13. -- Kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ang paghawak ko sa ulo kong tinamaan. May tela nang nakabalot roon. Medyo masakit pa rin naman iyon pero hindi na tulad no'ng huli na halos ikamatay ko 'yong sakit. "Mukhang hindi naman masyadong malakas 'yong pagkakahampas kasi bukol lang naman ang nakuha niya, but we still need to run some tests to make sure na okay lang siya at walang naging damage sa ulo niya." "Salamat, doc." Naglipat ako ng tingin sa pintuan, kung saan ko narinig ang boses no'ng mga nagsasalita. "Luhan..." pagtawag ko sa kanya matapos ko siyang makita. "Cresh..." Nagmadali siya sa paglapit sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko. "Kumusta ng pakiramdam mo? I'm sorry, I'm sorry," sunod-sunod na sabi niya habang pinapaulanan ng halik ang kamay ko. "Kumikirot pa," mahi

