Chapter 3

1696 Words
MABILIS ang oras kung lumipas kaya naman ay ganoon ‘rin kabilis ang araw ko matapos. Nakaupo ako ngayon sa kama at nagtitingi-tingin sa aking cellphone ng kung ano itshura ng mga ehem-ehem. Bawal sabihin muna ngayon dahil kailangan ay mabigla rin kayo tulad ni Gav at ng aking best friend sama mo na si Den. "Holy Crap!" Napaupo na lamang ako sa aking kama ng makita ko kung ano itsura ng mga ito. Ganito ang mga itchura nito?! Paano ko gagawin ang ganto! Napapikit na lamang ako ng maisip ko ang gagawin ko bukas, hindi tayo pwedeng sumuko. Kelangan naten ito gawin para kay Gav. Saan naman ako magsisimula? Agad kong binuksan ang aking damitan. "Uhhmm... Ito na lang? Ito naman ‘yung pinaka mura kong damit eh." Saka ko kinuha iyon at inilagay sa aking kama. Napalingon ako sa pinto ng may narinig akong kumatok. "Anak, kakain na." Pag-uutos ni mommy. Agad nitong binuksan ang pinto kaya naman ay napangiti ako. Lumapit ito sa’kin sa kinatatayuan ko at tinignan ang damit na nasa kama. "Ano meron sa damit na ‘yan?" Nguso nito sa damit ko at nakatingin sa’kin. "Uhmm, para bukas mommy." Agad naman tumingin si mommy sa’kin at bigla akong ngumiti ng masigla alam ko kasing pagsasabihan nanaman ako nito. "Anak, kung ano man ang nasa isip mo ay rerespetuhin ko ‘yon," Malambing na sambit nito sa’kin at saka ako niyakap ganoon rin ang isinukli kong pagyakap sa kanya. "Pero sana anak ay magtira ka lagi para sa sarili mo." Hinawakan nito ang magkabilang pisnge ko habang sinasabi niya iyon sa’kin. Tinignan ko ang kanyang mga mata na kung saan ay para itong naluluha. "Mom?" Tanong ko dito saka nito pinunasan ang kanyang mga luha na ngayon ay hindi na napigilang lumbas sa kanyang mga mata. "Ayoko kaseng matulad ka sa’kin, anak," Pagsasabi nito. Bahagya namang naupo si mommy sa kama at isinang tabi ang damit na inilagay ko doon. Saka ako tumabi sa kanya at niyakap siyang muli, sa totoo lang ay close talaga kame ni mommy. Lagi ako nagkwekwento sa kanya ng mga nangyare sa school at saka kay Gav, hindi naman ito tutol sa mga ginagawa ko. "Ang hirap ng hindi mo alam kung saan ka kukuha ng lakas at kakayahan anak. Lalo na pagkinailangan ng sarili mo nang pagmamahal ngunit wala kang mabigay sa sarili mo dahil naibigay mo na sakanya lahat." Pinakikinggan ko lamang ang sinasabi ni mommy at dama ko iyon. “Kaya laging kong sinasabi sa ‘yo. Magtira ka para sa sarili mo dahil hindi mo alam kung kelan ke-kelangan ng sarili mo ang pagmamahal nito para sa sarili mo." Muling pagpapaalala nito sa’kin at hinawakan ang buhok ko. Matipid akong ngumiti at tinignan ito ganon din naman ang ginawa niya sa’kin at saka niya hinalikan ang noo ko. "Tara na, kain na tayo." Pagyaya nito muli at bahagya naman akong tumungo, wala talaga akong palag kay mommy dahil sobrang bait nito at mapagmahal. Lagi niyang sinasabi sa’kin na dahil sa’kin ay binago ko ang buhay niya. Hindi ko alam kung ano ba siya noon pero ang nakikita ko sa kanya ngayon ay mabait siya talaga noong kasing edad ko siya. Hindi nagtagal ay kumain ako kasama si mommy sa kusina at tamang kwentuhan lamang kami tungkol sa mga bagay-bagay noon. "Ako na maghuhugas ma.." Natatawang ngunit seryosong sambit ko dito habang kinukuha ang mga pinggan na kung saan ay nakalatag sa mesa . "Hindi mo naman babasagin ang mga ‘yan? ‘Di ba?" Natatawang tanong ni mommy saka ako ngumuso. "Ma!" Pagsisigaw ko dito at saka ito mas lalong lumakas ang tawa, kahit kailan talaga itong si mommy. "Fine.." Mahinang pagsang-ayon nito sa’kin at saka umalis sa kanyang kinauupuan at umalis ng kusina. Ako na lang ang naiiwan ngayon sa kusina at kaagad naman itong hinugasan ang mga pinggan. * Ngayon ay nasa kwarto na ako at saka ginawa ang mga dapat kong gawin para bukas. Napatingin naman ako sa cellphone ko dahil sa tunog nito. "Hey guys!" Bati ko sakanila . “Busy?” Tanong ni Vessai habang nakain siya, ngayon ay nag vi-video call kaming dalawa ngunit hindi pa sinasagot ni Den ang tawag. "Uhmm.. A little," Pagsagot ko habang tinignan ang damit na ngayon ay hindi ko na makilanlan. “For tommorow?” Tanong ni Vessai sa’kin . "You know? Kumain ka muna sai.." Sagot ko sakanya at saka ito binaba at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Hindi nagtagal ay natapos ko na ang aking pinagka-ka bisihan . "Eww.." Pagkakasabi ko ng makita ang final look ng ginawa ko. Kelangan ko ba talaga gawin to? No! Hindi pwedeng hindi ka niya mapansin Wensy! Fighting! Mabilis lumipas ang gabi ng mag-umaga na muli. Kinabukasan .. Napasapo na lamang ako sa noo ko ng makita ko ang itsura ko habang suot suot ang pinag-tripan kong damit kagabi. "Shore? Baby?" Tawag ni mommy sa’kin at hindi rin nag-tagal ay pumasok ito sa kwarto ko. "Oh my gosh! Baby!" Halata sa kaniya ang pagkagulat ng makita ako nito at agad-agad lumapit sa gawi ko. "Ano ba ‘yan anak, Magpalit ka nga ‘doon! " Inis na sabi ni mommy na makita ang itchura ko. "Ma, kelangan namin ‘to para sa play.." Pagpapalusot ko at saka ngumiti . "Kina-reer mo naman masyado anak, pwede bang ‘don ka na lang magpalit ng costume mo?" Pagpipilit sa’kin ni mama ngunit hindi pa ‘rin ako nagpatinag, kelangan niya ako mapansin mom. Oo, desperada na po talaga ako kaya walang basagan ng trip. Kinalaunan ay walang nagawa si mommy at hinayaan na lang ako, agad akong sumakay sa sports car ko na kulay pink na may linyang silver. Yow! Bratz! Agad kong pinindot ang numero ni Vessai at saka ‘yon tinawagan. "Yow, Sai!" Pagbubungad ko sakanya, halata namang nasa sasakyan niya na ito dahil naririnig ko ang music nito. "Hey, Morning!" Pagbabati nito sa’kin mula sa kabilang linya. "I'm freaking ready! Can’t wait na makita niya ko Hahahaha!" Natatawang sabi ko habang nagdri-drive. "Makikita natin mamaya." Sabi nito sa’kin, humaba ang pag-uusap namin at kinalaunan ay naandito na ako sa may parking. Kailangan ko mauna sa hallway para masagawa ang plano. Kita ko ang sasakyan ni Vessai na ngayon ay ipina-park niya sa harap. Kinuha ko ang cardigan ko at saka ‘yon isinoot, kita ko si Vessai na bumaba ng kanyang sasakyan at pumunta sa gawi ng aking kotse. Hindi nagtagal ay kinatok nito ang salamin ng aking kotse saka ko kinuha ang aking vintage Prada bag nylon at saka lumabas ng sasakyan. "Wassup." Pagsasabi ko ng makalabas ako. "What’s wrong with you’re hair?" Pagtatanong nito sa’kin ng makitang parang gulo-gulo ito, sinadya ko talaga ito. Medyo buhaghag style ganon! "Look!" At saka ko tinanggal ang cardigan ko na nagpalaki ng kanyang mga mata. "No! What the hell, Wensy!" Gulat nito sa’kin na ngayon ay hindi magkanda-ugaga ang itchura. "What?" Tanong ko dito at tinignan ang kabuaan ko. "I know, i know malay mo gumana na ‘to. Papansinin niya na ko ‘ganon!" Natatawang pagpapaliwanag ko. Hindi talaga siya makapag salita at tinitignan niya lamang ako. Bahagya itong pumikit at tinignan ako.. "Bakit ‘yan naman ang napili mo?" Inis na tanong nito sa’kin. "Sabi ng mga freshman ay tinulungan ni Gav yung pulubi." Ngiting sagot ko naman sakanya habang iniisip ang mangyayari mamaya. "Saan mo naman gagawin ‘yan?" Tanong nito muli sa’kin . "Pagdating ng kotse niya haharang ako ‘doon." Sagot ko at saka tumawa muli, mapapansin niya na ko talaga nito. "Hindi ka mukhang pulubi Wensy.." Giit nito sa’kin kaya naman ay napanguso ako. Alam kong maganda ako para maging pulubi ngunit ito lang talaga kinaya ng powers ko. "May pulubi ‘bang naka Prada? Tignan mo ‘yang bag mo! Halos libo halaga!" Turo nito sa hawak kong bag. "Yang damit mo!" Turo naman nito sa damit ko. "Hep hep hep! Ito na ang pinakamura ‘kong damit!" Pagpapatigil ko sakanya para hindi na niya ko pagalitan. "Mura? ‘Yang Chanel na damit na ‘yan ay libo ‘din ang halaga Wensy! " Napakurap naman ako ng mahulaan niyang Chanel ang suot kong pinaggugupit-gupit ko at kunyare ay pinagpipinturahan ng kung ano ano para magmukhang madumi. "Paano mo nalaman na Chanel ‘to?" Tanong ko sakanya dahil ginutay gutay ko naman ang damit na ito . "Hays! Tignan mo ‘yung gitna! Buo pa ‘yung Chanel!" Agad ko namang tinignan ang damit ko at oo nga no? "Hindi ko kaya gupitin, ang ganda kase." Pagngusong sabi ko at ganon na lang nanlaki ang mga mata ko ng dumaan ang sasakyan ni Gav kaya naman ay agad kong binigay ang bag ko sakanya at patakbong pumunta sa sasakyan ni Gav na ngayon ay magpa-park na. Kinuha ko sa bulsa ko ang spray ng alcohol at inisprayan ang simentong uupuan ko sa tabi ng kotse niya. Matapos kong gawin ‘yon ay nag-iintay na lamang akong lumabas siya. Agad akong nag-Indian seat sa lapag at itinaas ang mga kamay ko na para bang nanghihingi. Kinalaunan ay bumaba ang lalaking inaantay ko. Naka shades ito ngunit hindi ako pinansin nito. "Hey! Give me money!" Pagsisigaw ko kay Gav nang akmang lalagpasan ako nito. Akala ko ba ay mabait ito sa mga pulubi? Bakit hindi naman! Humarap ito sa’kin at inilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa na akmang may kukunin. Kaya naman ay nagning-ning ang aking mga mata! Saka niya inilabas ang kanyang kamay at ganon na lamang ang pagdidikit ng mga kilay ko ng ang ibigay nito sa’kin ay ang nakataas niyang middle finger. "Di ka ‘ba nahihiya sa pinag-gagawa mo?" Tanong nito sa’kin na halatang inis na inis na sa’kin. "Namamalimos ako.." Sabi ko at saka tumayo, ngayon ay magkaharap na kaming dalawa. "Wensy, wag mo nga ‘kong lokohin?" Inis na sambit nito sa’kin na ngayon ay ipinipikit ang kanyang mga mata na halatang iritang irita na sa’kin. "Hindi naman pera ang pinag lilimusan ko, Eh. " Saad ko sakanya at doon niya ko tinignan muli. "Then what?" Tanong nito sa’kin . “Palimos ng pagmamahal mo." Diretsong sambit ko sakanya at doon ko nakita ang pag-iba ng mukha niya. "Asa." Doon ako napalunok ng sabihin niya iyon sa’kin at saka niya ako tinalikuran at tuluyang naglakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD