CHAPTER 8 BUMABA ako agad ng umayos-ayos ang aking pakiramdam na tila hindi ko manlang maramdaman ang aking kalakasan at kaartihan dahil sa naiisip ko. Talaga bang siya ang nagbuhat sa’kin at naghatid sa bahay namin? Baka naman si Gav? Jusko Wensy! Hindi mo pa rin ba talaga matanggap na walang paki-alam sa iyo ang taong iyon? Kahit masagasaan ata ako ay hindi niya ako tutulungan kaloka. “Mi,” agad kong bati kay mommy nang makababa ako mula sa aking kwarto. Habang si mommy naman ay nagpupunas ng mga plato sa mesa. “Maayos na po ang pakiramdam ko.” saka ako ngumiti ng matipid sa kaniya. Agad nagtaas ang kilay nito at madaling ibinaba ang kaniyang pamunas at mabilis na lumapit sa’kin at niyakap. “My baby. ‘Wag ka nang iinom ng ganoon kung hindi mo rin naman pala kaya, huh?” agad naman

