3.
--
"Ayos lang ba talaga kayo?"
Ngumiti ako sa lalaking nagpakilalang Samuel, siya iyong may dilaw na buhok na nakakita sa amin sa CR kanina.
"Kung hindi kami lumabas, baka nadale talaga kayo ng mga 'yon," bulalas rin ng isa pa nilang kasama, na nagpakilala ring Kalik.
"Maraming salamat talaga," saad ko saka muling ngumiti sa kanilang tatlo.
Nang mag abot ang mga mata namin no'ng lalaking naghabol sa akin no'ng isang buwan na Luhan pala ang pangalan, ay tumitig lamang ito sa akin.
"Salamat, ako nga pala si Cresha."
Ngumiti siya sa akin, kaya lumitaw ang malalalim na dimple niya sa magkabilang pisngi.
"So, saan na tayo ngayon?" Napalingon ako kay Kreamy nang marinig ang parang naiipit na boses nito. Nangunot ang noo ko, matapos makitang nagpapakyut ito kay Samuel.
"Uuwi," tugon ko sa tanong niya nang hindi inaalis ang paningin sa kanya.
"Ha?" nauutal at lutang na sagot niya sa akin. Ni hindi man lang ako magawang lingunin.
"Ang sabi ko uuwi na tayo."
Lumapit ako kay Betty na nakaupo sa gilid ng kalsada at nagpapalipat-lipat ang paningin sa amin.
"Tayo ka na Betty, uuwi na tayo," sabi ko.
"Bakit? hindi na ba tayo iinom? Gusto ko pang uminom, inom pa tayo!"
Namumungay na ang kanyang mga mata pero nagagawa pa niyang mag-ayang uminom. Ibang klase!
"Mukhang lasing na lasing kasama niyo ah, gusto niyong sumama sa amin?" singit ni Kalik.
"Saan?" agad namang tugon ni Kreamy.
"Hindi na, baka madale pa kami sa inyo," saad ko na agad pinagtawanan ng tatlong lalake. Anong nakakatawa doon?
"Hindi namin kayo type no!" natatawa pa ring sagot sa akin no'ng Lucas.
Napahawak naman agad ako sa magkabilang bewang ko. "Aba! Kung hindi mo ako type, bakit hinabol-habol mo ako noong nakaraang buwan? Maypa luhod-luhod ka pang nalalaman, makuha lang ang number ko. Sus!" mahabang litanya ko.
"Omo!" napalingon akong muli kay Kreamy, nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin kay Luhan.
"I-ikaw?" aniya na nakaturo pa kay Luhan, bago inilipat ang paningin sa akin. "S-siya ba 'yong sinasabi mong lalakeng naghabol sa iyo no'n sa mall?"
"Mm..." Tinanguan ko siya.
"Hoy, hindi kita gusto no!" agad na depensa naman ni Luhan.
Napuno ulit ng tawanan ang tahimik na kalsada kung saan naroroon kami, tawanang nagmula sa dalawang lalakeng kasama ni Luhan.
"Pag usapan natin ang bagay na 'yan. Mukhang may umaasa e, tara! Sama kayo sa amin, para mahimasmasan din 'yang magandang kaibigan niyo," sabi ni Kalik bago lumapit kay Betty at tinulungan itong tumayo.
Nagsimula na ring maglakad sina Kreamy na nakaakbay na ngayon kay Samuel. Speed!
Nakaalalay rin si Kalik kay Bettina.
"Tara na."
Nilingon ko si Luhan na ngayo'y katabi ko habang nakatingin sa mga kaibigan namin. Imbis na sagutin siya ay nagsimula na akong maglakad para makahabol kina Kreamy.
"Hey, galit ka ba sa akin kasi hindi kita tinext?" habol niya sa akin.
Natawa ako. "Bakit mo naman naiisip na galit ako?"
Nahinto siya sa paglalakad, kaya gano'n din ako.
"I just thought," halos ibulong niyang tugon.
Sumakay kami sa isang kulay grey na mini-van na ang sabi nila'y pagmamay-ari raw ni Luhan, siya rin ang nag drive at katabi niya ako sa passenger seat. Si Kreamy naman ang katabi ni Samuel, habang magkatabi naman sa pinakalikod si Betty at Kalik.
Dinala kami ni Luhan sa isang beach, na agad kong ipinagtaka. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko nang makababa.
"Dito ba tayo mag iinuman?" Nahugot ko ang sariling hininga nang marinig ang lasing na boses ni Betty. Nakakaadik ba ang alak? Puro siya inuman e.
Gumawa ng bonfire ang mga lalake, nakasandal lamang ako sa gilid ng Van, katabi ko si Betty, habang si Kreamy naman ay parang asong sunod nang sunod kay Samuel na namumulot ng mga kahoy. Nababaliw na yata.
"Hali na kayo!" tawag sa amin ni Kalik.
"Mukhang pinaghandaan niyo ah!" saad ko matapos makitang may mga chichirya sila na nakalatag sa isang picnic mat, at ang dami no'n.
"Plano talaga namin 'to. Actually, papunta na kami dito nang makita namin kayo do'n sa labas ng bar." tugon ni Samuel sa akin.
Naupo ako si picnic mat, sa gitna ni Kreamy at Betty.
"Birthday din kasi ni Luhan, dito namin ice-celebrate," dagdag pa ni Kalik.
"Uy! Happy birthday pala, 'di mo naman agad sinabi," agad na bati ni Kreamy na nginitian lang din naman ni Luhan.
Muli na namang lumitaw ang dalawang dimple niya. Kapansin-pansin talaga ang kagwapuhan niya. Hay naku! Napailing-iling ako matapos mapansin ang sarili na nakatitig na pala ako kay Luhan.
Nakipag kwentuhan silang tatlo sa amin. At doon namin nalamang nasa iisang paaralan lamang pala kami. Napatanong tuloy ako sa sarili kung masyado ba kaming nag fo-focus sa pag-aaral at halos 'di namin kilala ang ibang estudyanteng nag-aaral sa school namin. Kung sabagay, magkaiba kami ng kurso.
Nakangiti kong pinagmamasdan si Betty, Kreamy at ang dalawang kaibigan ni Luhan na ngayo'y masayang naghahabulan sa baybayin, kahit magha-hating gabi na ay hindi nila alintana ang lamig ng tubig at ng hangin. Kanina lang ay lasing na lasing si Betty. Mas lalo pa yata siyang nalasing ngayon, kahit na wala naman na kaming ininom na alak. Si Betty ang ginawa nilang taya, kasi nahihirapan itong tumakbo. Tawang-tawa ako sa tuwing nadadapa si Betty, na agad namang sinasakloloan ni Kalik.
"Ayaw mong makisali?" Napalingon ako sa gilid ko nang tumabi sa akin si Luhan.
"Hindi ako interesado, hindi na ako bata, para maglaro." seryosong tugon ko bago ibinalik ang paningin kina Betty.
Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa. "Bata lang ba ang pwedeng maglaro ng habulan?"
"Ahh...oo nga pala, hindi lang bata ang maaaring maghabol." makahulugan kong tugon. Naalala ko kasi ang nangyari no'ng nakaraang buwan.
"Oo nga, pati tayo pwedeng maglaro ng habulan," sagot niya.
"Oo nga," pag-uulit ko sa sinabi niya. "Kaya nga hinabol-habol mo ko no'n sa mall, 'di ba?" natatawa kong sabi, tinutukso siya.
"Aba! Dare lang 'yon no!"
Mabilis na lumipat ang nanlalaking mga mata ko sa kanya. What the hell?
"Anong sinasabi mo?"
"Ang sabi ko, dare lang 'yon. Dare nila sa akin 'yon," sabay turo niya sa mga kaibigan niya. "Kaya ginawa ko ang lahat, makuha lang ang number mo."
"So ibig sabihin, hindi mo talaga ako gusto?"
Nalukot ang mukha ko nang bumunghalit siya ng tawa. Nakakainis, ibig sabihin nag assume lang ako na gusto niya ako kaya niya kinuha ang number ko.
"Iniisip mo talagang may gusto ako sa 'yo?" hindi makapaniwalang sagot niya. "May kagusto-gusto ba sa 'yo? E, ang payat mo nga, kumakain ka ba?" dagdag niya.
"Hindi ako payat no! Sakto lang 'tong hubog ng katawan ko para matawag na sexy."
Napatitig siya sa akin. "Tayo ka nga, 'yan ba ang sexy sa 'yo? Flat chested ka nga e."
What the! Pati dibdib ko, pakikialaman niya? Napatitig ako sa mukha niya na ngayo'y parang wala ng bukas kung makatawa. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya.
Pero in fairness, ang gwapo niya kung tumawa, ang cute talaga ng malalalim na dimple niya. 'Pag ako nahulog diyan, panigurado hindi na ako makakaahon.
Napapikit ako. Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko?
"Hoy! Ang seryoso niyo namang dalawa diyan. Hali kayo rito!" Napukaw ang atensyon ko sa sigaw ni Kalik. Nakatingin na silang apat sa amin ngayon, at hinihintay ang pagtugon namin ni Luhan.
Napatingin naman ako kay Luhan nang tumayo ito at naglakad papunta sa harapan ko saka niya iniabot ang isang kamay niya.
Napakunot ang noo ko.
"Tara? Sumali tayo sa kanila."
Nakatingin lamang ako sa palad niya, ilang sandali lang ay nagkusa na siyang kunin ang kamay kong nakapatong sa kandungan ko saka niya ako hinila ng dahan-dahan upang makatayo.
"Baka iniisip mo na naman na gusto kita, pinapaalala ko lang...hindi."
Bahagya akong natawa. "Loko ka talaga!"
"Ayokong mag assume ka," dagdag niya na mas lalong ikinatawa ko.
Naging masaya ang gabing iyon para sa akin, 'yong sayang hindi ko maipaliwanag. Sa sobrang saya at pag i-enjoy namin ay hindi na namin namalayan ang oras. Alas tres na ng umaga nang mapansin namin iyon. Tulog na rin ang lahat, maliban sa aming dalawa ni Luhan. Kaya, kahit unang madadaanan ang bahay namin ay mas inuna naming ihatid si Betty at Kreamy.
"Salamat," sabi ko sa kanya nang makarating sa bahay.
"Your welcome," tugon niya.
Nakatingin pa ako sa kanya. Ang totoo, nakatingin pa kami sa isa't-isa. Kahit ang igalaw ang mga kamay ko para alisin ang seatbelt ay hindi ko magawa.
"S-salamat," pag uulit ko sa naunang sinabi. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Feeling ko, ayaw ko pang umuwi, first time 'to.
Ngumiti siya sa akin, at lumitaw na namang muli ang mga dimple niya.
"Bababa na ako." saad ko, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
"Mm..."
Tumango ako saka binuksan ang pintuan at lumabas ng van.
"Pasok na ako, salamat ulit."
Hindi ko na hinintay ang tugon niya at agaran na akong tumalikod. Hindi ko gusto ang pinapahiwatig ng mga galaw ko, hindi pa ako sigurado pero pakiwari ko'y may nararamdaman ako para sa kanya.
"Ah, Cresh!"
Mabilis pa sa pag takbo ng kuneho ang pag lingon ko sa kanya nang tawagin niya ako.
"Yes?" Parang naipit ang boses ko. Jusko! Bakit nagpapacute ako sa kanya?
"May boyfriend ka na?" tanong niya na nakapagpangiti sa akin.
Hindi pa man ako nakakasagot ay inunahan na niya ako.
"Nevermind," aniya saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Sabi ko na nga ba, gusto mo ako e. Hindi totoo 'yong dare Luhan. Mema mo lang 'yon!
--
Spectacular Journey
@Emoticonslover