KABANATA TRENTA’Y DOS “Hi!” Napalingon si Chino sa tinig ng isang babae at nagulat siya nang makilala ito. “Tessa Yason?” Kunot-noo niyang turan. “The one and only.” Nakangiti nitong sagot at yumakap sa kanya. “Oh God, I missed you, hun!” Natatawa naman niyang niyakap din ito. “Anong ginagawa mo dito?” Nakasimangot na humarap sa kanya si Tessa at nakahalukipkip na nagsalita. “Ang tagal nating hindi nagkita tapos iyan ang ibubungad mo sa akin? Wala man lang bang I missed you too at puwede na ba kitang ligawan?” Mas lalo siyang natawa sa tinuran nito. Hindi nag-aaral si Tessa sa Siagesse University pero lagi itong napupunta sa University dahil naging malapit na nga nila itong kaibigan. Nakilala nila si Tessa sa isa sa mga Competition na sinalihan nila. Very competi

