang si Prince Cooper sa suhestiyon ni Kuya Vain? "Malay mo totoo pala ang alamat na 'yon sa Monstreus World? We can save the world, at maibabalik na natin ang katahimikan sa mundong ito na wala ng gumugulo kahit sino. Mapayapa't kaya tayong pag-isahin. Hmm? What do you think?" Pangungumbinsi pa ni Kuya Vain kay Prince Cooper na hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin sa magiging desisyon niya. Tulad nga ng sinabi ni Amiros, tanging si Prince Cooper lang ang may kakayahang mag-final decision. Taga-suggest lang sila sa mga komplikadong bagay na kailangan nilang pagtuunan ng pansin. "It's just a myth. Paano kung hindi pala totoo 'yon? Di wala ring saysay ang pagpunta natin sa delikadong lugar sa Monstreus World. Saka hindi ba magagalit ang mga magulang natin?" Salungat naman ni Kaze sa gusto ni Kuya Vain. "Kung kaligtasan naman ang nakataya, why not to try it, 'di ba? Saka wala namang mawawala kung gagawin natin 'yon. Ayaw ba ninyong makaranas na suwayin ang mga magulang ninyo? Isang beses lang naman," sabat ko na sa kanilang pinag-uusapan. Kasi napapansin ko na hindi matatapos ang usapan kung may mga issue ang bawat isa sa kanila tungkol sa mga magulang nila. Masyado silang sumusunod sa utos ng kanilang mga magulang, hindi man lang nila nilalabag ito. 'Hindi ba nila kayang mag-enjoy kahit saglit lang? Kahit ilang araw lang? Malay mo sa gagawin naming misyon, may mangyayari pa lang himala. Haist!' Naiiling na lang ang aking sarili sa mga pumapasok sa aking utak. "Hindi mo kasi alam kung gaano kalupit ang kanilang mga parusa. Pasalamat ka mabait ang mga magulang mo. Kahit na ano man ang gawin mo, pabor sa kanila kasi nga iisa ka lang nilang anak." Katuwiran naman sa akin ni Amiros na ubos na ang kaniyang hamburger. Ngayon ay umiinom na lang siya ng tubig na bigay ng kasintahan niya. Gusto ko sanang sabihin ang mga naranasan ko noon sa tunay na mga magulang ko pero naalala ko na nandito sina Kuya Vain at Kuya Veil. Baka mag-isip sila na ako talaga ang kapatid nilang bunso, nandoon pa naman sila lagi sa pangyayari kapag pinaparusahan ako sa pagiging pasaway kong anak. Kahit sa totoo lang ay pinoprotektahan ko lang ang sarili sa kaaway o mga bully, ang nagiging kabaliktaran nga lamang ay sila ang naging biktima sa natamong malaking pinsala sa mukha. Saka sa pagkakaalam ko, nag-iisa ring anak si Prince Cooper kaya hindi lahat ng magulang ay ganon ang approach sa kanilang mga anak. Depende na lang 'yon talaga. "Walang magulang na mabait kapag nagkakasala ang mga anak nila. Sa palagay ko, iyon 'yung mga magulang na masyadong kinokonsinte ang kasalanan ng anak nila. Kung ayaw ninyo, hindi naman namin kayo pipilitin sa gusto ninyo. Ayoko rin naman na madamay kayo sa kagag*han man naming gagawin. Mga prinsipe at prinsesa kayo sa mundong ito, kaya wala kaming karapatan na labagin ang gusto ninyo. Kami na lang ang bahala na ipaalam ang aming natuklasan." Iyon na lang ang naging mungkahi ko. Hindi namin mapapayag ang mga ito sapagkat masyado ngang iba ang patakaran ng mundo rito kaysa sa nakasanayan ko. Mabuti na lang nandito sina Kuya Vain at Kuya Veil kaya matutulungan nila ako ng palihim na sanayin ang sarili. "'Yan ang gusto ko sa 'yo, Reilly. Mukhang magiging ayos ang ating pagsasama bilang magkaibigan. Kung nabubuhay lang talaga ang kapatid kong 'yon, magiging vibes din kayong dalawa. Parehas pasaway." Nakangiting turan nitong si Kuya Veil at saka inakbayan pa ako nang naisipan niyang pumunta sa aming direksyon. Nagawa pa niyang sumingit sa aming gitna ni Prince Cooper na mahilig sa kaliwang direksyon ko. 'Ako 'yung kapatid mo. Shunge!' sigaw ng aking utak habang nakatingin nang walang gana sa lalaking ito na feel na feel pa talaga ang pag-akbay sa akin. "Baka pasaway rin ang mga panganay? Saan magmamana ang bunso, hindi ba't sa panganay rin?" Pangongorek ko sa kaniya na napangiti na lang nang alanganin. "Grabe ka naman sa amin, sa pagkakaalam ko sa mga magulang nagmamana ang mga anak. Kaya paano mo nasabi na sa amin namana ni Savyrah ang kaniyang pagiging pasaway—" "Hindi ba tama, Veil? Saka umayos ka nga, huwag mong akbayan si Reilly. May mga matang handa ka ng gawing yelo, wala tayo sa mundo natin na magagawa mo ang gusto mo. Umayos ka ngang lalaki ka!" Inis na singhal ni Kuya Vain sa kakambal na napanguso na lang. Naglakad pa si Kuya Vain sa gawi namin bago niya hawakan sa kaliwang kamay si Kuya Veil at saka nito hinila para bumalik sa dating pwesto nito. Nakikita ko na lang kung paano ba mapangiwi ang kakambal sa katabi niya. "KJ! Pake ko kung may mga matang masama ang titig sa akin? Hindi naman sila, kaya I have—ouch! Joke lang naman, duh!" Sabay irap pa nito sa kakambal na napangiwi na lang sa lumabas na kataga sa bunganga ni Kuya Veil. Ako rin ay ganon din ang ginawa. Para talagang bakla si Kuya Veil kapag umiirap siya kapag natapos na niyang sabihin ang 'Duh!' niya. Pero alam ko naman na naimpluwensiyahan lang siya ng mga mortal na tao sa mundo namin. "Tigil-tigilan mo ako sa kakaganiyan mo, dep*ngal ka! Act like a matured man, you're already 22 for f*cking sake! Mas matanda pa kung mag-isip sa iyo 'yung kapatid mo. Tsk!" "Malamang, sino bang hindi? Maton kaya 'yun. Hindi na lang kasi sumali sa gang natin para masaya tayo, kaysa naman na mapunta siya sa mafia na kailangan niyang sumunod sa utos ng mga magulang natin. Hmmp!" "Hindi pa ba kayo tapos kakadakdak tungkol sa kapatid ninyo? Wala na kaming maintindihan, nasa'n na ang pinag-uusapan natin?" Pagpapatigil ko agad sa mga sinasabi ng mga ito tungkol sa akin. Saka napansin ko na malayo na kami sa aming usapan, mga wala na ring naiintindihan ang mga kasamahan ko. Lalo na si Prince Cooper noong tingnan ko siya saglit, nakita ko kung paano mapaangat ang kaniyang kanang kilay habang nakatingin sa magkambal na nag-aaway—I mean nag-aasaran. "Yeah, we remember that too. I'm sorry for our behavior, hindi lang kami sanay ni Veil na walang ganito. About the topic, kung ayaw ninyong sumama mga royalties, we can do it by ourself. May kasama naman kami para pumunta sa lugar na kinaroroonan ng limang bato na haka-haka lang naman sa inyo, hindi na sa amin problema ang paglalakbay," pagbabalik ni Kuya Vain sa dati naming usapan. Pero ang ipinagtaka lang namin kung sino ang tinutukoy niyang kasama naming tatlo kung sakali man na hindi pumayag itong lima na ito? "Who?" Seryosong tanong ni Prince Cooper sa dalawa na ngumiti naman nang malawak. "Si Avies."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD