14. -- Nagmulat ako ng mga mata at nakitang mahimbing pang natutulog si Luhan sa tabi ko, habang nakadantay ang braso at isang binti niya sa akin. Marahan ko 'yong inalis at agad na bumangon upang ipaghanda siya ng almusal. Alas-nuwebe ang pasok niya at alas-tres mamayang hapon naman ang out niya. Patapos na ako sa ginagawa kong omellete nang napatalon ako sa gulat. Niyakap ako ni Luhan mula sa likod sabay halik sa akin sa pisngi ko. "Luhan, ba't ka ba nanggugulat?" suway ko sa kanya, naggagalit-galitan kahit na hindi naman halata sa boses ko 'yon bagkus ay tunog nanlalandi pa nga ako. "Good morning," wika niya na malaki ang ngiti. "Sige na, maupo ka na roon." Turo ko sa lamesa. Sinunod naman niya ako at agad siyang tumalima papunta sa lamesa. Habang kumakain ay hindi maialis ni L

