KABANATA BENTE-DOS “Okay ka na ba talaga?” tanong ni Russell kay Via habang inaabutan ito ng tubig. Tumango ito. “Okay na nga ako. Ilang beses mo ba akong dapat tanungin?” Iritableng sagot nito. “I just want to make sure, mamaya niyan umuwi ka sa inyo tas bigla ka na lang ulit lagnatin. Alalahanin mong dalawang araw pabalik-balik ang lagnat mo,” pangangaral niya rito. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala sa dalaga dahil sa dalawang araw na pamamalagi nito sa Condo niya ay gabi-gabi itong nilalagnat. Hindi rin makadalaw ang mga kaibigan nila sa kanyang condo dahil sa may klase sila. Pinayagan lang siya at si Via na mag-excuse ng ilang araw dahil sa kalagayan nito. Marahas itong nagbuga ng hangin at inirapan siya. “Magaling na ang sugat ko kaya siguradong hindi na ako lalagn

