CHAPTER 3

2128 Words
"YOU—WHAT?!" gulat kong tanong kay Nathalie at agad ibinaba ang mainit na kapeng iniinom ko. Halos maibuga ko sa mukha niya ang likidong nasa bibig ko dahil sa kanyang sinabi. "Yeah, you heard it right, Darling," nakangisi niyang saad. Pinagpatong niya ang dalawa niyang hita kaya lumantad ang mapuputi at mahahaba niyang biyas. Plano niyang bumili ng bahay na matitirahan nila ng boyfriend n'ya. Hindi ko lang akalain na ang conservative dati na tulad ni Nathalie ay magagawang makipag-live-in ngayon. Napasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Malaki na talaga ang ipinagbago ng kaibigan ko sa pisikal na kaanyuan. She has a fit and sexy body na binabagayan ng elegante niyang kasuotan. Ang kanyang magandang mukha ay napipintahan ng make-up na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan. She has a tantalizing eyes, matangos na ilong at maliit na labi. Very sophisticated ang kanyang mga kilos at paraan ng pananalita. She's too gorgeous. Hindi katulad ko na medyo napabayaan ang sarili dahil sa trabaho at sa pagsisikap na maging mabuting asawa at ina sa aking anak. "Well," aniko nang makabawi, "I'm happy for you but a bit surprise, na 'yan kaagad ang ibinalita mo sa akin. Anyway, ako na ang bahala sa klase ng bahay na hinahanap mo. I will look into it immediately, para naman masulit ninyo ng boyfie mo ang passionate time n'yo sa isa't isa," pilya kong sabi sabay kindat. Nakuha niya ang ibig kong sabihin at natawa ako sa pamumula ng kanyang mukha. "Hoy, bruha ka! H'wag ka ngang painosente sa pamumula ng mukha mo," natatawa ko pang biro. Tatawa-tawa siyang umirap sa akin. "Now, tell me," excited kong untag sa kanya. "How does he look? Is he hot? Matagal na ba kayo?" sunod-sunod kong tanong. Tumitig siya sa akin bago bumulong. "Definitely hot... and wild." Naghagikhikan kami sa sinabi niya. No offense but I really did imagine something about being wild with my husband. "Matagal na ba kayo?" nangingiti pa ring ulit ko sa tanong ko kanina bago muling humigop ng kape sa tasang nasa tapat ko. "Half a year, I guess?" walang kasiguraduhang sagot ni Nathalie. Nanlaki ang mata ko. "Half a year and you want to live with him already? Gaano mo na ba kakilala ang lalaking iyan?" bulalas ko sa kanya. "Well, it's been two month since I came back and we've been seeing each other for almost everyday." "Paano ba kayo nagkakilala?" "We met each other online when I was in Japan then after a month of having a chat online, we decided to make it official!" masigla niyang pagkukuwento. "Isa pa, alam ko namang marami pa akong dapat malaman sa kanya. That's one of the reason why I wanted to live with him. Sabi kasi nila mas makikilala mo raw ang isang tao kapag nagkasama kayo sa iisang bubong." Natahimik ako sa litanya na iyon ng aking kaibigan. May punto naman talaga siya dahil kahit sa aking asawa ay napatunayan ko iyon. Ang dating akala ko na sweet at maalalahaning si Ethan ay hindi ko na magawang pagkatiwalaan ngayon dahil sa walang katiyakan nitong mga kilos. "Wait, kailan mo pala ipakikilala sa akin ang asawa mo, ha?" untag ni Nathalie sa akin nang saglit akong matahimik. Lumapad ang ngiti ko sa tanong niya at nakaramdam ng pagmamalaki. Honestly speaking, despite of everything that my husband did to me, I still want to brag about him to my bestfriend. Pangarap lang naming dalawa ni Nathalie na maikasal sa mga lalaking unang makaaangkin sa amin. At para sa akin, natupad ang pangarap na iyon. Ang asawa ko ang unang lalaking nakaangkin sa akin na tanging pinagkatiwalaan ko ng aking sarili. Masaya ako at buong pagmamalaki na siya ang naging asawa ko. Pero s'yempre labas do'n ang pagiging babaero n'ya. Well, lahat naman yata ng lalaki ay may mga kahinaan, 'di ba? "Soon," maikli kong tugon na may pilyo nang ngiti sa labi "Ikaw, ha, bakit parang ayaw mong ipakilala sa akin ang asawa mo? Naiisip mo pa rin bang aagawin ko siya sa'yo," pabirong linya niya na ikinatigalgal ko. Humalakhak naman si Nathalie nang makita ang naging reaksyon ko. "Don't worry, nakalimutan ko na ang nangyari sa atin noong high school," dugtong niyang ang tinutukoy ay ang insedenteng iyon na pinagsimulan ng matindi naming alitan. "At saka mga bata pa tayo no'n kaya ko lang nasabi sa'yo ang mga salitang iyon." Unti-unting nahaluan ng pag-aalinlangan ang ngiti ko bago ako napayuko. Ayoko nang balikan pa ang nakaraang iyon. Tutal naman ay matagal na rin kaming nagkaayos at nagkasundong kalimutan na iyon. Ewan ko nga ba kung bakit nabanggit pa niya ang tungkol sa pangyayaring iyon. "Sorry, Bhestie, ah. Hindi ko natupad ang promise natin na maging abay sa kasal ng isa't isa," pagpapalit ni Nathalie ng topic nang mapansin ang pagkailang ko. Nabakas ko rin ang panghihinayang sa tinig niya nang sabihin iyon. Napabuntong-hininga muna ako upang pakawalan ang kabagabagang saglit dumapo sa dibdib ko. "I understand," nakangiti ko nang tugon sa kanya nang iangat ko ang aking paningin. "Basta ba huwag mo 'kong kalilimutan sa kasal mo at saka gusto kong makilala ang da one mo na 'yan para makaliskisan." Natatawa na naman siyang tumango. Magre-react pa sanang muli si Nathalie pero hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang makatanggap ng tawag. "Yes, Babe," masaya niyang sagot sa kausap. Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa kaligayahan at masaya rin ako na makita siyang masaya. We still have the same closeness as before, na para bang hindi kami nagkahiwalay ng sampung taon. Masaya akong may nagbago man pareho sa pisikal naming itsura, hindi naman nagbago ang turingan namin sa isa't isa. "I'm here at my bestfriend's office." Kinindatan niya ako na ikinangiti ko. "Remember the one that I told you over the phone three months ago when I was in Japan. I finally saw her again. And I'm so happy right now." Inabot ni Nathalie ang kamay ko at mahigpit na kinapitan habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap. "Okay, I'll see you tonight. Bye, I miss you." Nakita kong in-end na ni Nathalie ang tawag bago bumaling sa akin. "I'm sorry, Bhestie. But I think, I have to go now. You know..." makahulugan niyang sabi na palitang pinagtaas-baba ang mga kilay. Agad kong naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya napatango ako. "Sure, its okay. Let's see each other some other time. Just enjoy your night, okay? And..." pabitin kong saad bago inilapit ang bibig sa tainga niya at bumulong, "bigyan mo na ako ng pamangkin." "Yah!" react niyang kunwa'y nagulat pa. Tawa naman muli ako nang tawa dahil namumula na naman ang pisngi niya. "Go!" taboy ko sa kanya palabas ng pinto ng aking opisina. "I'll call you, okay?" Tumango-tango siya tsaka nagpaalam. Bahagya ko pang nakita ang makahulugang ngiti na gumuhit sa labi ni Nathalie bago siya tuluyang tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin habang palabas. Walang paglagyan ang saya ko na nagbalik na muli ang taong itinuturing kong kapatid o kapamilya. Magaan ang aking pakiramdam na umupo sa swivel chair ko at napahimig ng isang awitin. Naputol lang ang aking ginagawa at naalis ang ngiti ko sa labi pagkabasa ng mensahe mula sa aking asawa. Mahal, don't wait me for dinner. Something came up at the office. I'll be home late tonight. Kunot-noo kong tinawagan ang number niya pero totot lang ang aking naririnig. Makailang ulit ko pang sinubukan, pero pareho lang no'ng nauna. Nagkibit-balikat na lamang ako at inunawa ang sitwasyon niya sa trabaho. Pinilit ko munang iwaksi ang paghihinala upang hindi masira ang maganda kong mood. Hindi lang naman iilang beses nangyari na late na siyang umuwi. Ayon kay Ethan, dahil iyon sa mga problema ng kompanya nila sa mga sub-contractors. Marahil ay nagkaroon na naman ng hindi pagkakaintidihan. Paniwalaan ko man o hindi ang dahilang iyon, hindi ko naman siya magawang komprontahin. Makalipas ang ilang sandali pa ay nakahanap na ako ng kasipagan upang gawin ang walang katapusan kong trabaho. Muli pa ay nalunod na naman ako sa mga gawain at hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Matapos kong mag-inat-inat ng mga braso at katawan ay tsaka ko lang napansin ang oras. "Oh, shot! Five o'clock na pala," bulong ko bago napahilamos sa aking mukha. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa buong maghapon. Ni hindi ko na nagawang makapananghalian nang maayos kanina sa sobrang dami ng trabahong kailangan kong tapusin sa tamang oras. Nagligpit lang ako ng gamit ko at lumabas na sa opisina. Isa-isang nagpaalam sa akin ang mga empleyadong nasasakupan ko habang kani-kaniya na rin silang nagliligpit ng mga gamit nila. Marahan lang ang patakbo ko ng kotse pagkalabas sa parking lot ng building namin. Mula Tandang Sora, Quezon City kung saan ako nag-o-opisina, binagtas ko ang daan patungo sa bahay namin sa Ortigas. At dahil rush hour ay inaasahan ko na ang matinding traffic. Nasa may Project 6 pa lamang ako nang bigla kong naihinto ang aking sasakyan. Nakita ko ang pamilyar na kotseng itim na nakaparada sa harap ng isang restaurant. 'He said, he's at work.' Naisaisip ko iyon habang nakatitig sa plate number ng kotse. Kunot-noo akong bumaba ng sasakyan ko pagkagilid niyon at nilapitan ang kotse ng aking asawa. Sinilip ko ang loob ng sasakyan at tiningnan kung nasa loob siya pero walang tao ro'n. Pinagala ko ang aking mga mata sa loob ng katapat na restaurant pero wala rin ni anino niya. Sa isang iglap ay kung ano-ano na namang kaisipan ang pumasok sa isip ko at bumalik na naman ang tindi ng aking paghihinala. 'Hindi kaya dahilan niya lang na male-late siya?' muli ko na namang naisaisip at hindi napigilan ang kuryusidad. D-in-ial ko ang number niya upang tanungin kung nasaan siya. Nag-ring iyon nang ilang beses pero hindi niya in-accept ang tawag. Tanging totot na naman lang ang narinig ko. Isa pang dial at inis na inis kong hinintay na sumagot s'ya pero nire-reject niya talaga ang tawag ko. Inis na inis akong bumalik sa aking nakaparadang kotse, pero hindi kaagad ako umalis doon. Naghintay pa ako kung babalik na sa kotse ang asawa ko, pero makalipas ang ilang oras kong paghihintay ay bigo ako. May namumuong galit sa dibdib ko nang magpasyang umuwi na at ipagpabukas na lang ang pagkompronta sa kanya. Siguro nga ay panahon na rin upang magkausap kami nang masinsinan. 'Damn you, Ethan! Malaman-laman ko lang talaga ang mga kasinungalingan mo, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na bitawan ka! Darating din ang araw na maipatitikim ko sa'yo lahat ng sakit na idinulot mo sa akin!' nanggagalaiting sigaw ko sa aking isip habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela ng kotse. Naalala ko ang dahilan kung bakit kailangan ko pang magtiis sa ganitong sitwasyon. Kung hindi lang dahil sa nag-iisa naming anak na nais kong pag-alayan ng buong pamilya, hindi ako magtitiis nang paulit-ulit na masaktan. Mukhang ang inaakala kong pagbabalik ng pag-ibig niya ay isang pagbabalat-kayo lamang. Isa akong malaking tanga kung patuloy ko pa iyong paniniwalaan. Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha mula sa aking mga mata. Napagtanto ko lang iyon nang pumarada na ang aking sasakyan sa harap ng aming bahay. Malamlam ang mga matang tinitigan ko iyon nang matagal. Ang bahay na iyon, na akala ko ay magsisilbi naming tahanan, mistulang isang istruktura na nga lamang. Mula sa dalawang palapag nitong taas hanggang sa kulay puti nitong exterior design, malawak na terrace at ang full-length glass window style nito, masasabi kong maayos naman na ang pamumuhay namin in terms of financial. Iyon nga lang, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamahirap dahil sa aking sitwasyon. May asawa akong hindi ko magawang pagkatiwalaan at ni hindi ko makasama ang sarili kong anak dahil sa trabahong nakaatang sa balikat ko. Aaminin ko, takot akong magpa-alaga ng aking anak sa mga taong hindi namin kaano-ano. Iyon ang dahilan kung bakit mas pinili kong manatili ang aming limang taong gulang na anak sa Batangas sa poder ng aking ina. Iyon lang kasi ang tanging paraan upang mapanatag ako sa bawat araw na pumapasok ako sa trabaho. Every two weeks naming pinupuntahan ni Ethan si Gianna sa Batangas to spend quality time with her. Masasabi ko namang hindi pa rin namin siya napababayaan dahil naibibigay naman namin ang kanyang mga pangangailangan—pinansyal man o emosyonal. Mabigat ang hakbang kong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko pa lang ay dama ko na ang kahungkagan sa tahanang iyon. Ang lamig ng paligid. Marahil, dahil unti-unti na ring nanlalamig ang pag-ibig ng mga taong bumubuo sa tahanang iyon. Pabagsak akong naupo sa sofa tsaka napatingala at mariin kong naipikit ang mga mata. Ramdam ko na naman ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi. 'Will I be able to be happy again?' When?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD