KABANATA 9 Pagkatapos ianunsyo ni Kuya Daryl ang pagkapasok nila sa finals nagpatawag muli ito ng meeting ngunit hindi na nila kasama si Via. May pagka-misteryosa ang dating nito kay Russell at nagsisimula na siyang hindi magustuhan ang dalaga. Hindi niya akalain na magaling pa lang talaga ito sumayaw at base sa mga naririnig niya sa mga estudyanteng nadadaanan nila papunta sa Meeting Room ay talaga namang walang makakapantay sa galing nito sumayaw. Nakakapang-hinayang nga lang daw dahil na-disband ang grupo nila. Maging ang mga kasamahan niya ay si Via ang pinag-uusapan at sa totoo lang ay naririndi na siya dahil puro pangalan na lang na Via ang kanyang naririnig. “Congrats, guys! Nakuha niyo agad ang atensyon ng mga hurado sa unang performance niyo at umaasa silang mas pa

