KABANATA 17 Pagkatapos nang nagkakainitang laro nila kanina sa basketball ay nagsipasok sila para mag-almusal. Nakabusangot ang mukha ng team nila Chino dahil natalo sila sa pustahan habang si Lloyd naman ay tuwang-tuwa at halos pupugin siya ng halik dahil sa pagkapanalo nila. “Wala pa rin talagang makakatalo sa’yo sa larong basketball, buti na lang talaga at naisipan niyong lumabas ng bahay.” Tuwang-tuwang saad ni Lloyd. “Iyong pangako mo sa akin, huwag mong kalilimutan,” paalala niya kay Lloyd. “Naman! Ikaw pa ba? Bukas na bukas din, ililibri kita ng kahit anong gusto mo!” Tuwamang-tuwang saad ni Lloyd sa kanya. Umiling siya. “Hindi iyon ang gusto ko, kaya kong bumili ng sarili kong pagkain tsaka baka nakakalimutan mong may sikat akong alipin?” Nakangisi siyang tum

