KABANATA BENTE-TRES “Gosh! This is getting me crazy? Russell, gusto mo na bang kumain? Magpapa-deliver na ako.” Maarteng wika ni Lia sa kanya. Bumaling siya sa tahimik na nagbabasang si Via. “Gusto mo na bang kumain?” Umiling ang dalaga. “Nope. Kailangan natin tapusin na ito dahil may practice pa tayo,” sabi ni Via. Narinig niyang nagreklamo si Lia at pasaring na nagsalita. “Hello, hindi naman kasi kami kagaya mong robot at walang pakiramdam. Kailangan din naming kumain para magkalaman ang utak namin at mapabilis na matapos ang project na ito. Tumigil sa pagbabasa si Via at nakangiwing tumingin kay Lia. “May naitulong ka na ba simula nang mag-umpisa tayo sa proect na ito? Kasi ang naaalala ko lang na ginawa mo ay ang magbigay lang ng mga idea pero ni-isa sa mga ideya na binigay mo ay

