UNANG KABANATA

2344 Words
    Nagising si Via sa tunog ng kanyang telepono, inabot niya iyon sa maliit na mesang nasa gilid lang ng kanyang kama ngunit wala siyang nakapa roon. Tumigil ang pagtunog ng kanyang telepono at bumalik ulit siya sa pagtulog.   Maya-maya lang ay naalimpungatan siya dahil sa malakas na tunog ng knayang cellphone na nakatapat sa mismong tenga niya. Nakita niya sa gilid ng kanyang kama ang kanyang pinsan na hawak ang kanyang telepono at panay ang tawa.   Binato niya ito ng unan at kinuha ang cellphone niya.   “Ke-aga-aga, nambubuwisit ka!” Ipinulupot niya ang dalawang binti niya sa beywang nito, nawalan ng balance ang kanyang pinsan kaya napahiga ito sa kama niya. Pinilipit niya ang kamay nito at nagsisisigaw ito na nasasaktan sa ginagawa niya.   “Masakit ba?” nakakalokong tanong niya. “Samantalang ang ganda ng tawa mo kanina habang binubulabog mo ang pagtulog ko.”   “Biyang naman, aray, tama na. nasasaktan na ako. Mamaya niyan, mabalian na ako ng buto. Unang araw ng klase ngayon, hindi ka excited?” turan nito habang namimilipit pa rin sa sakit.   “Oo nga pala,” naalala niyang utas. Pinakawalan niya ito at itinulak pababa ng kanyang kama. “Umalis ka na at maghahanda na ako para sa pagpasok ko.”   “Wow, you’re welcome, mahal kong pinsan, ah. Ang bait ko talaga at naisipan kong gisingin ka para hindi ka ma-late,” sarkastiko nitong turan habang cheni-check ang sarili nito kung may nabali ba siyang buto.   “Gusto mo talagang mabalian ng buto?” nakataas ang kilay na tanong niya at umakmang susugurin ulit ito.   “Tse! Makaalis na nga, hindi ko talaga akalain na ang maganda at mahinhin kong pinsan dati ay naging isang mabangis na taga-bundok! Diyan ka na nga!” hirit pa nito bago nagmamadaling lumabas ng kuwarto niya.   Nang makaalis ito at maisara niya ang pinto ay saka lang nya hinubad ang maskarang ilang taon niya na ring suot.   Tatlong taon na ang lumipas simula nang mangyari ang aksidenteng sumira sa buhay niya. Nawala sa kanya ang lahat ngunit hindi niya puwedeng ipakita sa lahat na nasasaktan siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng sistema niya ang mga bagay na nawala sa kanya noon.   Dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ay kinailangan niyang baguhin ang sarili niya at masanay na isuot ang mascara ng isang estranghera na malayong-malayo sa pagkatao niya. Natuto siyang makipagbuno ngunit iyon ay palihim lamang at ang tanging nakakaalam lang ay sina Chino at Lloyd. Sumasali siya sa mga underground fight at doon niya ibinubuhos ang lahat ng sama ng loob niya.   Sa unang sabak niya sa pakikipagbuno ay nagtamo siya ng kaunting galos ngunit naipanalo niya. Magandang pagkuhanan ng lakas ang kinikimkim mong hinanakit sa mundo at sa pesteng tadhana na iyan na nagawa siyang paglaruan sa edad lamang na kinse.   Nagpunta na siyang banyo upang maligo, hindi na din siya nagtagal pa dahil gaya ng sabi ni Chino ay ayaw  niyang ma-late sa unang araw niya bilang Senir High Student. Excited siyang pumasok dahil sa magandang balitang sinabi sa kanya ng kanyang Kuya Mico. Magbabakasyon ito sa kanila ng isang buwan, medyo naging stable na daw ang kanilang negosyo sa Amerika at mas lalong tumaas daw ang income na pumapasok sa negosyo nila doon.   Sampung minuto lang ang binuno ni Via sa harap ng salamin at nang makuntento sa itsura niya ay lumabas na siya ng kuwarto niya at nagpuntang kusina para humingi ng almusal sa kanyang Tita Aiza.   Pagkarating niya roon ay naroon na si Chino at kumakain, masama pa rin ang tingin nito sa kanya, nginisihan niya lang ito at nilapitan ang kanyang Tita para humalik.   “Good morning, Tita, ang kape ko po?” masayang tanong niya rito.   “Good morning anak.” Niyakap siya nito at pinangigilan ang kanyang pisngi. “Ang tangkad mo na, parang kalian lang noong huli kitang niyakap na halos magkapantay lang tayo, ah,” wika nito.   “Tita, magaling ka lang mag-alaga kaya ako tumangkad ng ganito,” biro niya.   “Aba, siyempre naman!” pagmamayabang nito. Kinuha nito ang tumbler niya na may laman ng kape at ibinigay sa kanya. “Pero, okay lang ba talaga na kape lang ang babaunin mo habang naglalakad ka papunta sa University?”   Tumango siya. “Okay na ako, dito, isa pa malapit lang naman din ang University. Hindi naman ako katulad ng iba diyan na kailangan pa talagang mag-kotse para lang magpa-pansin at magyabang. Hindi kop o sinasabing anak niyon Tita, ah, pero wala namang ibang tao dito, di ba?” Nakangisi niyang wika sabay takbo palabas ng bahay nila.   Paglabas niya ng gate ay uminom muna siya ng kape sa dala niyang tumbler bago maglakad. Hindi naman kasi kalayuan ang unibersidad sa bahay ng Tita niya at kaya niya lang iyon lakarin ng hindi umaabot sa sampung minuto.     “Biyang!”   Inilagay niya ang kanyang earphones sa dalawang tenga niya at nagkunwari siyang walang narinig na tumatawag sa kanya kahit alam niyang si Lloyd ito. Binilisan niya ang kanyang paglalakad ngunit hindi rin siya nakalayo nang tuluyan dito. Naabutan pa rin siya nito dahil nakasakay ito sa minamahal nitong motor.   Napasimangot siya nang iharang nito ang motor nito sa harapan niya.   “Gusto mong sumakay?” todo-ngiting tanong nito sa kanya.   Nginitian niya rin ito. “Gusto mong lumipad kasama ang motor mo na iyan?”   Nawala ang magandang ngiti nito sa labi at parang asong nabahag ang buntot na umalis sa harapan niya. Nakangiting tinapik niya ang ulo nito at nagsalita.   “Good dog.” Tinalikuran na niya ito at nagsimulang humakbang palayo rito.   Ayaw niyang sumakay o mas tamang sabihin na ayaw niyang sumabay sa mga ito kapag papunta sa unibesidad nila. Ang dahilan niya ay dahil pansinin ang mga ito ng mga estudyante at may mga nakakaalala sa kanilang grupo dati dahil hindi naman nila binago ang mga itsura nila, hindi gaya niya.   Kilala ang pinsan niya at ang matalik niyang kaibigan na si Lloyd bilang miyembro ng Elite Students, ang samahan ng mga estudyanteng matatalino sa loob ng unibersidad nila. Kapag may mga patimpalak na sasalihan ang Unibersidad nila ang mga ito ang lagging pambato.   “Bakit ba ayaw mong sumabay sa akin? Hindi ka na mahihirapang maglakad, umagang-umaga pinagpapawisan ka na, oh,” sabi ni Lloyd habang mabagal na pinapaandar ang motor nito.   “Simple lang, wala kang pakialam,” sagot niya.   “Biyang naman, ako na nga nagmamagandang-loob dito, babarahin mo pa ako? Hindi ka na naawa sa isang guwapong katulad ko,” pagpapaawa nitong turan.   Huminto siya sa paglalakad at ganoon din ito. “Isa pang hakbang ko na kausapin mo ako, talagang iiyak ka sa mangyayari sa motor mo,” pagbabanta niya.   “Baka ma-late ako, mauna na ako, ah. Sino ka nga pala?” sabi nito at pagkatapos ay pinaandar na ang motor nito palayo sa kaniya.   Iiling-iling naman niyang sinundan ito ng tingin. Inilagay niya ulit ang kanyang earphone sa magkabila niyang tenga at nagpatuloy na sa paglalakad.   Pagdating niya sa tapat ng gate ng Unibersidad ay nagpakawala muna siya ng isang mabilis na buntog-hininga bago nag-desisyong pumasok na.   Senior High na siya, magdi-disi-otso anyos na siya. Sa susunod na taon ay nasa kolehiyo na siya at wala siyang balak mag-aral sa Amerika gaya ng gusto ng kanyang Kuya. Mas gusto niya pa ring mag-aral dito sa Pilipinas at makasama ang ugok niyang dalawang kaibigan. Kahit naman ganoon kakulit ang mga iyon ay hindi niya pa rin kayang iwan ang mga ito.   Tama nang nawala sa kanila si Zellea. Hindi niya napigilang malungkot nang maalala niya ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan noon, pagkatapos ma-disband ang kanilang grupo ay minabuti ng pamilya nito na magpuntang Sydney at doon na siya pag-aralin. Wala silang nagawa kundi ang magpaalam na lang at bago ito umalis ay nagawa pa nilang magpa-tattoo.   Isang infinite sign na may nakalagay na pangalan nila at ng grupo nila ang napagdesisyunan nilang ilagay.   Napagkasunduan nilang ilagay iyon sa gilid ng beywang nila, simbolo iyon nang pagkakaibigan nila at kahit anong mangyari ay sama-sama silang lalaking magkakasama.   Natigil siya sa pagbabalik-tanaw nang may mabangga siyang estudyante. Hindi na sana niya ito papansinin kung hindi lang nito hinawakan ang kanyang siko.   “I said, I’m sorry, okay ka lang?” dinig niyang tanong nito sa kanya.   Napilitan siyang huminto at hinarap ito. It was Dyke Mijares, ang isa sa mga Elite Students at kinagigiliwan ng mga babaeng estudyante dahil sa karismang taglay nito kapag ngumingiti. Literal din ang magiging mabait nito at higit sa lahat kapag tumingin ka sa mga mata nito ng direkta ay tiyak na mamahika ka at gagawin ang lahat para lang pansinin niya.   “I’m fine.” Daham-dahan niyang kinuha ang kanyang sikong hawak nito. “Ikaw ba nasaktan?” tanong niya.   Nakangiti itong umiling.   “Okay.” Iyon lang ang sinabi niya at tinalikuran ulit ito.   Nagsisimula na kasi silang pagtinginan ng mga estudyante kaya naman ay nagmamadali na siyang tinalikuran ito.   Nagpunta siya sa bulletin board para tingnan ang room number niya at kung ano ang mga subjects niya sa araw na iyo. Hindi pa man siya nakakalapit ay may mga babaeng nagsimula na namang magpanic. Gusto niyang mapaismid dahil sa loob ng tatlong taon niyang nag-aaral dito ay wala nang pinagbago ang mga ito. Talagang hanggang sa pagpapantasya na lang ang alam ng mga estudyabte roon. Dahil kung tutuusin, puwede naman silang mapasama sa mga Elite Students kung pagbubutihin nila ang pag-aaral nila.   Deri-deretso lang sya sa paglalakad niya at hindi pinapansin ang mga kababaihang kulang na lang ay maglupasay dahil lang sa kinahuhumalingan nilang tao.   Pagtapat niya ng Bulletin board ay kumuha siya ng ballpen at notebook at inilista ang schedule niya. Natigil siya sa pagsusulat nang maramdaman ang napakaraming matang nakatingin sa kanya, ngunit binalewala niya lang iyon at nagpatuloy sa pagkopya ng schedule niya.   Nang matapos ay pumihit siya para umalis na ngunit nagulat siya nang pag-ikot niya ay may nakaharang ng malaking bulto sa harap niya. Sa pagkagulat ay nawalan siya ng balance at hindi dahil hindi niya inaasahan iyon ay sa sahig siya babagsak.   “f**k!” malakas na sigaw niya nang maramdaman ang malakas na pagbaksak niya sa sahig.   Inirapan niya ang lalaking nasa harap niya at nang makita ang pormal na itsura nito at parang wala lang dito ang nangyari ay nagsimula siyang mainis dito.   Nakarinig din siya ng tawanan mula sa paligid niya at nang dumako ang mga mata niya kay Lloyd na halatang may gustong sabihin ay saka siya huminga ng malalim at umastang parang walang nangyari.     Tumayo siya mula sa pagkakabagsak at pagakatapos ay tumalikod na para bang hindi siya nasaktan sa nangyari. Sa loob-loob niya, mamaya siya gaganti sa makakalaban niya, talagang pipilayan niya ng sobra ang taong iyon.   “Hindi ka man lang ba magso-sorry?” Dinig niyang bigkas ni Russell, ang nangungunang estudyante sa Unibersidad na iyon at siyang pinuno ng Elite Students.   ‘What the f**k?!’ gigil na wika niya sa kanyang isip.   Humarap siya rito at sarkastikong humingi ng tawad.   “I can’t believe it, ikaw na nga ang nangbangga, ikaw pa ngayon ang may ganang magsalita ng ganyan?” sabi nito at kinuha ang cellphone nito at kinuhanan ng litrato ang schedule na nasa Bulletin Board.   Kapagkuwan ay dumaan ito sa harapan niya at sinadyang bundulin ang balikat niya. ‘Kinginang iyan, bakla pa yata ampota.’   Naiwan siyang mag-isa doon at parang doon pa lang ay gusto na niyang pakawalan ang galit na nararamdaman niya.   Huminga siya ng malalim at ilang beses niyang ginawa iyon bago niya nagawang kontrolin ang galit niya. Nang masigurong okay na siya ay saka lang siya naglakad papunta sa room niya.   Pagdating niya sa room niya ay nakita niya ang ilang estudyanteng natutumpukan at nag-uusap, nagpapayabangan sa mga gamit na nabili at kung magkano ang halaga. Pinili niya ang bakanteng upuan sa dulo. Siguro naman walang maglalakas-loob na tabihan siya doon dahil allergic siya sa mga ito. Ayaw niyang makipag-plastikan sa mga ito, mas nanaiisin na lang niyang makinig ng mga kanta at mag-drawing. Isa sa mga talent nan a-diskubre niya kamakailan lang, kaya naman kapag may libre siyang oras ay iyon ang ginagawa niya.   Dahil maaga pa naman at wala pa ang Professor nila ay kinuha nya ang kanyang sketch book, gusto niyang iguhit ang mga nakakatawang nangyari sa kanya ngayong umaga. Inilagay niya ang kanyang earphones sa kanyang tenga at nagsimulang paganahin ang kanyang utak. Binalikan niya ang nangyari sa kanya simula nang magising siya hanggang sa mga oras na iyon, wala sa sariling napangiti siya nang matapos niyang i-guhit ang tagpo kung saan hinarang siya ni Lloyd ng motor nito, kuhang-kuha niya kasi ang ekspresyon ng mukha nito.   Pagkatapos niyang iginuhit ay ang tagpo naman na nagkabungguan sila ni Dyke, natigil siya sa pagdo-drawing nang maalala ulit ang tagpo nila ni Russell. Gusto niyang iguhit ang lalaki na binubugbog niya at duguan na ang mukha nito sa sobrang gulping inabot nito sa kanya.   Ipinilig niya ang kanyang ulo at pilit na ibinalik ang pagiging anghel niya, nagpatuloy siya sa pagdo-drawing at kahit ayaw man niya ay idri-nawing niya rin ang satili niyang nakalupasay sa sahig at ang pagtingin sa kanya ni Lloyd. Nang matapos ay ginuhitan niya sa taas ng ulo niya ng isang parisukat at isinulat ang mga salitang ‘WHAT THE f**k!’   Hindi niya namalayan na may nakaupo na pala sa tabi niya at ang mga tingin sa kanya ng mga estudyante doon. Saka lang siya nagtaas ng noo at tumingin sa paligid niya nang may nagbagsak ng upuan sa tabi niya.   Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang nakabusangot na mukha ng isang babae at matalim ang tingin sa kanya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at hindi na pinansin pa.   Naramdaman niyang may katabi na siya at nang lingunin niya at mapagsino ay saka lang niya napagtanto kung bakit ganoon ang inasta ng babaeng iyon.   Katabi niya si Dyke at nakapangalumbabang nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD