KABANATA BENTE-OTSO Inihanda ni Zellea ang magandang ngiti nang humarap siya kay Chino. Hindi siya puwedeng magpahalata na kinakabahan siya at naiilang. “Ano na namang pakilo ito?” Natatawang tanong niya rito. “Puwede ka na bang magtanong sa akin nang maayos kung gusto mo lang ng ka-duet. Kakanta ba tayo?” Matagal siyang tinitigan ni Chino at nang mga sandaling iyon ay parang gusto na lang niyang maglaho o lamunin siya ng lupa. Nararamdaman niya kasing hindi magiging maganda ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Chino. “Zee.” Napapitlag siya nang marinig niya ang boses nito. Muntik pa siyang mapalundag sa pagkagulat. Ano bang nangyayari sa kanya? “Okay ka lang ba?” tanong nito. “O-Oo naman, kakanta ba tayo?” Nakangiting tanong niya rito at nagsimulang lumapit sa nag-iisang mikro

