Chapter 5

2633 Words
Chapter 5 "WHAT?! NO!" Matikas na sabi nito habang pinupunasan niya ang kanyang buhok ng tuwalayang dala nito. Kung hindi talaga ako patay na patay kay Gavin ay baka dito ako nahulog pero hindi eh! Sorry na lang siya at hindi siya swinerteng at pinalad na magustuhan ko. Kapal ng mukha mo 'no? Oo, Mo. Hindi ako natanggap ng sabihan akong makapal ang mukha ko. Ew. "Pero.." Hindi ako nito pinatapos ng bigla itong humarap sa tapat namin at ngayon ay tinignan ko lamang ito at saka nagpa-puppy eyes. Guys, ito bigyan ko kayo ng trivia, itong si Den pagginagawa ko 'tong puppy eyes na to ay hindi siya maka-ilag, maawa talaga siya at papayagan niya ko. "Pupunta ka doon, e hindi ka naman invited!" Pagsasabi nito na ngayon ay bahagyang huminga ng malalim at bumuga ng hangin mula sa bibig nito. "Please, Den!" Hila ko sa suot nitong basketball shirt na may nakalagay na numerong 15. "Look, hindi nga pwede dahil hindi ka naman nga invited, kilala mo 'ba 'yung may party? Hinde!" Mariin niyang pagpapaintindi sa'kin at pinitik ang noo ko. Napayuko na lamang ako ng sabihin niya iyon sa'kin, totoo naman hindi ko kilala ang may party pero hindi naman ang may party ang pupuntahan ko doon. "Hey!" Nakayuko pa rin ako at hindi ko pa rin ito kinikibo, kailangan ko gawin ito dahil ito lamang ang paraan at alam kong hindi niya ako matitiis. "Fine." Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya iyon sa'kin at saka ko siya tinignan. Halos kumikislap ang mga mata kong tignan siya. "YES! YES! Thank you, Den! I love you! You're the best!" Halos tuwang-tuwa kong asik at agad itong sinalubong ng yakap, kahit dama ko ang pawis nito ay mabango pa rin naman siya pero nakakairita akong maramdaman ng mukha ko ang dibdib niyang may pawis. "Tss," Saktong pag-alis ko sa yakap ko kay Den ay narinig ko ang tinig na iyon. Sinilip ko kung sino ay dumaan na iyon at doon nan-laki ang mga mata ko. Ang likod na iyon. Rejanjo 19 "WAIT! GAV!" Hinabol ko ito at ganon na lang kabilis ang takbo upang mapuntahan ko kaagad ito. Ngunit napahinto rin ako bahagya ng makita ko itong nakatayo lamang sa gitna. May kinakausap ito ngunit hindi ko makikilala kung babae o lalaki dahil likod lamang niya ang nakikita ko. Dahan-dahan akong lumapit sa gawi nila at doon ko nakumpirmang babae nga ang kausap nito dahil sa boses nitong malambing. "May g-girl friend ka na 'ba?" Tanong nito at nagpintig ang mga tenga ko ng marinig ko iyon. "Wa-" Agad akong lumapit sa kanya hinawakan ang braso nito saka ko nakuha ang atensiyon ng kausap nito. "Oo, ako." Nanlaki ang mata ng babae na ngayon ay akala mong maluluha dahil sa kahihiyan. "So-sorry po." Mariing sambit nito at bahagyang tumakbo pa labas ng gymnasium. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang taas ng mga balikat nito upang matanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanyang matitipunong braso. Naalala ko noon. Magkasama pa tayong naglalaro pero ngayon babae na ang nilalaro mo. Ano 'ba ang nangyare sa 'yo Gav? Hindi ka naman ganito. "Kailan mo 'ba pwede patahimikin ang buhay ko?" Tumaas muna ito ng tingin at mabilis na tumingin muli sa'kin saka ako mariing tinanong. Batid kong may galit ang tono nito nang tanungin ako ngunit hinayaan ko lang iyon. "Pagmahal mo na ko." Ngiting sambit ko sakanya at binigyan siya ng eye smile. Ngunit unti-unting lumapit ang mukha nito sa'kin dahil may katangkaran ito ay iniyuko niya ang kanyang mukha papunta sa gawi ng aking mukha. Napalunok lamang ako ng gawin niya iyon. Ang itim niyang buhok at ang kanyang trademark cottton headband na puti para hindi mapunta ang buhok niya sa kanyang mukha. At ang singkit nitong mga mata. Hindi nagbago ang itchura ng lalaking minahal ko simula nung mga bata pa kami. "Tss, satingin mo ay mangyayari 'yon?" Ngumisi ito sa'kin ngunit ga'non pa rin lamang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa lapit ng kanyang mga mukha sa'kin. Oo, alam kong hindi mangyayari iyon pero hindi pa rin ako susuko. "Hindi ikaw 'yung tipo ko, Wensy. And you will never be," Madiing sambit nito sa'kin at inalayo ang kanyang mga mukha mula sa paglalapit sa'kin. Tumalikod na ito at bahagyang aalis ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong tawagin siya. "G-gavy bear," Mahinang sambit ko ngunit ga'non na lamang siya napahinto ng sabihin ko iyon. 'Ano naman ang ginawa mo?' Tanong ko nito ng makita ko ang ang kanyang bini-bake ay ka pareha ng aking buhok. Nakatali ang magkabilang buhok tulad ng mga batang babae na ayon lagi ang ipit. 'This? This is Cookieshore,' Sambit pa nito sa'kin at saka sinisilip ang gawa nitong cookies at bahagya niyang nilagyan ng chocolate na ginawa niyang mata. 'Cookieshore? Pangalan ko 'ba 'yon?' Nagtatakang tanong ko at tumabingi pa ang ulo ko mula sa kaniya. 'Yup! Wow! Gumagawa ka 'ba ng gummy bear?' Tanong nito sa'kin at saka tinignan ang walang kwentang gummy bear ko. 'It's Gavy bear.' Ngiti kong sambit at kinuha ang puting gelatin at hiniwa iyon saka inilagay sa ulo ng gummy bear na aking ginawa. 'I will be your forever Gavy bear.' Sabi nito sa'kin at bahagyang ngumiti. Ang ngiti na hindi ko na nasilayan ng lumaki na kami. "And I will be your forever, Cookieshore." Madamdamin kong sambit ngayon kay Gav na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin. "You stock in the past," Dinig kong sabi nito kahit nakatalikod ito sakin. Kagat-kagat ko ang aking labi na tila iniisip ang sinasabi niya. "Stop looking the old version of me." dagdag pa nito muli at saka tuluyang umalis. Naalala ko muli ang sinabi nito sa'kin nung mga bata pa kami at sumali sa baking classes na kung saan ang ginawa niya ay ang cookies na kung saan ay ako daw iyon. At ang gummy bear kong ginawa kong siya. 'I will be your forever, Gavy bear.' 'And I will be your forever, Cookieshore..' Napangiti na lamang ako bahagya ng maalala ko muli iyon at unti-unti na siya nawala sa mga mata ko. "Alam ko na kung bakit ka nagpupumulit sumama." Napatingin na lamang ako sa gilid ko ng na-andon na pala si Den. Nakatingin lamang ako sakanya ngunit ang tingin niya ay doon sa pinaglabasan ni Gav. "Just promise me, hindi mo kukulitin ang isang 'yon." Utos pa nito sa'kin at bahagyang akong nilunganan ng tingin mula sa pagkakatitig niya sa likod ni Gav. "Hindi mangyayari 'yan." Napatingin naman ako sa gilid ko ng naandon na rin si Vessai. "Vessai!" Mahinang sambit ko sakanya at siniko ang kanyang braso. "Tandaan mo, pag-hindi tayo sumama. Di mo makakasama si Den!" Nan-laki naman ang mga mata niya . "Nangangako siya ngayon. Hindi siya mangungulit mamaya." Mabilis na sabi ni Vessai na akala mo nag-rap at wag ka! Nagtaas pa siya ng kamay na parang siya ang nangako. Paano ko kukulitin yon! Ano yon titignan ko lang siya! * Mabilis lumipas ang oras na ngayon ay naandito ako ngayon sa kwarto. Tinignan ko ang orasan at mag-aala sais pa lamang, alas-syete ang simula ng party. Nagsuot lamang ako ng black dress at magdadala ng silver bag mula sa Chanel. Inilugay ko ang aking buhok na ngayon kulot big curl ang ilalim. "Hindi ka na kakain dito?" Tanong sa'kin ni mommy ng makapasok ito sa kwarto ko. "Hindi na mommy." Ngiting sagot ko kay mommy at saka lumapit saakin. Ngayon ay nakaharap kaming dalawa sa salamin at hawak-hawak niya ang magkabilang braso ko. "Tignan mo, ang ganda ng babaeng nakikita mo sa salamin 'di ba?" Pagtatanong ni mommy at doon nanlambot ang puso ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin kasama siya. "Oh! Kita ka rin pala sa salamin!" Sabi ni mommy na kinasimangot ko! Binibiro nanaman ako nito! "HAHAHAHA, Maganda ka rin anak pero alam mo namang mas maganda ako." Pagmamayabang nitong sabi sa'kin . Ngumuso nalamang ako ng sabihin niya iyon sa'kin.. Ngunit ilang saglit pa ay nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot iyon. 'Ano na te! Kanina pa kami nag-iintay ni Den sa labas ng bahay niyo.' bungad agad ni Vessai ng sagutin ko iyon. Nan-laki naman ang aking mata ng ma-realize kong nasa labas na pala ang mga iyon l. "Ma, aalis na ko ha!" Pagpapaalam ko kay mama saka ako nito hinalikan sa pisngi. "Be careful, anak." Pagpapa-alala nito sa'kin ngunit binigyan ko na lamang ito ng ngiti at saka tumungo dahil baka iwan na lamang ako ng dalawang iyon. Takbo akong bumaba ng second floor dahil sa pagmamadali ko dahil nasa labas na ang dalawa . Saktong paglabas ko ay may nakahinto nga doong sasakyan at saka ibinaba ni Vessai ang bintana mula sa kanyang pwesto. "Ano na te! Puti na si bulbolszer ko dito sa tagal mo." Arteng sambit ni Vessai ng makasakay ako sa likod kung saan ay katabi niya ako. "Oh, ba't di pa tayo naandar?" Tingin ko kay Den ng nakahinto pa rin ito. "Mukha 'ba kong driver niyo? Kayo na nga 'tong sabit, ako pa 'tong pinag-driver niyo." Asik nito samin at saka pinaandar ang kotse nito. "Yeah, whatever." Pag-ikot pa ng aking mata saka inilipat ang aking tingin kay Vessai na pasimpleng nakangiti sa gawi ni Den. "Baka malusaw, baka di ko pa makita 'yung mahal ko." Pagsiko ko sakanya na ganon na lamang ang masamang tingin na ibinalik nito sa'kin. "Manahimik ka nga, marinig ka n'yan." Sabi nito sa'akin ng nakakunot ang kanyang mga noo at naka nguso. Humalakhak na lang ako ng gawin niya iyon. "Wensy, you promise me na hindi ka manggugulo, Okay?" Dinig kong paalala ni Den habang patuloy pa rin siyang nag dri-drive. "I'm not a troublemaker!" Asik ko ng sabihin niyang lagi akong nang-gugulo sa mga party . "Off limits to Gav. Alam kong wrecker ka." Pagsasabi nitong muli na at saka na lamang ako napataray. Ilang saglit pa ay narating namin ang isang village na kung saan layo layo talaga ang mga bahay at magagarbo. Masyadong malaki at malawak ang mga bakuran at magagandang bahay. Mukha nga'ng mayaman ang kaibigan nilang galing ibang bansa. "Where did you meet this friend of yours? Wala naman akong naririnig na may kaibigan kang nasa ibang bansa." Pagtatakang tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana at pinag mamasdan ang view. "Pinsan ni Jacob." Sagot nito na kaagad akong napatingin sa gawi ni Den. Anong pinsan niya? Ang sabi nito sa'kin ay tropa lang nila! "Ang sabi ni Jacob, tropa niya 'yon ah!" Pagtatakang tanong ko nang maalala ang sinabi ni Jacob. "Pagpinsan mo 'ba di na pwedeng maging tropa?" Pagtatanong nitong muli, ngunit hindi ko na natuloy ang sasabihin ko pa ng maramdaman kong lumiko kami. At doon ko nakita ang magarbong party. Nagsisiliwanagan na ilaw. Kahit naandito pa lang kameli sa parking ay na aaninag ko na ang mga ilaw at malalakas na tugtog. Ga'yon na lamang ang tingin ko kay Vessai ng makita ko rin sakanya ang pag ka-excited nito. Kinalaunan ay bumaba na kami at saka pumasok sa loob. Nagulat na lamang ako ng tanungin ako ng naka tuxedong lalaki. "Invitation, Ma'am?" Pagtatanong nito sa'kin, napatingin ako kay Den dahil hindi ko alam ang ibibigay ko. "Ah.." Hindi na natapos ang sasabihin ni Den ng biglang sumulpot sa gawi namin si Jacob. "Here, Invitation mo." Sabi ni Jacob at ibinigay niya sa'kin ang isang itim at may silver na Invitation card. Itinapat ko ito sa lalaking naka-tuxedo at saka ako hinayaang pumasok. "Invitation, madam." Napatingin ako sa gawi ni Vessai ng siya naman ang hingian. Paano na to! "She's my girlfriend." Gulat na lamang ako ng sabihin iyon ni Den at saka hinawakan nito ang bewang ni Vessai. Halos kiligin ang budhi ko ng gawin niya iyon! My DENSAI HEART! Agad naman silang pinapasok ng lalaking naka tuxedo at saka pumunta sa gawi ko. Ganon na lamang ang pagkaka pula ng mukha ni Vessai ng tumingin sa'kin. Alam ko kung bakit! Kase pwet mo may raket. "Girls, umupo na lang kayo sa may mga bakante. Pupuntahan ko lang yung tropa ko." Sabi nito samin at saka ako tumungo-tungo. "Wensy, walang manggugulo." Pagtuturo pa nito sa'kin kaya naman ay nag-salute ako sakanya. Agad kaming umupo ni Vessai sa isang bilog na mesa at doon nakita ang kabuuan ng party. Marami ngang tao at maraming nag sasayawan sa gitna . "Hi Ma'am! Ano po ang gusto niyong drinks?" Gulat nalamang ako ng may magtanong sa gilid namin. "Ahm. May White Rum 'ba kayo?" Tanong ko dito ng pabulong dahil sa lakad ng tugtog. "Yes, ma'am. Meron po kami, Brugal Especial or Caña Brava?" Tanong nitong muli sa'kin. "Caña Brava, please. Thank you," Pagsasabi ko at pagpapasalamat at saka pumunta ito sa gawi ni Vessai. "Water please, thank you." Ayon lamang ang sinabi niya at saka umalis ang waiter. "Sabi niya girl friend ka daw niya ah." Pang-aasar ko kay Vessai ng maalala ko ang nangyari kanina. "Ano ka 'ba!" Nahihiyang asik nito sa'kin. Hanggang sa nakita namin si Den sa harap ng aming table na hindi naman kalayuan. Nakatayo ito at nakikipag kamayan sa mga lalaki, siguro nga ay tropa nito. "Sino kaya ang mga 'yon?" Tanong naman sa'kin ni Vessai habang kaming dalawa ay nakatingin lamang sa gawi ni Den. "Hindi ko rin kilala e " Pagsasagot ko ngunit ganon na lamang nan-laki ang mga mata ko ng hawakan ni Den ang bewang ng babaeng lumapit sakanya. At ganon na lamang ang pagtawa niya at saka may binulong sa babae na kung saan ay tumawa rin. Napatingin ako kay Vessai na ngayon ay nag-iba ang kanyang mukha. Halos magdikit na ang kanyang mga kilay habang ang mga tingin niya ay nasa gawi ni Den. "Here's your drinks, ma'am ." Sabi ng waiter at saka iyon inilapag sa tapat namin. Agad kong kinuha ang White Rum ko saka iyon ininom. Ngunit ga'non na lamang nan-laki ang mata ko ng tubig pala iyon! Napatingin ako sa gawi ni Vessai ng kinuha niya ang dapat ay akin. Pipigilan ko na sana ito ng mainom niya na ito at nakaisang lunok muna ito bago niya ito nalasahan. "BOWAHHH!!" Pagdudura nito at saka ibinigay sa kanya ang tubig. "Nagkapalit tayo ng baso. White Rum kasi ang akin e." Sabi ko sakanya habang hinahagod ang likod nito. "Nandidiri ako, Wah." Sambit pa nito at parang nangisay ng malasan niya muli ang rum sa kanyang dila at saka ininom muli ang tubig. "Tissue please, Wensy." Suyo nitong sabi sa'kin . Tumingin ako kaagad sa mesa at saka kinuha ang tissue ng mabilisan at saka ibinigay iyon kay Vessai. "May nahulog 'nung kinuha mo 'yung tissue." Nguso nitong sabi kaya naman napatingin ako sa ibaba at doon ko nakita na nahulog pala ang Invitation. "Sino 'yung may birthday? Babae ba?" Tanong saken ni Vessai kaya naman ay binuklat namin ang Invitation. Ngunit ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng mabasa ko ang pangalan ng may birthday party! "Angelo Shone?" Dahan-dahang sabi ni Vessai habang nakasilip sa Invitation na hawak ko. Habang ako ay ganon na lamang muli ang panlalaki ng mata at halos hindi ako magkanda ugaga. ANO ANG GAGAWIN KO! "Yeah, Oo mga kaibigan ko." Rinig kong boses ni Den ngunit hindi pa rin ako makagalaw at tanging tinitignan ko lamang ay ang pangalan na nakasulat sa Invitation. "Wensy, Vessai." Napatingin ako kay Den at doon nan-laki ang mata ko ng kung sino ang kasama nito. "Y-you came!" Halos kilabutan ako ng banggitin niya iyon at doon na lamang ako napalunok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD