Chapter 6

2153 Words
Chapter 6 "YOU REALLY CAME!" maligayang sambit nito at saka mabilis na umupo sa tabi ng aking upuan. Halata sa’kin ang gulat ngunit pinilit ko pa rin ang kumalma. s**t! "Ow, magkakilala pala kayo?" nagtatakang tanong ni Den at saka kumamot ito sakanyang ulo. Ngunit ang mga tingin ko pa rin ay nasa tapat ko ngayon, bahagya nanaman akong napalunok ng isipin kong siya talaga ang lalaking nasa harap ko kanina ang lalaking nangungulit sa akin. "Ahem.." napa-ubo ako at saka napapikit-pikit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit kailangan pa na mangyari ito sa’kin! Napaka-malas ko talagang tao ngunit ubos naman ng ganda. "Hindi ko alam na magkakilala kayo." tanong muli ni Den saka umupo sa harap namin. Para tuloy sinisilaban ang pwet ko, ano ‘to? Hot seat? "Actually.." bitin nitong sabi saka niya ipinatong ang kanyang siko sa mesa at saka ito tumingin sa’kin. "Nan-liligaw ako sakanya," saka ako nito binigyan ng ngiti na ikana-kabog ng aking dibdib, kinabahan ako dahil ngayon lamang ako ginanto ng isang lalaki. Oo, maniwala kayo at sa hindi. Siya ang ka una-unahang lalaki ang nagpumilit sa’king manligaw. Dahil ang mga iba ay umurong na ang itlog sa takot sa’kin. Sa taray ko ba naman. "Woah woah woah! Shone!" pa dahan-dahan na sinasabi ni Den sa lalaking ito na ngayon ay biglang sumama ang tingin kay Den. "Den, alam ‘mong hindi ko gusto ang tinatawag akong Shone." angil nito at saka tumingin ng masama muli sa gawi ni Den. Hindi niya gustong tinatawag siyang Shone? Uhm.. Kailangan ko siya ma pa-turn off sa’kin. Dapat ay hindi niya ako gustuhin at dapat ay ma-turn off siya talaga sa’kin. "So, Shone.." ngiting batid ko sakanya na ngayon ay ikinagulat niya akong tignan, siguro ay iniisip nito kung bakit Shone ang tawag ko sakanya. Kita sa kanyang itsura ang pagka-kunot ng kaniyang noo ngunit agad ding nawala. "Ano ka ‘ba! Hate niya daw ‘di ba na tinatawag siyang Shone!" sundot sa tagilirang sabi ni Vessai sa aking tabi, pabulong niya iyon isinabi sa’kin. Ngunit kailangan ma-turn off ang lalaking ito sa’kin, dahil hindi naman siya u-ubra sa’kin. "Ehem.. Angelo this is Wensy and Vessai.." pagpapakilala ni Den samin kay Shone. "Can i call you Shore?" nag-tiim bagang akong napatingin sakanya ng sabihin niya iyon sa’kin. "Can i kick your ass?" mabilis na sabi ko na ikinangiti niya lang habang nakatingin saakin, mukhang inaasahan niya na ga’non ko siyang paki-tutunguhan. "Don't call me Shone, then.." ngiting sabi nito sabay kurot sa aking pisngi na ikinabigla ko saka siya tumalikod at may kinausap na ibang guest. "You! Bastard!" aangat na sana ako ng tayo ng hawakan ni Vessai ang braso ko. "Calm down, Sis! Just calm down.." pinikit ko ang aking mga mata ng pinilit kong mag-calm down ngunit kumukulo talaga ang aking dugo. No one can call me Shore maliban na lang kung sina mommy iyon at si Gav! Or uncle Kevin and aunt Luna. Basta yung Pamilya lang ni Gav ang pwede. Ito nga’ng mga kaibigan ko never akong tinawag na Shore dahil alam nilang hindi ko gusto iyon. May isang tao kasi akong inaantay na tawagin niya muli ako sa pangalan kong iyon. And it’s Gav. "Wensy! You should be patient. First, this is his Party! Second, you are not invited!" naka upo siya sa tabi ko ng sabihin niya iyon sa’kin. "I’m Invited! He gave me!" hindi ko mapigilan ang sarili kong makipag-talo sa kaniya dahil invited naman talaga ako."Hes making fun with me, Den! It’s not good!" halos gusto ko na siyang sabunutan sa isip-isip ko mula sa sobrang kong pagkakainis dahil lamang sa pagtawag niya sa’king 'Shore', this is bad. "Calm down, Look at me Wensy, Look at me!" biglang hawak ni Den sa’king magkabilang pisngi at itinutok lamang sakaniyang mukha. "‘Wag ka na mainis, Gav is aroud here paano na lang kung makita ka niyang ganyan itchura mo.." halos nan-laki ang aking mga mata ng sabihin niya iyon. Tama siya, dapat hindi ko na lang pansinin ang lalaking iyon. Dahil ang ipinunta ko lamang dito ay si Gav at wala ng iba. "I am upset, I'm still upset.." ngunit mahinahong ko ng bigkas. Inalis nito ang nakahawak na kamay sa aking pisngi saka siya bumuga ng hangin sa kaniyang bibig. "Okay, papayagan kitang puntahan si Gav but promise me! Promise me, that you will never get in trouble!" tinging sabi nito sa’kin na pinapalalahanan akong wag gumawa ng kahit anong gulo. "C'mon, Den! I’m not in trouble yet! I never been involved in trouble, I mean.." ngiting convincing na sabi ko sakanya. Ngunit napapikit na lamang ito at nasapo ang ang kaniyang noo. "Wew, so hindi matatawag na trouble ‘yung sinabunutan mo yung ex-girl friend ni Gav last month? Saka ‘yung binuhusan mo ng champagne at ‘yung isa namang tinulak mo sa pool?" napairap na lang ako ng sabihin iyon ni Vessai. Lahat ng sinasabi ni Vessai ay lahat iyon totoo. Siguro nga isa ako sa mga babaeng masasama ang ugali pero ‘duh! I do it on purpose! "D’yan lang kayo, kakausapin ko lang ‘tong tropa namin." pagsasabi ni Den saka biglang umalis sa tabi ko. "Yuck! Nalalasahan ko pa rin ‘yung Wine." banggit ni Vessai habang lumalagok ng tubig. Napatingin ako sakanya ng mabilis saka ako may naalala. "Birthday ata ‘nung lalaki e! Dapat ay puntahan mo!" pagsasabi nito muli sa’kin na kina dikit ng mga kilay ko. "Mauuna ka munang uminom ng alak bago mangyari iyon ." proud na sabi ko at doon kinalaki ng mata niya. "Never akong iinom ng alak! Eww!" sabi pa nito sa’kin na halos parang diring-diri sa alak. "Uhm.. Vessai? Naalala mo ‘yung kwentuhan natin nito lang?" pagtatanong ko sakanya at agad naman itong bumaling sa’kin. "Marami tayong chika, Sis. Alin don?" natatawang sabi nito sa’kin habang inaayos ang kaniyang buhok at tinitignan ang sarili sa isang salamin. "‘Yung sinasabi ko na, pupunta ako kung iinom ka ng alak." napatingin ako sa gilid habang iniisip iyong nakaaran. Bumalik ang tingin ko kay Vessai ng ilapag niya ang kaniyang salamin sa mesa at mabilis na lumingon sa’kin. "Oh my god, Wensy! Ano ‘to? Kinikilabutan ako! Parang tinadhana kayong magkita ganern ang peg!" tumikom ako ng bibig ng sabihin niya iyon. Hindi ko ma-isip na maari nga iyong mangyari ngunit kabado akong napatingin sa kabuuan ng party. Ngunit nakuha ng atensiyon ang Gawi ni Gav! Target Lock! Agad akong tumayo at saka ngumiti, Di ka makakatakas sa’kin! "Hoy! Saan nanaman ang punta mo!" hindi mapakaling tanong sa’kin ni Vessai, nginuso ko ang gawi ni Gav na kanyang kinasapo ng kanyang noo. "You promised Den! You are not making trouble!" pagpapaalala niya sa’kin mula sa sinabi ni Den. "Oa mo naman, pupuntahan ko lang don! Magpapansin lang ako, ‘Duh!" mataray na sabi ko saka ko siya nilayasan. Bago ako makapunta kanyang Gawi ay isiniguro kong maayos ang aking damit at itchura. Naka salubong ko ang isang waiter na may dalang mga drinks kaya naman ay agad kong kumuha saka naglakad papunta sa gawi ni Gav. ‘What the Freak..’ sabi ko sa aking sarili ng makita kong may inakbayan itong babae. He is the one who making trouble! "May girl friend ka na ‘ba? Baka kasi may magalit." rinig kong malambing na tanong ng babae kay Gav, halos naningkit ang mga mata ko ng marinig kong tumawa si Gav. Now I’m pissed, ubos na ang pasensiya ko. Rinig kong sasabihin na ni Gav na 'Wala ' like he always do pagtinatanong siya kung may girl friend siya. Agad akong umepal sa harap nila. "Ako, bakit?" taas kilang kong sabi na kinabigla ng babaeng nasa harap ko. Kita ko namang napapikit na lamang si Gav at halatang inis sa ginawa ko. “W-wensy." kilala pala ako ng isang ito. I'm quiet famous pala. "Yes, Oo. Pwede ka ng umalis, Dirt." hindi naman Dirt ang kaniyang pangalan pero para sa’kin isa siyang Dirt. "Wala ka ‘bang balak tigilan ako?" inis na asik niyang sabi sa’kin at halatang galit na galit dahil sa ginawa ko. "This is not you Gav. Wake up!" pagsasabi ko sakanya na mas lalong nagdikit ang kaniyang kilay. "This is me. Wag ‘mong hanapin ang nakaraan. I'm sick of this, Wensy." tingin ni’yang sabi sa’kin. Sa mga tingin niya sa’kin ay makikita mo ang pinag-halong inis at galit. "Hindi ako susuko, you need me Gav.." napalunok ako ng sabihin ko iyon. Sa tagal ng panahong lagi niya akong tinataboy ay naandito pa rin ako sakanya. "Please, Wensy. Baka gusto mo ko tigila.." hindi natapos ang sasabihin nito ng makuha nang atensiyon namin ang tumawag sa’king pangalan. "Shore!" what on earth! Ito na namang lalaki na t! Napapikit ako ng tawaging niyang Shore! This Man! He’s Dead as Hell! "What?! Did i tell you to not call me in my second name cause we’re not that close!" inis na asik akong humarap sakanya. "Haha. You are really interesting.." sabi nito saka hinawakan bigla ang buhok ko ng hindi ko inaasahan. "You Freak! Don't touch my hair!" hampas ko sa kamay niya na hindi tumama, inayos-ayos ko ang aking buhok dahil feeling ko ay nagulo niya iyon. "Gav, long time no see." baling ni Shone kay Gav saka sila nag-manly hug. "Yow br. How’s States?" rinig kong tanong ni Gav saka sila nagtawanan. Napatingin naman ako kay Gav na ngayon ay natawa sa kwentuhan nila ni Shone. Ngunit nakuha nito ang atensiyon ko kaya naman ay tinignan niya ako. Ga’non ding lumingon si Shone sa gawi ko saka biglang ngumiti. "Hey Gav. This is Shore," pagpapakilala sa’kin ni Shone kay Gav, sira-ulo ba to? Di niya ba alam na kababata ko ang isang to at mahal na mahal ko? Nagbago ang tingin ni Gav sa’kin na parang nawala ang inis sakanyang mata ngunit napalitan naman ng galit. "Don't call me Shore." inis na tingin ko sa kanya ngunit tumawa lang ito ng kaonti habang tinitignan ako na ga’non ang itchura ko. "It’s good you know. Ako lang ‘yung natawag sayo ‘no. Everybody calls you Wensy." na-igalaw ko ang aking panga ng magpintig sa’king tenga ang sinabi nito sa’kin. Talagang pinupuno mo ko! "I'm with my boy friend, you know." pagtataas ko ng boses na kina-wide ng kaniyang mata, parang gulat at nagtatakang tumingin siya sa’kin. "Really? Saan?" lingon-lingon pa siya na animo’y may hinahanap na tao na kung saan ay iyong tinutukoy kong boy friend. Napatingin ako kay Gav na biglang nan-laki ang kaniyang mga mata, kailangan kong umo-o ka para hindi na ko kulitin ng isang ito! Napalunok na lamang ako saka ako lumapit kay Gav at pinulupot ang akong kamay sa kanyang braso. "Him.." ngiting sabi ko saka sinandal ang aking ulo sa kanyang braso. "Pffttt.." halos di mapigilang tumawa si Shone dahil sa sinabi ko at mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Totoo ‘ba ‘yon, Gav?" ngunit bago pa man magtanong si Shone ay pilit ng inaalis ni Gav ang pagkakahawak ko sakanyang braso. Ngunit hinihigpitan ko pa rin ang pagkakakapit pero sadyang malakas siya talaga kaya naman ga’non na lamang kabilis ang pagtanggal niya sa aking kamay mula sa kanyang braso. "Girl friend? Ito? Tss.." sabi niya saka itinaboy ang kamay ko. Napa-nguso na lamang ako ng makitang mapahiya ako sa harap ni Shone. Sanay naman ako na lagi niya iyong ginagawa ngunit kung sana ay umo-o siya di sana ay tinigilan na ko ng isa ito! "Shore, nakwento na sa’kin ni Den ‘yung mga information sa ‘yo.." natatawang sabi nito sa’kin na ikinabigla ko. That monster! Nagbigay pa talaga siya ng impormasyon tungkol sa’kin sa lalaking ito! "You guys are childhood friends, tama ‘ba ?" tanong ni Shone ngunit walang sumagot. "Bakit ‘ba Shore ka ng Shore? ‘Di ba ang sabi ko ‘wag mo ko tatawaging Shor! Bakit ‘ba ang kulit-kulit mo?" konti na lang talaga ay kokotongan na ang isang to, pag hindi pa nakapagpigil. "Cause, I like you.." kumunot bigla ang aking noo ng sabihin niya iyon, sasapakin na talaga kita. Hey! Birthday boy! Sino ‘yung gusto mo?" biglang dumating si Jacob mula sa likod ni Shone at saka ito humawak sa balikat ni Shone. Napatingin naman ito samin kaya naman ga’non na lamang ang pagkabigla niya. "Oh, Bro. Si Wensy ‘ba nagugustuhan? Putcha pre malabo ‘kang I-crush back n’yan!" natatawang sabi ni Jacob habang nakatingin samin. "Why not? Lahat naman pwedeng magbago kahit ang feelings ng isang tao para sa mahal niyang never binigyan ng attention." pagkaka sabi niya na natikom ko ang aking bibig. Sinasabi niya bang pwedeng magbago feelings ko kay Gav?! Duh! Hindi mangyayari iyon! "Nah, Pake ko dito sa babaeng ‘to." sabi ni Gav na mas lalong ikinabigla ko. Wala na ba talaga siyang pake sa’kin? Bakit ba ganito siya ? Why your so cold to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD