IKALAWANG KABANATA

2251 Words
“What are you doing?” tanong niya na agad umayos ng upo at tiniklop ang sketchbook niya.   “Watching you,” simpleng sagot nito na hindi pa rin kumilos at nanatiling nakapangalumbaba sa harap niya.   “S-stop staring at me, baka bigla na lang akong matumba sa sama ng tingin ng mga kaklase ko. Tsaka bakit ka ba nandito?” mahinang tanong niya rito.   “Uh, because this is my first class?” nakataas ang kilay na sagot nito sa kanya.   Hindi na siya kumibo pa at tumingin sa paligid niya, naghanap ng isang bakanteng upuan na hindi masyadong pansinin at malayo sa mga mata. Ngunit maliban sa upuan na bakante sa kanang bahagi niya ay wala nang ibang puwesto.   Balak niya na sanang lumipat nang biglang pumasok ang una nilang Propesor at pigilan siya.   “You, sit down from where you sit. From now on, that will be your final sitting arrangement, no buts and I don’t want to hear any of you questioning my decision. Understand?” Mataray na wika ng kanilang Propesor, marami ang na-disappoint sa sinabi nito at sa kanya na naman natuon ang atensyon ng lahat sa kanya.   “Do you understand?” Malakas at may diing tanong ulit nito sa kanila.   “Yes, Ma’am!” sabay-sabay na sagot nila.   Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kinauupuan niya at balewalain ang mga masasamang tingin na ibinabato sa kanya ng mga kaklase nila.   “Malas, sarap manapak,” bulong niya.   “May sinasabi ka ba?” tanong ni Dyke sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin at itinuon ang atensyon sa kanilang Propesor.   “Today is your first day of being Senior Students, and this year will be different from your Junior High—” Natigil ito sa pagsasalita nang mag-ingay ang mga kaklase niya dahil sa pagpasok ng isa pang miyembro ng Elite Students, none other than the leader himself, Russel.   “I’m sorry to interrupt you, Miss, but I will be also attending your class. And forgive me also if I’m late, I promise, it won’t happen again,” magalang na wika nito sa kanilang Propesor.   “Oh my God! Ang ganda ng bungad ng taon natin, girl! Kaklase natin ang dalawa sa pinakamatalinong estudyante sa Unibersidad na ito.” Kinikilig na wika ng babaeng ewstudyanteng nasa harapan niya.   “Oo nga, mukhang kailangan ko pagbutihin ang pag-aaral ko para mapansin ni Russel. Ang alam ko ay mas gusto niyang makipag-usap sa mga matatalinong estudyante,” bulong din ng isa.   “Tama ka, puwede din naman tayong magpatulong kay Dyke o di naman kaya makipaglapit tayo sa kanila para makalapit din tayo sa ilan pang Elite Students.” Anang isa pang estudyante na talaga tumalikod pa para makasama sa pagbubulungan ng dalawa.   “It’s fine, Mr. Lleanda, you can now take your seat at the back with your co-Elite Students.” Saad ng kanilang Propesor at itinuro ang upuang nasa gilid niya.   ‘Patay na!’ anas niya.   Naglakad papalapit sa kaniya si Russel at nang tumapat ito sa kanya ay hindi niya ito pinansin at nagkunwaring may kinukuha sa backpack niya. Nakita niya ang mga paa nito sa harapan niya na tila may hinihintay ito. Hindi na siya nakatiis pa at tiningala ito.   “Move,” saad nito.   “What?” mulagat niyang tanong dito.   “I said, move. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng Propesor natin? Magkatabi kami ni Dyke,” walang emosyong wika nito.   Gusto niyang magmura ng malutong sa pagmumukha nito ngunit kinalma niya na lang ang sarili niya at akmang tatayo na ngunit maagap siyang pinigilan ni Dyke.   “Ang sabi ng Propesor natin ay permanent na ang upuan natin kaya hindi ka na puwedeng lumipat pa,” sabi nito. “Dude, hindi ka ba nagsasawang magkatabi lagi tayo?” Natatawang wika nito, hinila siya ni Dyke pabalik sa upuan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang maupo na lang ulit.   Wala ring nagawa si Russel kundi ang maupo sa tabi niya, ngayon para tuloy siyang maliit na langgam na nagigitnaan ng dalawang bubuyog. Isama pa ang mga lamok na kahit hindi man magsalita ay alam niyang kung anu-ano na ang mga ginagawa sa kanya sa mga isip nila. Well, the mutual is feeling, dahil ganoon din naman siya.   “Okay, class, listen. Magkakaroon ng pagbabago ngayon sa sistema ng Unibersidad.” Tumingin ito sa labas at mula roon ay pumasok ang isang magandang babae, kamukha ito ni Russel kaya hindi mapagkakailang magkapatid ang dalawa. “Karamihan sa inyo ay kilala siya, right?”   “Yes Miss,”sagot ng mga kaklase niya. Mas malakas ang boses ng mga lalaki’y palibhasa ay may magandang babae sa harap nila.   Well, maganda naman talaga siya. Mahaba ang kulay mais nitong buhok, balingkinitan ang katawan nito, matangkad, bumagay dito ang hugis-pusong mukha nito na animo’y pininturahan ng perpektong labi, matangos na ilong, malalantik na pilik-mata at higit sa lahat ang mga mata nitong kulay kahel. Iyon lang siguro ang kaibahan nito sa kapatid nito, kulay ng mga mata.   “Hello, students, sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ako nga pala si Natasha or you can call me Ms. Natty. I am the head of Elite Students and this year, we’re planning to recruit students who have special skills. Either, on academics, sports, singing, dancing, or theater acting,” panimula nito.   Halos lahat ng naroon ay na-excite maliban sa kanya. Wala siyang balak sumali sa kahit na anong binanggit nito kaya naman nagpatay-malisya lang siya at nagkunwaring nakikinig kahit ang totoo ay wala siyang pakialam.   “We will choose five students each year level and the audition will start next week, so you can start practicing your talent. That would be all, and good luck to all of you!” Nakangiting wika nito, nagsimula nang mag-ingay ang mga estudyante at may kanya-kanya nang iniisip na gawin habang siya at ang dalawang katabi niyang lalaki ay tila walang pakialam sa mga nagkakagulong estudyante, kaya naman agad siyang napansin ni Ms. Natty at saka lang tumigil sa pag-iingay ang mga ito.   ‘Ako na naman, damn it!’ himutok niya.   “What’s your name?” tanong nito sa kanya.   Napilitan siyang tumayo. “Via Bianca Montes.”   “Halos lahat ay excited sa inanunsiyo ko, bakit parang ikaw lang ang hindi nagpakita ng interes? May I know, why?”   Nagbuga siya ng hininga at nagkamot ng ulo, magsasalita n asana siya nang unahan siya ni Russel.   “She won't have any skills, that’s why,” sabad nito.   Tiningan niya ito ng pailalim ngunit hindi niya na pinatulan. “Iyon, wala akong kahit na ano sa binanggit mo,” sabi niya. Mas okay nang iyon ang paniwalaan ng lahat kaysa naman mapunta sa kanya ang atensiyon ng lahat.   “I believe that everyone have talent, kailangan lang ng tamang ensayo at motivation. Walang masama kung susubok ka,” nakatingiting pangungumbinsi nito.   Tumango na lang siya para matapos na iyon at hindi na sa kanya nakatutok ang tingin ng lahat. Bumalik siya sa pag-upo at dinedma na lang ang mga tingin sa kanya ng lahat.   “Bakit mo kailangang itago ang talent mo kung alam mo naman sa sarili mong may kaya kang gawin?” ani Dyke sa kanya.   “Again, none of your business,” sabi niyang hindi na nag-abalang tumingin dito.   Hindi na nagtagal pa sa room nila si Miss Natty at pinagbigyan sila ng kanilang Propesor na gamitin ang oras na iyon para mag-isip kung ano ang gagawin nila sa magaganap na audition sa susunod na lingo.   Nagpaalam siya sa kanyang propesor na kung puwede na siyang lumabas, total wala naman na silang gagawin doon. Sa umpisa ay nag-atubili itong payagan siya ngunit nang sabihin niyang kailangan niyang mapag-isa para makapag-focus sa gagawin niya next week ay pinayagan agad siya.   Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa mapahinto siya nang makitang bukas ang pinto ng Music Hall. Mula sa kinaroroonan niya ay nakita niya ang isang gitara na nakapatong sa isang upuan.   Tumingin siya sa kanyang paligid at nang masiguradong wala siyang kasabay na estudyante ay mabilis siyang pumasok at agad na isinara ang pinto. Lumapit siya sa kinaroroonan ng gitara at nag-aalangan pa siyang kunin iyon sa umpisa nguit hindi talaga niya mapigilan ang kanyang sarili. Paminsan-minsan ay namimiss niyang humawak ng gitara at tumugtog kasama ang kanyang ama.   Malungkot siyang ngumiti at inabot ang gitara, umupo siya at kinandong ang gitara. Sa unang beses na pag-strum niya ay hindi niya agad nagustuhan ang tunog niyon kaya inayos niya muna iyon at nang makuha na ang tamang timpla ay saka siya muling nag-umpisang mag-strum.   Natigilan siya nang lumitaw sa isip niya ang nakangiting mukha ng mga magulang niya, awtomatiko siyang pumikit at buong pusong kinanta ang Dance with my father ni Luther Vandross.   "Back when I was a child. Before life removed all the innocence. My father would lift me high, and dance with my mother and me. And then spin me around 'til I fell asleep, then up the stairs, he would carry me. And I knew for sure, I was loved. If I could get another chance, another walk, another dance with him. I'd play a song that would never, ever end. How I'd love, love, love... To dance with my father again." "When I and my mother would disagree. To get my way I would run from her to him. He'd make me laugh just to comfort me. Then finally make me do just what my mama said. Later that night when I was asleep. He left a dollar under my sheet. Never dreamed that he would be gone from me. If I could steal one final glance, one final step, one final dance with him I'd play a song that would never, ever end... 'Cause I'd love, love, love... To dance with my father again   "Sometimes I'd listen outside her door. And I'd hear how my mama cried for him, I pray for her even more than me... I pray for her even more than me. I know I'm praying for much too much, but could You send back the only man she loved? I know You don't do it usually but, dear Lord, she's dying... To dance with my father again... Every night I fall asleep... And this is all I ever dream..." "Hmm… oh... oh…"   Tumigil siya sa pagkanta at mabilis na pinahiran ang pisngi niyang hindi niya namalayang basa na pala ng luha.   “Woah! That was the very first time I heard such a voice. I can felt what you really feel at the moment you sing the song. Bravo.”   Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at nakita niyang nakasandal sa saradong pintuan si Dyke at nakangiting tumingin sa kanya.   “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” walang emosyong wika niya. Binitiwan niya ang gitara at balak nang umalis nang harangin siya nito.   “Bakit ba paulit-ulit mong dene-deny sa sarili mo ang talentong meron ka?”   “I said it’s none of your business, get out of my way,” walang emosyong wika niya rito. Ngunit hindi ito gumalaw at nanatiling nakaharang sa pinto.   “Walang masama kung susubukan mong mag-audition, it would be fun to hear your voice again,” wika nito ngunit hindi niya na ito pinakinggan at akmang bubuksan na pinto nang hawak nito ang kamay niya.   Mabilis na pinilipit niya ang kamay nito at iglap lang ay kaharap na nito ang pintuan. “Kailangan ba talaga masaktan ka bago mo ‘ko pakinggan?”   Hindi ito nanlaban at nanatili lang tahimik. “Kung iyon lang ang paraan para makausap ka ng matagal, why not?”   Hinila niya ito at itinulak palayo sa pintuan at saka walang lingon-likod niyang iniwanan ito roon. Nagmamadali siyang pumunta sa likod ng Unibersidad at mula roon ay inakyat niya ang dalawang dipang sementadong pader. Kailangan niyang mailabas ang sama ng loob niya, sira na ang kanyang araw kaya kailangan niya nang may mapagbuntunan ng galit.   Mula sa Unibersidad nila ay nilakad niya ang ilang metrong layo ng gym na lagi niyang pinagte-training-an. Pagbukas niya ng pinto ay sinalubong agad siya ng may-ari ng gym na iyon.   “Mukhang problema agad a ng sumalubong sa iyo, ah. Gusto mo ng ka-sparring?” tanong nito sa kanya.   “Hindi na, mamaya niyan ay mawalan kayo ng isa pang pambato mamaya,” tuloy-tuloy siyang pumasok sa changing room para sa mga babae at nagbihis ng pang-sport na damit.   Mabilis niyang nilapitan ang isang malaki8ng punching bag at nagsimulang patamaan iyon ng malalakas na suntok. Hindi siya nagsuot ng gloves dahil gusto niyang maramdaman ang bawat suntok niya sa punching bag.   Mas lalong nag-init ang ulo niya nang maalala ang dumagdag na sakit ng ulo sa kanyang buhay. Mukhang mababago nga ang kanyang buhay ngayon kesa sa dating buhay niya na malayo sa lahat at ang iniintindi niya lang ay ang hindi mapabayaan ang grades niya sa kabila ng mga ginagawa niyang pakikipagbasagan ng mukha.   Isang malakas na sipa ang pinakawalan niya nang lumitaw sa isip niya ang walang emosyong mukha ni Russel na tila sinasadyang ipahiya siya sa mga estudyanteng nakapaligid sa kanya.   “f**k!” sigaw niya at isa pang malakas na sipa ang pinakawalan niya.   Nalaglag ang punching bag mula sa pagkakasabit nito sa lakas ng sipa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD