KABANATA TRENTA’Y-UNO Padabog na itinapon ni Via ang gamit niya sa isang tabi ng Dance Studio. Kasama niya sina Drea, Zellea at si Wilmar. Wala ang apat dahil ngayon ang alis ng mga ito para sumali sa isang kompetisyon kung saan magagaling ang mga ito. “O, huwag mong sabihin na namimiss mo na agad si Russell,” pang-aasar sa kanya ni Wilmar. Sininghalan niya ito ng tingin. “Bakit ko naman mamimiss ang ugok na iyon?” “Kasi apat na araw mo na siyang hindi nakakasama?” wika naman ni Zellea. Umismid siya. Gago iyon, eh! Alukin ba naman siyang maging girlfriend nito? Anong konek niyon sa pinagdadaanan niya? Simula no’ng gabing sinabihan siya ni Russell niyon ay hindi na niya ito pinansin pa. Ipinakita niyang galit siya at hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, nagbalak itong kausapin ulit

