SPNJ - 6

1853 Words
Araw ng Fiesta sa Isla San Miguel Bihis na bihis sina Angelo at Jeffrey dahil ngayong gabi ay pupunta sila sa bahay nila Kapitan. Tanghali pa lamang ay bumaba muna sa bayan si Angelo para magpagupit at bumili ng bagong damit na gagamitin sa pagpunta kina Moraine. Bumili din siya ng isang white chocolate at isang puting rosas para kay Moraine. Nilagay niya lang muna iyon sa paperbag para hindi ito makita ng dalaga. Sinigurado niyang maayos at gwapo siyang tingnan para mabighani din sa kanya ang dalaga. Kinagabihan ay lumarga pababa ng bundok ang dalawang binata. “Bakit maraming tao at mas maingay ang tugtog?” tanong ni Angelo kay Jeffrey habang naglalakad sila. “Ganito talaga kapag fiesta. ‘Yang mga taong nakikita mong naglalakad na nakaporma ay dayo ‘yang mga ‘yan. Kakain sila kahit saan dahil welcome ang lahat kahit saang bahay. Open house kumabaga.” Paliwanag naman ni Jeffrey kay Angelo. “Ah kaya pala. Mukhang enjoy na enjoy nga ang mga tao.” Wika ni Angelo. “Halika, doon tayo didiretso sa covered court para makita mo ang mga program doon.” Sumunod na lamang si Angelo kay Jeffrey papunta sa covered court. Pagdating nila doon ay nakita ni Angelo na maraming tao at punuan na sa covered court. Mas lalo ding madilim ang ilaw kaya naman tuwang-tuwa ang mga taong sumasayaw ng budots. “Sayaw tayo ng budots, Boss.” Aya ni Jeffrey kay Angelo. “Hindi pwede. Baka pagpawisan ako. Ayokong maging amoy pawis sa harap ni Moraine---” “Oy! Jepoy! Angelo!” Nagulat ang dalawa ng kalabitin sila ni Diyosa. “Diyosa!” “Kanina ko pa kayo inaantay na pumunta sa bahay. Narito lang pala kayo,” Nakangiting wika nito na titig na titig kay Angelo dahil nakaporma ito. “Papunta na kami do’n. Dumaan lang kami dito para ipakita ko kay Angelo ang mga taong dumarayo tuwing fiesta.” Pagmamalaking wika ni Jeffrey. “’Di ba ang saya at sobrang enjoy ng fiesta dito sa amin.. doon na kayo maghapunan sa bahay.” Pilit na inakay ni Diyosa ang dalawa kaya imbis na pumasok muna sa loob ng covered court ay sumama na lamang ang dalawa. Pagdating sa bahay nila Diyosa ay sobrang daming tao din pala. Tuwang-tuwa naman silang sinalubong ni Aling Neneng na nakaantabay na sa labas ng kanilang bahay. Kaagad silang in-estima ng mag-ina at pinaupo sa loob ng sala. “Huwag kayong mahiya. Teka at tatawagin ko si Moraine,” iniwanan na sila ni Aling Neneng. Pagbalik nito ay kasama na nito si Moraine na nakasuot lamang ng simpleng pantalon at puting t-shirt. Napalunok na lamang si Angelo nang makita si Moraine. Kaagad naman niyang inabot sa dalaga ang dalang paperbag. “S-salamat.” Kiming sagot ni Moraine. “Umupo ka muna dito Moring at asikasuhin silang dalawa ha. Diyosa, halika at tayo na ang maghahanda ng makakain nila.” Utos ni Aling Neneng kay Diyosa. Nagtaka naman si Moraine sa inaasal nina Aling Neneng at Diyosa. Noon lang ay galit na galit ang mga ito kay Jeffrey nang malamang nililigawan si Nene tapos ngayon ay dinala pa nila dito at inaasikaso ng maayos. Ilang saglit lamang ay bumalik na sina Aling Neneng at Diyosa, may dalang pagkain at alak ang mga ito. “Kumain kayo ng kumain ha. Marami ding alak dito. Fiesta ngayon kaya libre lahat.” Nakangiting wika ni Aling Neneng. May kakaibang ngiti sa kanyang labi, “Maiwan ko na kayo at ako na ang mag-aasikaso ng mga bisita sa labas.” Nang umalis si Aling Neneng ay tahimik lamang na kumakain silang apat. Nang matapos silang kumain ay nauna nang nagbukas ng alak si Diyosa at kaagad na binigay iyon sa dalawang lalaki. “Uminom lang kayo ha. Katulad ng sabi ni Nanay libre lahat. Wala dito si Tatay at nasa covered court ‘yon dahil may coronation. Baka uumagahin ‘yon do’n dahil matagal ang coronation night.” Paliwanag ni Diyosa kaya pala wala si Kapitan. “Wala ‘ata dito si Congressman at Mayor,” pansin ni Angelo. “Naroon sila sa covered court para sa coronation night. Baka hindi na din sila dumaan dito dahil may iba pang pupuntahan ang mga ‘yon. Marami kasi ang may fiesta ngayon.” Paliwanag ni Diyosa kay Angelo. “Ah..” Natuwa naman si Angelo sa narinig. Wala siyang kahati sa atensiyon ni Moraine ngayon. “Pareng Angelo, ito alak oh, uminom ka. Hindi ito ang alak na iniinom mo sa Manila kaya hinay hinay lang baka malasing ka.” Inabot ni Jeffrey ang bote ng alak kay Angelo na tinanggap naman nito. “Hindi ako malalasing. Malakas ang tolerance ko sa alak.” Sagot nito na nakatingin kay Moraine. Nag-iwas naman ng tingin si Moraine dahil nahihiya ito kay Angelo. “Moring, sinamahan ko pala ang kaibigan ko dito. May sasabihin daw siya sa’yo.” “Ha..? A-ano ba ‘yon?” Kinakabahang tanong ni Moraine na nakatingin kay Jeffrey. Tumingin naman ng diretso sa kanya si Angelo, “Gusto ko sanang umakyat ng ligaw sa’yo. Pwede ba? Hindi kasi pumayag ang tatay mo dati.” “A-ahhh… a-ano k-kasi…” “M-may iba ka bang gusto?” Biglang lumungkot ang boses ni Angelo. Napainom tuloy ito ng alak dahil hindi makasagot si Moraine. “W-wala.. k-kaya lang natatakot ako kay Tatay kasi nga---” “Ano ka ba naman, Ate Moring. Wala namang magagawa si Tatay kung talagang may gusto ka din sa kanya.” Susog ni Diyosa na ngayon ay nakapulupot na sa braso ni Jeffrey. Si Jeffrey naman ay tuwang-tuwa dahil hindi niya akalaing pupulupot sa kanya si Diyosa, dati kasi ay lagi itong malayo at nagagalit sa tuwing magdidikit ang balat nila. “Tama si Diyosa, Moring,” segunda naman ni Jeffrey na ngayon ay panay na ang inom ng beer. “K-kasi---” “Naku, Ate Moring, kung si Tataty ang inaalala mo kinausap na ‘yon ni Nanay kaya huwag kang mag-alala. Ang mahalaga ay ang ngayon. Fiesta kaya dapat ay magsaya tayo. Ito Angelo, uminom ka ng uminom. Dapat ay maubos natin itong dalawang case ha,” wika ni Diyosa na itinuro ang case ng beer na nasa baba ng mesa. “Diyosa baka malasing sila. Baka hindi na sila makauwi niyan,” paalala naman ni Moraine sa kapatid. “Hindi ‘yan. Ipapahatid natin sila sa mga tanod bago dumating si Tatay.” “Huwag kang mag-alala, Moring, malakas kaming uminom ni Pareng Angelo kaya hindi kami basta- basta malalasing. Kaya naming ubusin ‘yang dalawang case kahit kaming dalawa lang.” Pagmamayabang na wika ni Jeffrey. Napalunok si Angelo sa sinabi ni Jeffrey. Umiinom naman sila ng alak ng mga kabigan niya pero hanggang limang bote lang talaga ang kaya niya. Itong si Jeffrey, alam niyang hindi basta-basta nalalasing kasi palagi itong umiinom ng alak tuwing sahod dahil iyon lamang ang pinagkakagastusan nito. “Oo, kayang-kaya naming ubusin ‘yan. Kami pa, hindi kami malalasing ng dalawang case lang. Gusto niyo dagdagan niyo ng isang case ‘yan,” pagmamayabang din ni Angelo para hindi isipin ni Moraine na mabilis siyang malasing. “Sige nga. tingnan natin kung sino ang unang malalasing sa ating lahat,” nakangising sabi ni Diyosa. Tuwang-tuwa ito dahil ito naman talaga ang gusto nilang mangyari ni Aling Neneng. Ang lasingin ang dalawang lalaki. Kapag nalasing na ang dalawa ay dadalhin nila sa kwarto ni Diyosa si Jeffrey at si Angelo naman ay iiwanan na lang nila sa sala. Siyempre paggising sa umaga ay sisigaw si Diyosa at makikita ng lahat ng naroon si Jeffrey sa loob ng kanyang kwarto at ipapakasal silang dalawa. Kapag kasal na ang dalawa ay malalagay na sa maayos na kalagayan si Diyosa, siya na ang ititira ni Jeffrey doon sa pinapagawa nitong bahay. Habang lumalalim ang gabi ay unti-unti nang nauubos ang mga alak at panay na din ang tawanan nina Diyosa at Jeffrey at Angelo. Silang tatlo lamang ang tanging maingay samantalang si Moraine ay panay lamang chips at juice ang iniinom. Nagsisimula nang mag-alala si Diyosa dahil naubos na ang dalawang case ng beer pero hindi pa nalalasing ang dalawang lalaki. Totoo nga ang sinabi ng mga ito na hindi sila mabilis malasing. Parang siya nga ang lasing na dahil medyo umiikot na ang kanyang pakiramdam. Para mahimasmasan ay nagpaalam muna siya na iihi pero dumiretso siya kay Aling Neneng. “Nay, ‘yong dalawa hindi pa rin nalalasing. Paano ko mapipikot ‘yang si Jeffrey. Akala ko nga ay magtatapat na sa akin pero pansin kong pulos pangalan ni Nene ang binabanggit niya. Baka nahulog na ang loob niya do’n kay Nene. Imbis na sa akin mapunta ang pinapagawa niyang bahay ay kay Nene pa mapunta.” Nakabusangot na reklamo ni Diyosa. “Huwag kang mag-alala. Itong juice, ibigay mo ‘yan kay Jeffrey. Siguraduhin mong iinumin ‘yan ni Jeffrey para madala natin siya sa kanyang kwarto. “Sige Nay.” Pagbalik ni Diyosa ay dala na niya ang juice na tinimpla ni Aling Neneng. “Jeffrey, may dala pala akong juice para sa’yo. Inumin mo.” “Salama---” “Ay! Brown-out!” Bigla ay nagbrown-out kaya naman natigil ang pag-abot ni Diyosa ng juice kay Jeffrey. Maliwanag naman ang buwan kaya ibinaba niya muna ang juice sa mesa at umupo sa tabi ni Jeffrey. Si Moraine naman ay nagpaalam sa kanila para hanapin ang flashlight at gasera. Pagbalik ni Moraine ay may dala-dala na itong ilawan pero bumalik na ang ilaw kaya bumalik na sa kanyang kinauupuan si Moraine. Naalala naman ni Diyosa ang juice na ipapa-inom kay Jeffrey kaya kinuha niya ang basong nasa tabi ng pitsel. “Para sa’yo Jeffrey. Ako ang nagtimpla niyan.” Nakangiting alok ni Diyosa. “Salamat.” Kinuha iyon ni Jeffrey at straight na ininom. “Moraine, pwede din ba akong makahingi ng juice?” tanong naman ni Angelo. “Heto, hati na lang tayo kasi hindi ko mauubos ‘to.” Nagtaka pa si Moraine kasi puno na naman ng juice ang kanyang baso. Alam niyang nabawasan ‘yon kanina bago magbrown out. Kumuha ito ng isa bang baso at binigyan si Angelo. Nagpatuloy pa sila sa pag-iinuman hanggang sa nagpaalam si Jeffrey na lalabas para umihi. Pumuslit din si Diyosa at nagpaalam sa dalawa na pupunta ng kusina pero ang totoo ay sinundan nito si Jeffrey sa labas. Samantala ay nahihilo na si Moraine at biglang namigat ang talukap ng kanyang mga mata kaya nagpaalam na ito kay Angelo na mauuna nang matulog. Pinilit na lamang ni Moraine na lumakad ng maayos pero pagdating nito sa tapat ng kanyang kwarto ay natumba ito kaya naman dali-dali itong dinaluhan ni Angelo at pinatayo. “Salam---” Naputol ang anumang sasabihin ni Moraine ng bigla na lamang siyang halikan ni Angelo. Sa una ay nagpapalag pa siya pero dahil na rin sa ekspertong paraan ng paghalik ni Angelo ay tuluyan na ring nakalimot si Moraine. Hindi na niya namalayan na tuluyan na siyang naipasok ni Angelo sa sariling kwarto at pagkatapos noon ay wala na siyang maalala pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD