CHAPTER 28 BAKIT NANDITO ANG ISANG TO? Bakit ba ito nandito? Hindi ko akalaing ganito pala siya kakulit! Napasapo naman ako sa aking ulo nang tuluyan akong bumaba at tinignan nga siya nang malapitan. “Ano ginagawa mo dito?” asar na tanong ko sa kanya habang naka dantay siya sa kanyang kotse at naka cross arm habang nakatingin naman siya sa’kin kahit natatabunan nang kanyang shades ang kanyang mata. Nang makalabas ako nang gate ay siya naman itong ngumisi. Napa-iwas na lamang ako ng tingin dahil masyado siyang gwapo kahit pa sabihin nating mas gwapo si Gav ngunit kung titignan mo siya ay napaka-gwapo niya rin. “Sinusundo girl friend ko,” sumimangot ang aking mukha nang sabihin niya iyon bilang sagot sa tanong ko, ano nanaman ba ang ginagawa nitong bwesit nito dito? Umikot nana

