Chapter 29 "She's not," halos mabilis akong napaurong nang makit ko kung sino ang naririto. Bakit siya naririto? Hindi naman niya ako pinupuntahan dito at hindi naman niya ako kahit kailan nasundo. "G-gav?!" tila hindi ako makapaniwalang siya ang naririto ngayon sa harap ko! Hindi naman siya napunta rito at hindi naman siya ganito. Hindi niya ako pinupuntahan rito sa bahay sa kahit anong okasyon mang ganap. Kahit nga siguro ipa-sundo ako ay hindi niya iyon gagawin dahil nga hindi naman niya ako gusto at hindi naman siya ganito talaga sa'kin kahit na kailan. Hindi ko inaasahang magiging ganito siya. Dahil uulitin ko ha, hindi siya ganiyang tao lalo na sa'kin. Ni hindi niya nga ako maka-usap noon dahil ayaw niya ako kausapin at lapitan ito pa kayang puntahan niya ako rito? Kita ko ang

