Pagdating sa Manila ay nagulat si Moraine ng huminto ang sinasakyan nilang taxi sa isang napakalaking bahay.
“Mahal, baba ka na. Narito na tayo.” Aya ni Angelo sa asawa. Ito na ang nagdala ng kanilang maleta.
“K-kaninong bahay ‘to?” takang tanong ni Moraine.
“Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo. Pumasok na muna tayo at alam kong pagod ka na sa biyahe.”
Hindi na nagtanong pa si Moraine at sumunod na lamang kay Angelo papasok ng napakalaking bahay.
Papasok na sana sila sa malaking pinto ng bigla itong bumukas at lumabas mula doon ang isang matandang lalaki.
“Angelo! Bakit ngayon ka lang bumalik? Pinahiya mo si Lindsay at ang kanyang pamilya!” Sigaw ng matanda.
“Abuelo, please lang. Pagod ako. And by the way… meet my lovely wife, Moraine Morales-Sobrevega. Mahal, this is my Abuelo, Pepito Sobrevega.” Pakilala ni Angelo sa isa’t isa.
Nagulat naman si Moraine sa sinabi ng asawa dahil ang akala niya ay ulila na ito.
“Angelo Sobrevega, huwag mo akong lolokohin. Saan mo napulot ang babaeng ‘to? Hindi ako naniniwala na asawa mo ‘to!”
“You’re free to investigate kung totoong asawa ko siya, Abuelo. Just be happy for us dahil ilang buwan mula ngayon ay magiging lolo ka na.” Pahayag ni Angelo.
“What do you mean?”
“Buntis si Moraine, Abuelo. Dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunga ng aming pagmamahalan. Ang inyong magiging apo.”
“No… that can’t be, Angelo. Si Lindsay lamang ang babaeng nababagay sa’yo. Siya lamang ang gusto kong pakasalan mo. Dahil sa iyong ginawa ay hindi ko na ipapamana sa’yo ang lahat ng aking ari-arian.” Galit na wika ni Senyor Pepito at mabilis na naglakad paakyat ng bahay.
“Wala akong pakialam sa mana, Abuelo. Kaya kong mabuhay kahit hindi niyo ipamana sa akin ang inyong pera. Ang importante sa akin ay ang aking pamilya. King hindi ninyo matanggap si Moraine bilang asawa ko. Aalis na lamang ako dito.”
"Hindi ko matanggap ang babaeng 'yan. Hindi siya ang nararapat sa'yo dahil si Lindsay ang nababagay sa'yo."
"Abuelo, mahal ko si Moraine at hindi ko kailangan ang mana para lamang pilitin akong pakasalan ang babaeng ayaw ko."
"Lumayas kayo dito! Hindi ko kailangan ng apong ingrato!"
Umalis naman ang dalawa para hindi na lalong magalit pa ang matanda.
May tinawagan ulit si Angelo at ilang sandal lamang ay may isang magarang sasakyan ang huminto sa harap nina Angelo at Moraine.
Inalalayan pa ni Angelo si Moraine na pumasok sa sasakyan. Kahit na nagtataka ay sumunod na lamang si Moraine hanggang sa makarating sila sa isa pang magarang bahay/
"Kaninong bahay 'to?" Tanong ni Moraine na ayaw pumasok sa malaking bahay. May katulong na kumuha ng kanilang gamit kaya takang-taka siya kung ano ba ang pagkatao ng napangasawa niya.
"Bahay nating dalawa." Nakangiting wika ni Angelo kay Moraine.
"Sino ka ba talaga, Angelo? Bakit ang sabi mo noon ay ulila ka, pero bakit pinakilala mo ako sa lolo mo. At isa pa, bakit sinabi mong buntis ako. Hindi naman." Biglang namula si Moraine sa huling sinabi.
"Huwag kang mag-alala at bubuntusin din kita. Sayang naman ang ilang rounds natin do'n sa kama mo kung wala man lang may nakarating sa finish line na semilya ko. Pero tingin ko nga kulang pa eh, dapat dagdagan natin ng ilang rounds para sure na ang triplets pagkatapos ng isang buwan."
“Ayoko!” Nakangusong wika ni Moraine.
“Bakit naman mahal?”
“Dahil nagsinungaling ka sa akin. Ang sabi mo driver ka lamang--- ay! Ano ba.. ibaba mo ako! May kiliti ako diyan. Manyakis ka talaga." Nagkakawag na sigaw ni Moraine ng bigla siyang buhatin ni Angelo.
"Sorry na. Nagawa ko lamang iyon dahil nga balak akong ipakasal ni Abuelo sa babaeng hindi ko naman mahal. Oh ‘di ba, nang dahil sa pagtatago ko ay napunta ako sa’yo. Patawarin mo na ako, gawa na lang tayo ng baby!"
“Bakit ka naman pumayag na pakasalan ako kahit na ngayon lang naman tayo nagkakilala?”
“Dahil mahal kita.”
“Ows….”
“Totoo! Kaya nga pinakasalan kita kaagad. Baka maunahan pa ako ni Mayor at Congressman. Mabuti na lamang at mas mabilis ako kaya ako ang nakasilo sa’yo.”
“Sira! Hahaha!”