KABANATA 7 Napanganga siya sa sinabi nito at nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito ay hindi niya napigilang mapabunghalit ng tawa. Bagay na pinagsisihan niya sa bandang huli dahil naagaw niya ang atensiyon ng lahat. ‘You’re indeed a troublemaker, these days, self!’ Nang sandaling iyon ay gusto na ni Via na magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyang nararamdaman. Nabaling sa kanya ang tingin ng mga naroon at magin ang limang hurado na nasa harapan lang niya ay nakatingin sa kanya. “S-sorry.” Hinging-paumanhin niya at napilitang iyuko ang kanyang ulo. “Ano sa tingin ang ginagawa mo?” mahinang bulong ni Wilmar sa kanya. “Nabigla lang ako,” pabulomg din na sagot niya. Gusto niyang kaltukan ang sarili niya dahil sa ginawa niya, sinasabi na nga ba niya na hindi

