KABANATA BENTE NUEBE

2072 Words

KABANATA 29 “Sa tingin mo magkakaayos na ba ang dalawa sa ginawa natin?” tanong ni Russell sa nagbabasang si Via. Nasa library sila at nagbabasa para sa kanilang project, hindi na nila tinawagan pa si Lia dahil alam niyang magkakairingan lang ang dalawa at ayaw naman niyang masira ang moment nilang dalawa ni Via. Isa pa, binigyan niya na ito ng topic na pag-aaralan kaya hindi na nito kailangan pang dumikit sa kanila. Mas okay sa kanya na silang dalawa lang ni Via ang laging magkasama. Iyon na nga lang ang pagkakataon na masosolo niya ang dalaga, siyempre hindi na siya papayag na gambalain pa sila. “Not a chance,” simpleng sagot nito na hindi natinag sa pagbabasa at pagsusulat. “Bakit naman? Tingin ko naman may gusto din si Zellea kay Chino, ah! Huwag mo sabihing hindi mo alam iyon?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD