CHAPTER 10 HINDI maayos ang aking pakiramdam ng isipin ko kung ano ba ang dapat kong gawin? Dahil sa mga sinabi niya ay tila nalungkot ako. Paano ko gagawing maganda ang itsura ko kung magandang-magada ako? “Ewan ko sa ‘yo!” tila asar na sambit ni Sai sa’kin na parang nagagalit na na hindi maintindihan. Mariin akong tumingin sa kanya at hinaba ang nguso na tila mukhang nalulungkot ng sobra. “Ayaw niya sa magandang-maganda, Sai!” nasapo niya ang kanyang ulo. Alam ko namang nakakasira talaga ng ulo yon. Yung tipong ewan bahala na siya dyan! “Ang importante ay hindi ko pa rin naman siya titigilan!” natatawa naman akong sabihin ko iyon sakaniya. “Nasisiraan ka na talaga ng ulo d’yan kay Gav..” agad dumating ang teacher na inaantay namin. Kahit mukha pa rin akong sira at naka jacket dahil

