KABANATA TRENTA’Y TRES Napakurap si Zellea nang maramdaman niya ang kamay ni Diego na nakapatong na sa kamay niya. Agad ko iyong tinanggal at matalim na tumingin dito. “Pumayag ako sa gusto ng mga magulang natin pero hindi ko sinabing kailangan mo akong sunduin sa School. Malinaw ang usapan natin, Diego,” mataray niyang turan dito. Huminga ito ng malalim. “Hindi lang ikaw ang naiipit sa walang kuwentang kasunduan na ito, Zelle. Alalahanin mong hindi rin ako sang-ayo dito pero wala akong magawa dahil hawak pa rin tayo ng mga magulang natin.” “Hindi ako naniniwalang wala tayong magagawa. Kung sa umpisa pa lang ay umayaw ka na at sinabing hindi mo rin ito gusto, hindi nila maiisip ang ganitong plano,” angil niya rito. Wala siyang pakialam kung maririnig man sila ng driver ni

