CHAPTER 9 KINABUKASAN ay maaga akong nagising ngunit hindi pa rin maalis sa ulo ko ang Shone na iyon. Oo, may galit ako sakaniya ngunit tuwing na-iisip ko na siya ang naghatid sa’kin ay parang nagkaroon pa ako ng utang na loob. Bukod pa doon ay isa lamang akong nang gate crash sa birthday party niya at sinukahan ko pa ang likod niya. Hindi ko alam kung paano ba ako papasok nito mamaya kung makikita ko siya. Paano ako magtatago nito? Hindi ko ba siya papansin? Mag-so sorry ba ako? May konsensiya naman akong tao pero syempre! Iniisip ko ang ganda ko! Bakit ako manghihingi ng sorry kung siya naman itong nagpumilit na I-uwi ako! Pwedeng-pwede naman ako ihatid ni Den. Naka-iga pa rin ako sa kama dahil maaga akong nagising habang inaantay na tumunog ang alarm clock ko bago ako tumayo. Nakat

