Chapter 2

1766 Words
HALOS mairita ako sa lahat ng nakatingin sa’kin habang naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Lunch break namin ngayon at ga’non kabilis ang oras simula kaninang umaga. "Ano ba naman kasing suot ‘yan, Wensy." Tanong sa’kin ni Vessai na ngayon ay parang inis na inis sa’kin. Tinignan ko ang kabuuan kong suot bakit maganda naman ah! Naka dress ako ngayon na plain pink at may feathers na jacket habang ang sandals ko ay may takong na patusok. "Galing ka ‘bang abroad?" Umikot pa ang kanyang mga mata ng sabihin iyon sa’kin. Halos nalukot ang mukha ko ng sabihin niya iyon sa’kin. "Bakit? Mapapansin ako ni Gav. Watch me," Pagmamayabang na sabi ko sakaniya at na unang maglakad ng makapasok kami sa cafetertia. Nahagalip ng mata ko ang aking hinahanap kaya naman ay inayos ko ang aking kulot na buhok at inarko ko ang kilay na sinamahan ng maarteng paglakad. Kita ko ang tingin ng kaniyang kaibigan sa’kin at mukhang sinabi na niya iyon kay Gav na papalit na ako. Halos kumunot ang noo ko ng makitang may lumapit kay Gav at may ibinibigay na pagkain. Mabilis akong lumapit sa kanila. "Move!!" Tinulak ko ang babae mula sa kanyang balikat at hindi na ito tinignan. Alam kong naka salampak ito sa sahig pero wala akong pake. This is me. The b***h of the bitches. "Hi, Gav !" Masayang bati ko ngunit para siyang walang naririnig. Sa totoo ay araw-araw na lang kaming ganito at araw-araw niya rin akong binabalewala o kaya naman ay pinahihiya pero so what! "Honey?" Tanong ko at bahagyang umupo sa gilid niya ngunit ganon din siya kabilis na umurong, na panguso na lamang ako ng gawin niya iyon. "Dapat ay hinintay mo na akong kumain.." Pagmamaktol kong sabi iyon sakaniya, inilagay ko ang siko ko sa mesa at pinatong ang baba ko sa aking kamay at kumurap kurap. Pabagsak nitong ibinaksak ang kanyang kutsara at nakaawang ang kaniyang bibig na tumingin sa’kin, halata ang inis nito sa’kin. Binasa nito ang kanyang mga labi gamit ang kanyang mga dila. Ngumiti ako ng makita ko ang kaniyang mukha, ang mukhang gusto ko makita araw-araw. Makikilala mo ito dahil sa kaniyang headband sa ulo na laging nasa noo niya lamang para hindi gaano mapunta sa mukha niya ang kanyang bangs na mas lalong nagpagwapo sakanya. "Pwede bang kahit ngayon lang, patahimikin mo ang buhay ko?" Inis na sabi nito sa’kin habang ang kanyang kilay ay halos magdikit na, nakatingin ito sa’kin na galit na galit. "Pero ikaw ang buhay ko.." Malambing na sabi ko sakanya at ganon na lamang nag-iba ang itchura niya mas lalo pa itong nainis sa sinabi ko. "f**k your life.." Asik nitong sabi sa’kin at saka tumayo, nawala ang baba ko sa kamay ko ng umalis ito. "Oww..." Napatingin na lamang ako sa harap ko ng makita ko nanaman ang lalaking ito na akala mo ay nasaktan sa sinabi ni Gav. Hawak hawak nito ang dibdib nito na akala mo ay tinamaan ng kung ano sa dibdib. "Ef you, Jacob.." Pataray na sabi ko at saka tumayo, kita ko ang tingin ng maraming tao sa’kin dahil sa pagpapahiya nanaman umano sa’kin ni Gav. "Araw-araw na lang sis.." Irita kong tinignan si Vessai habang kinakain ang pagkaing in-order niya. Hindi ako makapaniwalang hindi niya pa rin ako pinapansin tulad noon. Hindi talaga ako ginagahan kumain pagkaganito, ginagalaw ko lamang ang salad na nasa harapan ko ngayon gamit ang aking tinidor. Pinapansin naman niya ako ngunit hindi naman sa ganoong paraan. Lahat ‘yon nagbago nitong mag highschool kami. Halos isipin ko na lahat ng dahilan kung bakit pero hanggang ngayon ay hindi ko pa ‘rin makuha ang dahilan. "Den!" Sigaw ko ng makita kong nasa entrance ito ng cafeteria, nakuha ng tingin si Vessai na ngayon ay napayuko lamang habang kinakain ang togeng in-order niya. "Bilis niyo naman kumain, ‘di niyo ko inantay!" Pangusong sabi nito sa’kin, agad itong tumingin kay Vessai at tinapik ang ulo. "Ano ‘ba!" Sigaw nito kay Den habang si Den naman ay dumiretshong umupo sa tabi ni Vessai. "Ito! lagi ka na lang kamong high blood sa’kin!" Halos manlaki ang butas ng ilong ni Den nang sabihin niya iyon kay Vessai. Muli itong tumingin sa’kin at sinilip ang pwesto nina Gav at muling ibinalik ang tingin sa’kin. "You done with you’re serious matter?" Pang-aasar nito at doon niya inilabas ang mga ngiti niya, sa totoo lang gwapo naman itong si Den, ngunit ang puso ko talaga ay para lamang kay Gav. Napataray na lamang ako sakanya at humigop ng juice. "Bat ang tagal mo?" Pagtatanong ko sakanya at inirong ang paborito nitong pagkain. "Lumamig na ‘yang pagkain mo." Pataray na sabi ko muli at sa ganong paraan ay nakita kong nanliit ang kanyang mga mata. "Ano sa tingin mo ‘yang pagkain mo?" Ininguso niya ang salad na hanggang ngayon ay hindi ko maubos ubos. "Ano ka ‘ba? Kambeng?" Halos sumama ang itchura ko ng sabihin niya iyon sa’kin. Anak ka naman talaga! Kinagat ko ang ibaba kong labi at tinignan ito ng masama. "Nakita ko ang ex ni Gav, sexy siya.." At doon ako nanlakas ng maalala ko ang ex nang pinakamamahal ko. Kaya naman ay kinain ko ang gulay na ito kahit hindi ko naman gusto, para sa ‘yo Gav! Gagawin ko ang lahat! "Kaya gan’yan suot mo?" Tanong nito sa’kin . "So what!" Pagtataray ko nanaman sabi sakanya na ngayon ay ibinaba niya ang kanyang kutsara't tinidor sa mesa at bahagyang nag-iba ang mga tingin sa’kin . "Wensy , babae ka. Ikaw dapat ang hinahabol.. " Parang naiinis na sabi nito sa’kin, sa totoo lang ay may hindi pa kayo alam sa katangian ni Den. Saming magkakaibigan ay lagi siyang seryoso lalo na pag ako ang pinag-uusapan, mas lalo na pag may ginawa akong kabulbulan. "Eh, hindi nga ko mahal ‘di ba." Pagdi-dipensa ko kahit na nakakainis dahil lagi niya kong pinapatigil na wag nang habulin si Gav at hayaan naman lamang ito. Na hindi ko naman magawa, as you can see. Ta-tanga tanga pa rin ako. Ganon talaga pagmahal mo magiging tanga ka. "Edi, wag mo ng habulin." Ngising sabi nito sa’kin na kinalakihan ng aking mga mata, heto nanaman po kami mga ser! Lagi lagi na lang. "Malabo ‘yan mangyare Den, baka mag-top one ka muna bago mangyare ang sinasabi mo." Pagsasabi ni Vessai na ngayon ay natatawa habang nakatingin kay Den na ngayon naman ay naka nguso lamang. "At malabo namang maging top one ‘yan si Den!" Tawang sabi ko saka kami nag-high five ni Vessai. Si Den ang pinaka tamad saming lahat syempre lalaki, ano pa nga ba aasahan mo. Kung sa iba ay ang tatalino ng mga lalaking gwapo. Pwes itong si Den ay hindi. "Kaya nga malabo ‘din na tigilan mo si Gav.." Sabay kaming nag-high five muli ng sabihin niya iyon. Kaya kami laging magkasundo dahil ito nga lagi niya akong sinusuportahan kay Gav, in bad time and good times. Kahit magmukhang tanga ay okay lang! "So ano naman ang pakulo mo bukas?" Tanong nito sa’kin at doon naman ako napaisip. "Ang bait ni Gav no!" Napatingin naman kami sa kabilang table na nag-uusap. Doon naningkit ang mga mata ko. Ayoko pa naman ng pinagkwekwentuhan siya ng kahit sinong babae dito. Agad akong tumayo upang puntahan ang babaeng chini-chismiss si Gav. "Wensy! Ano ka ba!" Sabi ni Den na pinipigilan ako para puntahan ang mga babaeng nagkwekwentuhan sa tabi namin. "Pinagkwewkwentuhan nila ang boy friend ko! " Matigas na sabi ko kay Den na ngayon ay parang mabubulanan dahil sa sinabi ko. Nagkanda-ugaga naman si Vessai na bigyan ito ng juice at hinagod hagod ang likod nito. “Boy friend mo siya pero hindi niya alam.." Napalunok ako ng isipin ko ang sinabi niya ngunit nakatayo na ako. Napapikit pikit ako ng na-realize ko ang sinabi niya, wala akong panama doon. "Ano? Ganon nga! " Maarteng sabi ko at saka pinuntahan ang nasa kabilang mesa. Halos sinadya kong marinig nila ang tunog ng heels ko upang sa’kin mapunta ang atensiyon nila. At hindi nga ako nabigo dahil ngayon ay nakatingin na sila sa’kin na may kasamang panlalaki ng mga mata. Unti-unti nilang iniyuko ang mga ulo nila na parang bang nahihiya silang makita ko sila. Alam nila kung sino ako at higit sa lahat ay ayoko ng pinag-uusapan ang mahal ko. Oo, mababaw ang dahilan ko pero ganto ang ugali ko. Kaya kung ayaw mo sa’kin ay mas ayaw ko sa ’yo at sa mama mo . Tama yan mga bitches. Kelangan niyong magbigay galang sa mga reynang katulad ko. "W-wensy, Ano.." Hindi na nito na ituloy ang sasabihin nito ng umupo ako sa tabi ng isang babae. Ngayon ay katapat ko na ang babaeng naglalahad ng kwento tungkol kay Gav kanina. "Now.. Spill the tea," Saad ko at saka dumekwatro ng upo, isinandal ko ang likod ko sa upuan at saka nag cross-arm habang ang mga tingin ko ay nasa kanya. "Ano po kas- " Napayukong sabi nito sa’kin . "Spill it .." Pataray na sabi ko, kita kong napalunok ito. "N-nakita ko po kase nung isang araw na may namamalimos kay Gav tapos po isinama niy-" Hindi natuloy ang kwenekwento nito ng dahil sa kabang nakikita ko sa kaniya. Ganoon ba ko talaga kasama? "Isinama niya sa? What?" Napaayos ako ng upo at sinabi iyon sa kanya ng pairita, hindi pa ako galit. "I-isinama niya po sa cafe po para pakainin po siya ‘don." Halos parang maiiyak na siya habang nagkwe-kwento. Hindi niya ba ko kilala? "Freshman?" Tanong ko at saka tinignan ang dalawang katabi kong babae na ngayon ay nakatingin sa’kin na para bang may takot ‘din. Nakita kong tumungo ang mga ito kaya naman napapikit ako at huminga ng malalim. "Okay. I'm Wensy, Gavin's girl friend.." Ngiting sabi ko sakanila halos parang nag-ningning ang mata ng dalawang katabi ko ng magpakilala ako. "Ang ganda niyo po ate Wensy.." Pagsasabi nito sa’kin, nag-fefeeling close na ba sila? "I know.." Iritang ngiti kong sabi at saka umalis sa kinauupuan ko. "By the way, thanks for the tea. Bye!" Taas kamay kong banggit at saka bumalik sa kinauupuan ko. "Ano ‘daw sabi? " Tanong ni Vessai sa’kin habang si Den naman ay nagmamadaling kumain dahil ilang minuto na lang ay magre-resume na ang class. "May alam na akong gagawin bukas at sigurado akong papansinin niya na ‘ko.." Proud kong sabi kay Vessai na ngayon ay parang hindi nagugustuhan ang nasa isip ko. Mapapansin niya talaga ako at wala siyang magagawa kundi ang pansinin ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD