MABIGAT ang katawan kong bumangon sa kama bago bumaling ang aking tingin sa gawing kanan nito.
It was empty.
As I touched the spot where my husband usually slept in, I felt the cold fabric underneath my fingers.
Well, hindi lang naman ito ang unang beses na hindi siya nakauwi dahil kuno sa kaniyang trabaho. But I still doubted his reasons. Hindi pa rin ako masanay sa mga dahilang ibinibigay niya. I always have that suspicious feeling. Gayon pa man, hanggang paghihinala lamang ako dahil wala naman akong makitang patunay na may kakaiba siyang ginagawa na makaaapekto sa relasyon namin.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napatitig sa labas ng bintana na ngayon ay tinatagusan ng sikat ng araw. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung kailan pa kaya matatapos ang parusang ito sa akin?
Pero...parusa nga ba ito...kung ang tanging kasalanan ko lang naman ay ang mahalin siya nang lubusan at higit pa sa sarili ko?
Muli ay pabuntong-hininga akong tumayo at sinimulan ang routine ko pagkaumaga. Nagtungo ako sa banyo upang makapag-shower. Dinama ko ang pagdampi ng maligamgam na tubig sa aking katawan. Pero marahil, dahil sa nanlalamig kong puso, nakaramdam ako ng lamig sa bawat pagdaloy niyon.
Ganito nga yata talaga kapag unti-unti ka nang napapagod sa paulit-ulit na mga pangyayari. Tila gusto ko na lang magpadala sa agos at hindi na manlaban pa o magpatianod na lamang dahil ayoko nang mag-demand at lumuha.
Nawalan na ako ng gana na mag-almusal. Napagpasyahan kong hatiran na lamang ng pamalit na damit ang aking asawa sa kanyang opisina.
Pagkaparada ko ng sasakyan sa open parking lot ng building nila, pasado alas siyete ng umaga, tinawagan ko muna ang number niya bago ako lumabas ng kotse pero unattended iyon.
Tinapunan ko ng tingin ang sampung palapag ng JMT Building at saglit na nagtalo ang aking isip kung personal ko na siyang sasadyain sa loob o aalis na lang. Sa bandang huli ay nagpasya akong puntahan na lamang siya sa loob upang makita na rin ang kanyang sitwasyon.
Pagkababa ko ng sasakyan ay sakto namang sulpot ng assistant ni Ethan na si Nixy. s*x-ing-sexy siya sa kanyang black mini-skirt at sleveless lace top outfit. Habang papalapit siya sa direksyon ko ay hindi ko naiwasang pagmasdan siya. Umaapaw ang confidence niya sa suot na three inches high heels. Kung susuriin ko namang mabuti, tila isang pulgada lang ang itinangkad niya sa taas kong limang talampakan at dalawang pulgada. Namumutok din sa pula ang maliit niyang labi. Nangba-bounce naman ang kulot niyang buhok sa kanyang bawat hakbang. Maputi rin ang kanyang kutis na lalo pang pinatingkad ng sikat ng araw na tumatama sa balat niya. Every inch of her screams seduction.
'Tsk! Paano ba nakapagtatrabaho nang maayos ang babaeng 'to sa kanyang kasuotan? Is it really okay to show up at work looking like this?' nakaismid na bulong ng insecure part sa aking isip.
"Excuse me," tawag ko sa kanya nang lalampasan sana niya ako. Nakapagkit sa labi ko ang isang plastik na ngiti. Ewan ko ba, pero mainit ang dugo ko sa babaeng 'to simula pa noong una.
Napatigil siya sa paglalakad at mataray ang tinging bumaling siya sa akin bago maarteng sumagot. "Yes?" aniyang nakataas pa ang kilay.
Ako naman ang lumapit sa kanya. Ni hindi ako nagpaapekto sa katarayan niya. Ganito siya simula't simula. Alam ko namang nakikilala niya ako dahil ilang beses na rin naman akong nagpunta rito.
"Ah, I just wanted to bring my husband some clothes to changed on," panimula ko. "Puwede na kaya akong pumasok sa loob? You know, baka maabala ko siya kung basta na lang akong pupunta roon at iyon ang ayokong mangyari."
"It's okay, you can go up," maarte at pahinamad na sabi ni Nixy. Patay-malisya pa siyang tumingin sa pinturado niyang mga kuko sa daliri. "But why do you have to do that, anyway?" Bigla-bigla, nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Nixy nang tila may mapagtanto. Kasunod no'n, sumilay sa labi niya ang nanunudyong ngisi. "Hindi ba nakauwi si Boss kagabi?"
"Ah, yeah," anas kong pinigilang magpadala sa panunudyo niya bagkus ay pahapyaw pa akong nag-usisa. "Anong oras ba natapos ang overtime n'yo kagabi?"
Kumunot ang noo niya. "Wala kaming overtime kagabi. Iyon ba ang sinabi ni Boss?" maang-maangan niya.
Saglit kong kinalkula sa aking isip kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niya base sa paraan ng kanyang pananalita. Masusi ko ring pinag-aralan ang ekspresyon niya pero bigla ang naging pagguhit ng inis sa dibdib ko dahil hindi ko matimbang ang katotohanan sa mga mata niya. Gayon pa man, pinilit kong pakaswalin ang pananalita ko nang magsalita ako. "Ah, ganoon ba? Ibig sabihin hindi ka nag-overtime kagabi?"
"Yeah. Pinauwi ako ni Boss after working hours. But I didn't know, kung nagkaroon ng problem pagkaalis ko."
"Ah..." anas ko na lang habang tumatango-tango. Samu't saring kaisipan na ang naglalakbay sa utak ko. Pilit kong pinagtatagni-tagni ang mga pangyayari kung totoo nga ang sinasabi ni Nixy.
Napansin ko ang pagsulyap niya sa hawak kong paper bag na may damit ng asawa ko. Mas mabuti pa siguro kung hindi muna kami magkaharap ngayon dahil hindi ko pa alam ang dapat kong isipin. Baka kapag nakita ko siya ay makapagtanong na naman ako ng mga bagay-bagay mula sa aking paghihinala. Paniguradong mauuwi na naman iyon sa aming pagtatalo at iyon ang lagi kong iniiwasan.
Labag man sa aking loob dahil sa mga insecurities na nararamdaman ko para kay Nixy ay nagawa ko pa ring makiusap sa kanya. "Please do me a favor. Hindi na pala ako makapapasok sa loob. Pakibigay na lang nito sa kanya," aniko habang kaswal na inaabot ang dala kong paper bag. "I'm a bit late now," dugtong ko habang nakatingin sa pambisig kong relo, "and I don't think I can give it to him personally." Nakita ko ang panginginig ng aking kamay nang mapasulyap ako roon. Dahil iyon sa galit na unti-unting nabubuhay sa dibdib ko.
"Oh, sure!" Mabilis pa sa alas kwatro'ng kinuha niya ang paper bag sa kamay ko. Hindi ko mawari pero tila may extra excitement sa tinig niya. Hindi tuloy maiwasang sumagi sa isip ko kung isa ba siya sa mga babaeng nagkakandarapa sa aking asawa.
Wala akong nagawa kundi ang ipaubaya ang bagay na iyon kay Nixy. Tipid lamang akong nagpasalamat bago walang lingon-likod na pumasok sa kotse at mabilis iyong pinaandar.
Nagdiretso ako sa aking opisina. Hinamig ko muna ang aking sarili bago humarap sa nag-uumapaw kong gawain. Pinilit kong iwaksi sa aking isip ang lahat ng problemang bumabagabag sa akin, kahit pa nga pakiramdam ko, nag-aapoy na ang aking puso dahil sa sama ng loob. Hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan.
Bandang patanghali nang makatanggap ako ng tawag mula sa demohong kong asawa. Nagdadalawang-isip akong sagutin iyon dahil parang ayoko muna siyang makausap. Sa pagitan ng aking pagtatrabaho kanina ay nakabuo ako ng konklusyon at lalong tumindi ang paghihinala ko. Sa nakalipas na buwan ay naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin, hindi ko iyon binigyang-pansin dahil abala rin ako sa pagtatrabaho kaya akala ko ay normal pa rin ang lahat sa amin. Pero dahil sa napapadalas na hindi niya pag-uwi at ang insedenteng pagtawag niya ng babe sa akin ay sapat iyon upang pagdudahan ko siya.
Napunta sa missed call ang tawag niya. Patay-malisya kong inilayo ang aking cellphone dahil alam ko namang hindi na siya tatawag ulit.
Ugali na niya iyon. He never tried to call me twice. Once I didn't answer his call, it's over. Gano'n siya mag-effort—kung effort nga lang na matatawag iyon.
Nasira na ang konsentrasyon ko sa trabaho, kaya nagpasya akong lumabas muna ng opisina upang makapagpahangin. Sa rooftop ng building namin, dinala ako ng aking mga paa. Hindi katingkaran ang sikat ng araw kahit alas diyes na ng umaga. Banayad ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko, senyales na hindi pa natatapos ang taglamig.
Bago umakyat dito ay napadaan ako sa isang coffee vending machine. That's a good timing because a cup of coffee will be enough to calm myself down. After a long sip from it, my mind started to get clearer while looking at the entire town of Quezon City.
Nakaka-ilang higop pa lamang ako ng kape nang makarinig ako ng mahinang tikhim sa likuran ko.
Napalingon ako sa entremetidong umabala sa aking pag-iisa at nakita ko ang aming Chief of Manager—Daniel Serrano. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. May ibubuga talaga ang itsura niya. Mas matanda man siya sa akin ng limang taon sa edad niyang thirty-eight years old, kitang-kita pa rin ang tikas ng kanyang pangangatawan at mas bata siyang tingnan kumpara sa kanyang edad. We're close friends, kaya naman kahit mas mataas ang posisyon niya sa akin, pabalewala kong binawi ang tingin sa kanya na hindi nagbibigay-galang.
"I was looking for you," aniya pagkalapit sa akin.
"Hmm..." pahinamad kong ungol.
"Is there any problem? Nagmumukmok ka na naman dito."
"Don't ask me. I don't wanna talk about it," saad ko. Muli akong humigop ng kape sa paper cup na hawak ko at hindi pa rin siya muling tinatapunan ng tingin.
Ramdam ko ang masusi niyang pagtitig sa aking kanang pisngi, pero hindi ako naapektuhan no'n at hinintay na lang na muli siyang magsalita.
"We're going on a team party tonight, wanna join us?"
"Ayoko. I have other plans," diretsahan kong tanggi. Hindi man aminin ni Daniel, alam kong may malalim siyang pagtingin sa akin, base na rin iyon sa mga pahiwatig na ipinapakita niya. Pero dahil may asawa ako at kaibigan ang turing ko sa kanya, hindi ko nagawang magbigay motibo kahit minsan. Tama na ang isang bato na ipinupukpok ko sa ulo ko.
"Okay. But if you change your mind, just call me okay?"
I turned into him then said, "Sorry, but I won't." I smirked while looking straightly in his hazel brown eyes.
"Woah, you're so ruthless," kunwa'y nasasaktan niyang saad na may pagkapit pa sa dibdib. "Hindi ba puwedeng may kaunting paligoy-ligoy man lang?"
"Sorry, Boss."
Napailing-iling si Daniel habang binabawi ang tingin sa akin.
Natatawa na lang akong tinapik siya sa kanyang balikat. Pumihit na ako patalikod patungo sa exit habang pahagis kong itinapon ang paper cup ng ininom kong kape sa nadaanan kong basurahan.
"Just tell me if you want to—I can give him a hard punch for you. Just tell me once and I will definitely do it," pahabol niyang sigaw sa akin. Alam kong ang asawa ko ang tinutukoy niya na sa una pa lang ay hindi na niya makasundo.
Tinaasan ko lang siya ng gitna kong daliri bilang tugon habang patuloy sa paglalakad.
Fu.ck you!
Kahit hindi ako lumingon ay alam kong napailing na naman siya.
Sa nakalipas na pitong taon naming magkaibigan at magkatrabaho ni Daniel, batid kong alam niya ang sitwasyon ng pagsasama namin ng asawa ko. Kung meron mang iba na nakaaalam ng totoo, si Daniel iyon. Hindi ko kailangang sabihin pa 'yon sa kanya dahil nasaksihan na niya lahat, at siya ang walang sawang umalalay sa akin sa mga panahong malapit na akong sumuko.
I was really thankful for Daniel being my friend. Para ko na siyang nakatatandang kapatid kaya hindi ko talaga maisip na magkaroon ng romantikong pagtingin para sa kanya.
Pagkababa ko sa aking opisina sa tenth floor, nakita ko ang dalawang missed call sa cellphone ko. Medyo hindi pa ako nakapaniwala kung kanino iyon nagmula—kay Ethan.
Ang totoong dahilan kung bakit tumanggi ako sa paanyaya ni Daniel ay upang maisagawa ko ang unang hakbang sa aking plano.
I will find the truth kung may ginagawa na naman ba siyang kalokohan. At kapag napatunayan ko iyon, I will make sure to make Ethan tastes my vengeance.
Yeah, I will definitely find the truth tonight at walang makapipigil sa akin na malaman iyon. Aalamin ko ang katotohanan dahil hinding-hindi na ako magpapauto pa sa kanya.
Brace yourself, my dear husband.
Muli kong tiningnan ang message niya sa akin kahapon, na nagdulot na naman ng matinding hinanakit sa puso ko. Tiim ang aking mga bagang habang paulit-ulit na binabasa ang kanyang kasinungalingan.