KABANATA 10 Gigil na gigil pa rin si Via kahit hindi na niya nakikita pa si Russelle. Potah. Pakiramdam niya ay talagang sinadya nitong pasukin ang kuwarto niya. “Paano ba nakapasok si Russell sa kuwarto mo, hindi ka nag-lock ng pinto?” tanong ni Drea. Natigilan siya at saka niya lang naalala na hindi pala niya nai-lock ang kanyang pinto. Nakalimutan niyang i-lock iyon dahil nasanay naman kasi siyang hindi nagla-lock ng pinto. “Ayun naman pala,” saad ni Zellea. “May kasalanan ka din, Via kaya huwag mong isisi lahat kay Russell. Kawawa iyong tao muntik mo pang balian ng buto.” Naiiling na dagdag pa ni Zellea. “K-Kahit na. Hindi pa rin tama iyong papasok siya nang hindi man lang kumakatok” Nakaingos na sambit niya. “Anak, intindihin mo na lang na una

