IKA-WALONG KABANATA “Perhaps I…can change that.” Natigilan si Via sa pagtayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Kuya Daryl, oo my God!” mabilis na tumayo si Zellea at agad na yumakap sa dati nilang manager, habang siya ay nakatingin lang dito at hindi maigalaw ang mga paa. Mukhang wala na nga yata siyang ligtas sa pagkakataong iyon dahil alam niya ang kakulitan ng kanilang manager. Kung noon ay napagbigyan siya nito, nhgayon ay malamang hindi na, isa pa, nakapangako siya dito na kapag nagtagpo ulit sila ay may chance na bumalik siya sa pagsasayaw. “Hello, Via, long time no see. Remember what you told me last time?” kinindatan siya nito at lumapit sa kanya. Bumalik din sa upuan niya si Zellea at nangalumbabang humarap sa kanya. “Isn’t it amazing, sis? We g

