Chapter 4

2152 Words
Chapter 4 TINITIGNAN ko lamang ang likod nito habang siya ay papalayo sa'kin, maraming taong nakatingin at marami din namang nakangiti. Ngunit hindi ko magawang ngumiti, hindi ba't sanay nako sa gantong pangyayare? Lagi naman ganito ano pa ba ang bago? Dapat ay hindi na ganoon kasakit ang nararamdaman ko sa tuwing binabalewala mo ako. Nararamdaman kong nangigilagid nanaman ang aking mga luha kahit anong pigil kong pag tago ng mga ito ay hindi ito pumapayag sa gusto ko. "Tss.." Nagulat na lamang ako ng marinig ko ang tinig na iyon mula sa likod ko ngunit bago pa ko maka lingon ay naramdaman ko ang Jacket nitong yumakap sa'kin. Hindi na ako mag tataka kung sino iyon. Tinignan ko ito na ngayon ay nasa harap ko na siya at saka nilingon ang mga tao sa paligid na para bang sinusuri niya ito. Nakatingin lamang ako sakanya ng halos walang gana, walang emosyon, walang kwentang tingin. Nakakapagod na tingin ang naibigay ko sakanya. Inayos nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri at saka huminga ng malalim. "Wensy." Mahinahon na sabi nito sa'kin ngunit hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito ng magsalita ako at ngumiti sakanya. "Alam ko, sanay na ko, Den." Ngiting sabi ko dito na ngayon ay nakatingin lamang sa mga mata ko. Ang tingin na akala mo ay hindi naniniwala sa'kin. Ang tingin na hindi ka na pagdududahan dahil nalalaman niya ang totoo. Sa tuwing lagi akong napapahiya ay siya lagi ang sumasalo, lagi niya akong sinasamahan. "Den! Andito na 'yung damit!" Napalingon ako sa gilid at nakita kong patakbong papunta sa gawi namin si Vessai at hinihingal-hingal pa. "Change," Halatang galit nanaman ito sa'kin. Sa totoo lang ay kahit suportahan niya sa katarantaduhan ko para kay Gav ay hindi pa rin siya natutuwa pagnakikita niya akong hindi pinapansin o pinapahiya ni Gav. "Palit na Wensy, gaga ka! Magpupulubi ka pa ah!" Sabi nito sa'kin na kung saan ang mga tingin pa nito ay para bang nang-aasar. "Oh, magpalit ka na muna sa kotse mo." Utos nito sa'kin at ibinigay ang isang bag, saan naman kaya ito galing? "Ano tatak nito?" Tanong ko sakanya, hindi pa ba siya sanay sa akin? Binigyan nanaman niya ako ng look na akala mo ay antok. Hindi na siya nabigla sa sinabi kaya naman ay nagbuga na lamang ito ng hangin mula sa kanyang mga bibig at saka tumingin muli sa'kin. "Wensy, nauubusan na kami ng allowance ni Den kakabili ng damit." Nanlaki naman ang mga mata ko ng sabihin niya iyon sa'kin . Halso hindi ko ma-isip na ganoon sila sa'kin upang suportahan ako sa aking mga kagagahan ngunit tila naglaho ang nasa isip ko ng sambitin iyon ni Vessai. Nakakapagtaka naman dahil lagi silang handa pag may kagagahan ako araw-araw ay lagi silang may damit na ibinibigay at pa iba-iba iyon! "Oh my gosh! Thank you guys!" Maiiyak nanaman na sabi ko at saka kunyareng pinunsan ang mga luha ko kahit wala namang patulong luha, bakit ba bet ko e! Im touched! "Okay! Okay! Go change ma-la late na tayo!" Utos nito sa'kin na at saka ako pumasok sa kotse ko at saka nag palit ng damit. For me Ayan ang kanyang tatak, isang pink dress at hindi na masama. Ilang saglit pa ay inayos ko na rin ang aking buhok at saka nagpabango. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin kong may feathers pa na ink, yow! Bratz Addict here! " Tagal mo naman," Bungad sa'kin ni Vessai ng lumabas ako sa sasakyan ko. Ilang saglit pa ay hinanap ng mata ko si Den. "Where's Den?" Tanong ko sakanya at saka ibinigay niya sa'kin ang bag ko at nag-simulang maglakad pa tungo sa building namin. "Kilala mo naman ang isang iyon, panigurado ay mainit nanaman ang dugo 'non sayo!" Pananakot pa nito sa'kin kaya naman ay sinamaan ko ito ng tingin. Tumawa ito ng samaan ko ito ng tingin. Ngunit unti-unti rin iyong nawala ng tumungo ito. Alam kong may gusto si Vessai kay Den. Ngunit alam kong may gusto sa'kin si Den. Kahit hindi sabihin iyon ni Den ay nararamdaman ko kahit pa ang lagi kong iniisip ay hindi niya ako gusto at tanging kaibigan lamang ang tingin niya sa'kin at wala ng iba. May mga bagay kasi na hindi niya nagagawa kay Vessai at tanging sa'kin lang niya ginagawa. "Ba't ganyan mukha mo?" Pagtatanong ko sa kanya na ngayon naman ay bigla siyang napatingin sa'kin at nan-laki ang kanyang mga mata. Napa-ngiti na lamang ako ng sa palagay ko ay nakakaramdam ito ng selos sa'kin, kaibigan ko ito kaya naman ay alam ko ang kilos nito at pag-uugali. Pag may iniisip ito ay ganyan lamang ang kanyang itchura. "A-ano! Wala!" Mabilis nitong sagot sa'kin na ngayon ay kinakaway ang kanyang dalawang kamay sa akin na sinasabing wala. "Sus! May gusto ka kay Den 'no!" Siniko ko ito ng sabihin ko iyon at laking gulat ko nang bigla nitong hawakan ang bibig ko. Ang bilis ng kilos niya ng gawin niya iyon sa ng makarating kami sa hallway. Maraming natingin samin at nagtataka. "Pisti ka, Wensy! Baka may makaranig sa 'yo!" Mahinay na sambit nito sa aking tainga at ga'non na lang ang paghalakhak ko habang ang mga kamay niya ay nasa bibig ko pa rin. "Pagtalaga may nakarinig sa 'yo, sasabunuta-" Hindi niya naituloy ang sasabihin nito ng may magsalita mula sa likod namin. "Wensy!" Unti-unti nakawala ang bibig ko mula sa kamay ni Vessai ng lingunin namin ang nagsalita mula sa likod namin. At ganon na lamang umarko ang kilay ko ng makita kung sino ay tumawag sa'kin. Ito nanamang lalaki na ito! Hindi ba't kahapon ay nasampulan na kita! Bakit na andito ka nanaman! "Sana ay tanggapin mo it-" "Freshmen, sinabi ko na 'di ba? Hindi ako interesado sa kahit anong ibibigay mo sa'kin." Malditang sambit ko dito at saka tinaasan ng kilay. "Ano, boi! Pasensiya ka na ha, ganyan talaga ugali nito e!" Pagpapasensiya ni Vessai na kinalakihan ng aking mga mata dahil ginawa niya iyon dahil sinabi niya ang mga salitang iyon sa makulit na lalaking ito! "Vessai! Ba't ka 'nang hihingi ng pasensiya d'yan sa freshmen na 'yan?!" Iritang tanonf ko kay Vessai na ngayon ay sinamaan ako ng tingin. Ano ba to? Daig pa si mommy! "Hindi ako freshmen." Napatitig ako muli sa gawi ng lalaking tumawag sa'kin. Ang inakala kong freshmen. Imposibleng hindi ito freshmen dahil ang mga lalaking nagbibigay lang naman sa'kin ng mga ganto ay freshmen at pag-inaway ko na sila ay nasuko na sila. "Second year tulad mo," Nagdikit nanaman ang mga kilay ko ng marinig ko ang sinabi niya,hindi ako naniniwala. Agad kong hinila ang ID nitong nakasabit sa kanyang leeg na kaagad na kinagulat niya. At ganoon rin nan-laki ang mata ko ng makitang second year nga ito! "Angelo Shon-" Halos hindi ako maka-galaw ng makita ko ang pangalan na iyon. Agad kong binitawan ang ID nito at tinignan ito ng masama. " 'Wag mo na 'kong kakausapin kahit kailan," Sabi ko dito na sa paraang satingin ko ay hindi na nito ako kakausapin talaga. "I ju.." Hindi ko nanaman siya pinatapos ng sasabihin niya at hindi niya naituloy ang pag-aabot sa'kin ng isang papel, isang black and silver na papel. "Ayoko ng makita ng mukha mo, Okay? Hindi ako interesado sa 'yo dahil una sa lahat ay hindi ikaw 'yung tipo ko!" Banggit kong mali at tila pinapa-intindi sa kaniya ang mga sinabi ko na hindi siya ang tipo ko. "I was just inviting you, birthday party k.." hindi ko nanaman siya pinatapos nang muli akong sumabat. "Milagro na lamang iyon kung pupunta ako sa party mo. At hindi iyon mangyayari! Kung mangyari man iyon ay mag-wish ka sa'kin ng kahit na ano." Natatawang asik ko sakanya ngunit naandon pa rin ang pagkasabi ko nang pataray. Hindi na ata iyon nawawala kapag nagsasalita ako. Hindi ko na siya pinagsalita pa at iniwan na namin siya ni Vessai sa hallway, maraming nagbubulungan at marami ring nakatingin sa'kin. Halatang hindi talaga nila ako gusto. Pake ko sa inyo. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa loob ng room, wala pa rin si Den. "Ano 'ba 'yan, Wensy! Paano ka na lang magkaka-boyfriend ni 'yan kung gan'yan ugali mo!" Asar na sabi nito sa'kin ng makaupo kami sa kanya kanya naming upuan. "Anong boyfriend pinagsasabi mo?! Hindi ako mag-boboyfriend kung hindi rin lang naman si Gav iyon!" Papikit ko pang-sabi sakanya. Bumuntong hininga ito na tila alam na ang sasabihin ko. "Birthday ata 'nung lalaki. Dapat ay puntahan mo!" Tila utos nitong sabi sa'kin na kina dikit ng mga kilay ko. "Mauuna ka munang uminom ng alak bago mangyari iyon," Proud na sabi ko at doon kinalaki ng mata niya. "Never akong iinom ng alak! Eww!" Sambit pa nito sa'kin na halos parang diring-diri sa alak. Hindi siya nainom ng alak dahil ang baho daw at kahit anong pilit namin ni Den ay hindi talaga namin siya mapa-inom. Halos oras ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa narating si Den. Ilang subject na ang hindi niya napasukan talaga babagsak siya talaga nito e! "Nag-text siya sa'kin. May training daw sila," Sabi ni Vessai habang na kain kami sa cafeteria. Ngunit ang mga tingin ko ay nasa upuan ni Gav, ngunit wala rin ito dahil kasama ito sa varsity ng Shinun. Kasama nito si Den na ngayon ay parehas silang nag tra-training. "Reyn?" Tanong ko ng makita ko si Reyn na papunta sa tropa ni Gav. Bakit na andito ito? Eh, wala naman ang kuya niya roon? Agad akong tumayo at pinuntahan ang gawi ni Reyn na ngayon ay kausap na si Jacob. "Oy! San ka?!" Dinig kong sigaw ni Vessai ng makaalis ako ng upuan. "Reyn!" Bati ko rito at sinuklian niya lamang ako ng ngiti na napaka-tamis. "Hey! Wensy!" Bati ni Jacob sa'kin at saka ko siya pataray na tinignan. "What?!" Maarteng tanong ko sa kanya. Saka ko pinasadahan ng tingin si Reyn. "What are you doing here? Wala naman dito si Gav ah!" Tanong nito sa'kin na parang bang nag-tataka. "Nandito ang kapatid niya," Nguso ko kay Reyn na agad naman nan-laki ang kaniyang mata ng mariin ko siyang tinignan. "Baka kase ay pormahan mo," Dagdag ko pa na kinasama ng mukha nito. "Hey! Ano ka 'ba! Bunsong kapatid din ang tingin ko kay Reyn!" Halos ini-iwas nito ang kaniyang ulo sa'kin habng dinidipensahan ang kanyang sarili. Mukha namang totoo ang sinasabi niya. Napatingin ako kay Reyn na ngayon ay tila nanlulumo ang kanyang itchura at nakayuko lamang. "By the way! Aalis kami mamaya ni Gav may party kaming pupuntahan." Sabi nito sa'kin kaya naman ay agad akong napa-upo sa tabi ni Reyn at tinignan ng maige si Jacob. "Siguraduhin mo lang na hindi to scam Jacob!" Diin ko sakanya ng maalala kong na iscam ako nito sa makaka-date ko si Gav ngunit ng makita niya ako ay umurong ang bayag non! At mabilis na nawala . "Oo nga! 'Yung tropa namin kase kaka-balik lang ng pilipinas." Dagdag pa nitong sabi sa'kin at tumungo-tungo ako. "Saan naman gaganapin 'yan?" Tanong ko dito muli, hindi ako nag-dadalawang isip na tanungin siya kung saan iyon. Dahil matigas ang ulo ko. "Sa bahay nila. 'Wag kang mag-alala dahil alam naman ni Den 'yung bahay 'non. Sa kanya ka na lang sumama." Banggit nito sa'kin at saka ibinaba niya ang kanyang palad. Na animoy nag hihintay ng perang ibibigay sakanya. Napataray na lamang ako at saka kinuha ang bag ko at inilabas ang wallet ko. "5K is enough," Sabi ko sakanya at inilapag ang limang libo sa palad nito. "What?!" Angal nito sa'kin na ngayon ay para na niya akong inaakusahan. Napatingin ako sa katabi ko ng mapansin kong wala na pala doon si Reyn. Umalis na nga iyon siguro, ano naman ang pinunta non dito? "Sige na, bye!" Sabi ko dito at saka umalis at bumalik sa kinaroroonan ni Vessai na ngayon ay malapit ng matapos kumain. " 'Yung pagkain mo! Hindi mo pa-ubos!" Tila asar na sambit nito sa'kin at nginuso ang plato ko. "Mamaya ay may pupuntahan tayo." Pagkwento ko sa kaniya ngunit agad sumama ang kanyang mukha ng sabihin ko iyon sa kaniya. Tila alam na ang gagawin namin. "Pass ." Tipid na sagot nito sa'kin at mabilis na umiwas ng tingin sa'kin. "Kasama si Den." Mabilis kong sabi sakanya na halos ang tono pa ay nanghihikayat. Taas-taas pa ang aking kilay habang sinasabi iyon. "Okay, tara na alis na tayo ngayon na." Mabilis na arte nitong akala mo ay handang-handa na. Agad akong humalakhak sa ginawa ni Vessai na halatang tulad ko ay gagawin rin ang lahat para kay Den. Wala ka ng magagawa Gav!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD