“Walanghiya kang lalaki ka! Hayop ka! Sinasabi ko na nga bang may masama kang balak sa anak ko! Gumising ka at papatayin kita!”
“Ba’t ang ingay---”
“Aaaaayyyy…”
Biglang nagising si Angelo at Moraine nang biglang pumasok sa kwarto ni Moraine ang Kapitan, kasunod nito si Aling Neneng at Diyosa na mukhang kakagising lang din.
“Ano—ba’t nakahubad ako?” takang tanong ni Moraine at napatingin sa paligid. Nang lumingon ay napansin niyang katabi na niya sa kama si Angelo na wala ring saplot at tanging kumot lamang ang nakatabing sa kanilang dalawa. “Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa’kin!”
Nang mapagtantong may nangyari sa kanilang dalawa ay kaagad na nagsisigaw at umiiyak na pinagsusuntok ni Moraine ang lalaki.
“Pakasalan mo ang anak ko ngayon din kung ayaw mong tagain kita nitong hawak kong itak!”
Napatingin silang lahat sa Kapitan ng winagayway nito ang hawak na itak.
“Tay! Hindi naman po kailanga---”
“Opo Kap--- I mean, Tatay. Papakasalan ko po ang anak ninyo kahit ngayon na!” Mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Angelo bago pa ito mataga ni Kapitan.
“Magbihis kayong dalawa at ngayon din ay pupunta tayo sa munisipyo para ikasal kayong dalawa.” Galit na wika ni Kapitan bago lumabas ng kwarto ni Moraine.
Naiwan namang nagtitinginan ang dalawa ng sila lamang ang naiwan.
“Walanghiya ka! Sinadya mo talagang halikan ako kagabi para makuha mo ang gusto mo sa akin!” Umiiyak na pinagsusuntok ulit ni Moraine si Angelo dahil hindi nito matanggap na nawala na ang pinakaiingatan niya.
“Papanagutan naman kita. Papakasalan pa nga kita eh. Saka hindi ka naman lugi sa akin. Nag-enjoy ka pa nga dahil nakatatlo tayo----aray!”
“Gag*!”
“Sige ka! Kapag inaway mo ako, baka mamaya maka tatlo ulit tayo.” Biro ni Angelo na kinapula naman ni Moraine.
“Manyak! Walanghiya! Magbihis ka na at baka ako pa ang tumaga diyan sa putotoy mo!”
“Anong pututoy! Anaconda to. Baka gusto mo, tuklawin ka ulit nito eh!”
“Bilisan na ninyong dalawa diyan at nag-aantay na ang traysikel na maghahatid sa atin sa munisipyo!” Galit na dumungaw sa pinto ang kapitan kaya mabilis nang nagbihis ang dalawa.
Pagdating sa munisipyo ay kaagad naman silang kinasal.
“I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!”
Pahayag ng Vice Mayor matapos ang seremonyas. Wala ang Mayor dahil may pinuntahan ito.
Nagkatinginan naman sina Angelo at Moraine ng sinabi ang kiss the bride. Hindi alam ni Moraine kung anong gagawin kaya naman kinabig na lamang siya ni Angelo at hinalikan sa labi.
“Tama na ‘yan, Pareng Angelo. Saka mo na ‘yan ipagpatuloy kapag kayong dalawa na lamang!” Untag ni Jeffrey na humabol lamang sa kasal ni Angelo.
Nahimasmasan naman si Angelo at parang ayaw pang pakawalan ang asawa. Nang matapos ang pirmahan at picture taking ay bumalik na din sa bahay ni Kapitan ang bagong kasal.
“Uhmm.. T-tay.. gusto ko po sanang ipagpaalam si Moraine na dalhin sa Manila. Naroon po kasi ang trabaho ko at bahay pero huwag po kayong mag-alala at kapag naayos ko na po ang lahat ay babalik po kami dito ni Moraine.” Paalam ni Angelo kay Kapitan.
“Hindi ba pwedeng dito na lamang tayo?” Tutol ni Moraine kay Angelo.
“Moraine, anak, dapat ay sumama ka na kay Angelo dahil mag-asawa na kayo ngayon. Hangad ko ang inyong kaligayahan kaya sana ay alagaan mo ang iyong asawa. Ikaw naman Angelo, alagaan mong mabuti ang anak ko. ‘Wag na ‘wag ko lamang mabalitaan na niloko mo siya at talagang pupuntahan kita sa Manila dala ang aking itak.” Pananakot naman ni Kapitan.
“Opo, Tay. Aalagaan ko po si Moraine.”
“Aasahan ko ‘yan. Mag-ingat kayong dalawa.”
Pagkatapos ng kasal nina Moraine at Angelo ay kinuha lamang ni Angelo ang kanyang mga gamit kina Jeffrey at nagpaalam na babalik na ng Manila.
Si Jeffrey naman ay nagpaalam na din kay Angelo na hindi na babalik ng hasyenda dahil balak nang pakasalan si Nene. Napagtanto nito na ito na ang babaeng nararapat sa kanya.
Noong gabing nagpaalam pala itong iihi ay dumiretso ito sa bahay nina Nene at doon natulog. Nakita naman ito ni Diyosa kaya naglasing ang dalaga at doon na nakatulog sa sala.
Kaya pala huli na din nalaman ni Jeffrey ang nangyari kay Angelo dahil tanghali na ito nagising.
“Ingatan mo ‘yang kaibigan ko, Boss. Hindi nila alam ang totoo mong pagkatao kaya baka magulat ‘yan kapag nalaman niya ang totoo.” Bulong na wika ni Jeffrey kay Angelo habang nag-aantay ng masasakyan pabalik ng Manila.
“Huwag kang mag-alala at iingatan ko si Moraine. Alam ko ding baka magulat siya sa pagkatao ko kaya nga hinahanda ko na ang sarili ko. Sana ay matanggap siya ni Abuelo para tigilan na niya akong ipakasal kay Lindsay ngayong mag-asawa na kaming dalawa ni Moraine.” Wika ni Angelo bago tuluyang nagpaalam kay Jeffrey.