KABANATA 20 Pagmulat ng mata ni Via ay unang tumambad sa kanya ang kulay asul na kisame, mabilis siyang napabalikwas at tumingin sa kanyang paligid. Halos lahat nang nakikita niya ay nababalutan ng kulay asul—mga dingding, kurtina, at ang hinihigaan niya. Nang maramdaman niya ang pagsigid ng kirot sa kanyang tagiliran ay saka lang niya naalala ang nangyari kagabi. Pauwi na siya mula sa unibersidad nang mamataan niya si Russell na may kasamang dalawang lalaki na sa unang tingin pa lang ay mahahalata nang walang magandang gagawin. Agad niyang sinundan ang mga ito at tahimik na pinanood kung ano ang gagawin ni Russell sa mga ganoong kadelikadong tagpo at sobranmg laki ng disappointment niya nang makita niyang iniabot nito ang bag nito sa mga adik. Gusto niyang hayaan na lang sana

