MATAGAL kong natitigan ang monitor ng aking computer sa opisina. I can't find myself working dahil sa mga bagay na nagpapagulo sa isip ko.
My husband was acting strange lately at natatakot akong maulit ang nangyari sa nakaraan. Bahagya ko nang napaglabanan ang lahat ng sakit na naranasan ko dahil sa mga naging pagtataksil niya. Nalunok ko lahat ang pride ko at nagpakababa para lang hindi masira ang pamilyang pilit kong ipinaglalaban. Lumuhod pa ako sa kanyang harapan at nagmakaawa maibalik lang ang pag-ibig niyang minsan nang nanlamig.
Sa nakalipas na tatlong taon mula nang huling insedente niyang panloloko sa akin—na hindi lang iisang beses nangyari—ginawa ko ang lahat para maibalik ang dating tamis ng pagmamahalan namin. At naramdaman ko naman ang tila pagbabalik ng pag-ibig niya dahil sa mga efforts ko.
Pero nitong nakaraang ilang buwan na naging abala kami sa trabaho, tila nanumbalik din ang panlalamig ng pakitungo niya sa akin, dumagdag pa ang pangyayari kagabi.
Napabuntong-hininga ako at napasubsob sa aking braso na nakapatong sa lamesa. Muli'y sumagi sa isip ko kung paano kami naging abala pareho pagpasok pa lang ng taong 2021. January pa lang ay dagsa na ang mga bago naming kliyente sa trabaho, dahil dito ay nabawasan ang oras na dapat ay inilalaan namin para sa isa't isa. Simula rin no'n ay hindi na naalis sa akin ang paghihinala sa tuwing hindi siya nakakauwi sa aming bahay.
Alam kong likas ang pagkababaero ni Ethan. Una pa lang naman ay binalaan na niya ako ukol dito, pero dahil naging kompiyansa ako na maaari ko iyong baguhin, tinanggap ko siya at patuloy na ipinaglalaban ang pag-ibig ko para sa kanya. I never thought that this saying was true.
Once a cheater, always a cheater.
My husband and I got married at the age of twenty-seven. Pagkatapos no'n ay ipinagbuntis ko ang anak namin. We started with nothing when I was just an office clerk. Pero dahil sa pagsisikap namin, medyo nakakaahon-ahon na kami sa buhay.
Branch manager siya sa JMT Construction at nangangarap na makapagtayo ng sariling construction firm na patuloy naming pinag-iipunan. Ayon sa kanya, magandang business iyon dahil na rin sa line of work ko. I'm also a branch manager in Forbes Estate, one of the biggest real state company here in the Philippines and abroad. Having a construction firm and a knowledge in real state, we will make a big hit.
The truth is, I was a frustrated architect. I started college three years later after I graduated high school because of our family's financial problem. And I didn't finish my last year in college when I was twenty-three years old because my father abandoned us to live with another woman. At dahil nang mga panahong iyon ay ako lang ang nakikita ng pamilya ko na makatutulong sa kanila, I have no choice but to quit studying and seek for a job in different companies.
Gayunman, dahil na rin sa sipag at abilidad ko sa trabaho, when I entered Forbes Estate, I got promoted from a regular office employee to a branch manager in a short period of time. Dahil do'n, hindi maitatatwang sa estado ng aming trabaho ay mas malaki ang naipapasok kong income kaysa sa asawa ko. Higit na mas malaking kompanya ang Forbes Estate kaysa JMT Construction. And in case of benefits na meron ako, barya lang ang sa aking asawa. Aniya, iyon ang isa sa naging dahilan kaya na-fall-out of love siya sa akin three years ago. Naging mayabang daw ako at natapakan ko ang ego n'ya.
'He has to cut that crap!' sigaw ng isip ko nang maalala ang excuses niyang iyon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.
"Ma'am Sienna..."
Naiangat ko ang aking ulo at napatingin sa gawing pinto na pinasukan ng aking sekretarya. She's there, fidgeting her finger while trying to handle my serious expression. I can say that I was a little different at work. I am strict and serious when it comes to doing my job.
"Yeah?" buong tinig at blangkong ekspresyon na tanong ko sa kanya.
"I-I'm sorry to interrupt, Ma'am, b-but a client is requesting to see you," nauutal niyang pahayag.
"Client? I'm not expecting any meeting scheduled today, didn't I tell you to set an appointment beforehand for them?"
"S-Sorry, Ma'am. M-Mapilit po kasi siya. Isa pa po, s-sabihin ko raw po na magkakilala kayo," aniya habang nakayuko.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Who's the client?"
"She refused to tell me, Ma'am," saad pa niya sa magalang na pananalita. Kahit na malamig ang pakikitungo ko sa kanya at sa iba pang empleyado, alam ko namang iginagalang pa rin nila ako. Ika nga nila ay para daw akong may dual personality disorder dahil ibang-iba ako kapag nasa labas ng trabaho. Alam nila kung paano ko paghiwalayin ang business at personal matters. Isa pa, wala silang masasabi sa performance ko sa pag-handle ng work tasks and issues.
Napaisip muna ako bago muling nagsalita. Wala naman akong alam na kakilalang maaaring sumadya sa akin sa ganitong oras. "Okay, you can send her in and please prepare something to drink for her."
"Sige po, Ma'am," aniya bago mabilis na tumalilis palabas ng pinto.
Ilang sandali pa ay muli iyong nagbukas at napaiktad ako sa sigaw ng pumasok doon.
"Surprise!"
Kunot-noong tumayo ako at marahang lumapit sa pangahas na babaeng kapapasok pa lang. Pagkalapad-lapad pa ng kanyang ngiti sa akin.
Isang dipa ang layo namin sa isa't isa, natigilan ako nang unti-unti ko siyang makilala. Hindi ako makapaniwala nang sandaling iyon. Sinubukan kong kusutin ang aking mga mata at kumurap-kurap, baka sakaling nananaginip lang ako o nangangarap.
"Bhestie!" tuwang-tuwang tili ng babae sa harap ko.
"Nathalie?" tanong ko na hindi pa rin makapaniwala.
"Ako nga." Tuwang-tuwa siyang patakbong yumakap sa akin nang mahigpit.
"My God, I can't believe it. Am I dreaming?"
"Ump!" Bahagya niyang kinurot ang pisngi ko upang gisingin ako sa natutulog ko yatang diwa.
"Aw!" Shucks, hindi nga panaginip 'to. That hurts. Tinitigan ko siya kasunod ang pagtiim ng aking bagang. "Hoy, bruha ka!" Gigil kong tinampal ang bisig niya upang makabawi sa pagkakakurot niya sa akin.
"Ah!" anas niyang hinawakan ang parteng hinampas ko pero pa-inosenteng ngiting-ngiti sa akin.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin, ha? Alam mo bang antagal kitang hinintay?" may pagtatampo kong tanong sa kanya.
Sampung taon.
Sampung taong walang paramdam ang kaibigan kong ito at ngayon ay nagbalik nang wala ring pasabi. Totoong nagulat ako sa pabigla-bigla niyang pagdating. Paano ko nga ba makalilimutan ang babaeng ito na naging parte ng aking buhay.
Ngumisi siya at pinasingkit ang mga mata sabay peace sign bilang sagot sa tanong ko.
Inirapan ko siya na kunwa'y nagagalit pero pagkatapos no'n ay muli ko siyang nayakap habang namamasa ang aking mga mata.
Nathalie was like a twin sister for me. Magkaibigan kami simula pagkabata at sobra talaga akong naapektuhan nang umalis siya noong twenty-three years old pa lamang kami. Ang balita ko ay nagtungo siya sa Japan at hindi man lang nagpaalam sa akin.
Masamang-masama ang loob ko sa kanyang naging pag-alis at nagawa ko pang sisihin ang sarili ko dahil baka ako ang naging dahilan kung bakit pinili niyang lumayo. May mga pangyayari sa buhay namin ni Nathalie na nagbigay lamat sa aming relasyon pero ang ipinagpapasalamat ko ay muli kaming nagkaayos at nagpagkasunduang kalimutan ang pangyayaring iyon.
Labis ko nga lamang ipinagtaka kung bakit matapos ang ilang taong panunumbalik sa kaayusan ng aming pagkakaibigan ay nagawa niya pa ring umalis nang walang paalam. Pero habang tumatagal na hindi siya nakikita, masama man ang aking loob sa pang-iiwan niya ay mas nanaig ang pagka-miss ko sa kanya.
"I miss you, Little b***h," maemosyon kong saad. Para akong nanalo sa lottery dahil sa sayang nararamdaman.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siyang muli sa kanyang mukhang kababakasan na rin ng luha.
"I'm sorry..." aniyang puno ng dispensa sa mga mata.
"No, that's alright. I knew you had the reason. I am just so happy you're back."
"Ako rin. Marami tayong pinalipas na mga sandali na hindi nagkita, kaya alam kong marami tayong pagkukuwentuhan. Am I right?" saad niya habang sinusubukang basagin ang madamdamin naming pagkikita ulit.
"Tss! At sino kaya ang dapat sisihin sa issue na 'yon?" nakasimangot kong singhal sa kanya.
"Okay, okay. Kaya nga sorry, 'di ba?"
"Hmpft." Inirapan ko lang siyang muli at nagpasuyo sa kanya. At dahil alam na alam niya kung paano ako patatawanin at susuyuin, sinundot niya ako sa tagiliran nang paulit-ulit. Bigla akong napaiktad dahil malakas ang kiliti ko sa sa parteng iyon. Sa mga sumunod na sandali ay tila kami nagbalik sa pagkabata sa lagay ng aming kulitan. Maya-maya pa ay napuno na ng halakhakan ang soundproof kong opisina.