KABANATA 18 “Mali!” sigaw niya kay Russell. “Kailangan mong i-bend ng maayos ang tuhod mo nang sa ganoon di ka naman magmukhang tanga.” Isang linggo na ang nakakalipas simula nang alitan nilang dalawa ng ugok na ito. Hindi man lang niya narinig na mag-sorry ito sa ginawa nito sa kanya, talaga ngang wala talaga itong ibang alam kundi magpasikat lang sa ibang tao. Sa pangatlong ulit nito ay nakuha na nito ang gusto niyang mangyari kaya naman nilubayan niya na ito at tiningnan ang iba pa nilang miyembro. Nasa dance studio sila ng unibersidad at nag-eensayo, may nabuo na silang mga dance steps at nagagamay na rin ng lahat ang modern dance. Nakarinig sila ng palakpak at nang tumingin sila ay nakita nila sina Kuya Daryl at Miss Natty na nasa bungad ng pinto. “Mukhang na-

