KLEI'S POV: "Woah!" Sabay-sabay na saad naming lima nang makapasok na kami sa isang hindi gan'on kalumaan na bahay na kung papasok ay makikita mo ro'n ang iba't ibang bilog na may ibang kulay na sigurado ako na mundo na aming pinanggagalingan. Sa bawat counter kung saan nakalutang sa ere ang mga mundo na ginawa nila. Nasa ibaba mismo nito nakatatak kung ano bang tawag sa world ito. At sa bawat pader ng bahay na ito, may mga nakasabit din na mga malalaking larawan kung ano bang makikita sa bawat mundo, kung ano ang pamumuhay nila, o klima. Saka sa ibaba ng picture, may talaarawan pa ng world na tinutukoy sa larawan. Una naming pinuntahan ay ang frame ng 'Akiru World', black ang kulay nito, at malalaman mo na agad sa color kung ano bang meron dito. Ang mga naninirahan lang dito ay ang mg

