KABANATA TRENTA “What the hell?” sigaw ni Russell nang bigwasan ni Via si Chino sa sikmura. “Hayaan mo na lang sila. Galit si Via at kung ayaw mong mapagbuntunan ng galit niya manahimik ka na lang,” saad ni Wilmar na naglakad papunta sa isang bench at nakahalukipkip na tinitingnan lang sina Via at Chino. Sinundan niya si Wilmar sa bench at nag-aalala siya hindi kay Via kundi kay Chino. Paano kung maisipan ng dalaga na bigyan ng isang pamatay na sipa ang pinsan nito? “Ang dami kong gustong itanong pero alam kong hindi mo rin ako masasagot, tama ba ako?” seryosong tanong niya sa kanyang katabi. “Mas magandang si Via na ang tanungin mo. Nakatitiyak naman akong sasagutin niya ang mga gusto mong itanong. Iwasan mo lang ang mga personal na tanong,” sagot ni Wilmar habang nakatingin kina Ch

