2.
--
"Nakakainis! Bwiset na bwiset talaga ako sa kanya. Alam mo yo'n? Lahat ng nakarinig ay sumigaw at kinilig, sinasabing kausapin ko raw 'yong tao dahil pananagutan din naman daw ako," gigil na gigil kong pagke-kwento kay Kreamy, nagawa ko pang ikuyom ang mga kamao dulot ng inis.
Natatawa niyang pinanood at pinakinggan ang mahabang litanya ko.
"Alam mo, dude. Pakiramdam ko, ang lakas talaga ng tama sa 'yo ng lalaking 'yon. At ikaw na mismo ang may sabing gwapo siya, kaya go girl! Pikutin mo na."
Umangat ang gilid ng labi ko't napasandal ako sa upuan. Seriously? Gwapo nga siya, baliw naman.
"Baliw ka na ba? Duuh! Hindi ibig sabihin na gwapo siya, ay pasado na siya. Mataas ang standard ko no."
"So, anong end?" hindi naman halatang excited na tanong niya.
Napabuga ako ng hangin saka nag angat ng tingin sa kanya habang inaalala ang mga nangyari kanina.
"Tumayo ka nga d'yan. Nakakahiya ka!"
Nagmadali akong lumapit sa kanya, saka siya hinila patayo.
"Aray, baby, dahan-dahan naman," reklamo pa niya.
Hindi ko siya sinagot at basta na lamang hinila sa kung saan. Sa lugar kung saan, wala masyadong tao.
"Alam mo, ikaw! Nakakagigil ka e," bulyaw ko sa kanya saka kinuha ang cellphone na kanina pa niya hawak. Tinipa ko ang numero ko doon saka ko iniabot sa kanya.
"Oh!"
Napa smirk siya. "Ibibigay rin naman pala."
"Tss..."
Tinalikuran ko na siya't aalis na dapat nang hawakan niya na naman ako sa siko.
"Wait wait! We're not done yet," aniya.
"Number mo ba talaga 'to? Anong pangalan mo?"
Lumaylay ang balikat ko't napabuga ng hangin. "Cresha, at totoong number ko 'yan."
"Cresha?" tanong niya pa, nangungunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"Yeah."
"May kapangalan ka."
"Wala akong pake."
"Kapangalan mo 'yong...future wife ko," aniya saka bumungisngis nang makita ang pag irap ko.
Nagtipa siya sandali sa cellphone niya. Ilang sandali lang ay nag vibrate na ang cellphone ko.
"Sayo 'to?" tanong ko sa kanya matapos ipakita ang cellphone ko kung saan may naka rehistrong unknown number.
Nang tumango siya'y tinalikuran ko na siya't nagsimula nang maglakad palayo.
"Naibigay ko ang number ko," nanlulumo kong saad.
"Ayon!"
"Gosh! Ayaw ko man, wala na akong choice. Nakakahiya kaya 'yong eksena namin kanina, ayaw ko nang patagalin pa ang kahihiyang dulot niya kaya ibinigay ko na."
Mahinang tawa lang ang itinugon niya sa akin.
Sinalubong agad ako ng pang-gabing hangin nang makababa ako sa taxi na naging dahilan ng pagkasira ng buhok kong halos isang oras kong inayos.
"Bakit kasi ayaw mong i-ponytail?" tanong sa akin ni Kreamy nang makitang panay ang ayos ko sa buhok ko. Nakatayo ito at ang mga kamay ay nasa loob ng magkabilang side pocket ng suot niyang maiksing palda, habang kumakain ng bubble gum.
"Dude, mahal ang rebond!" tugon ko na nagpangisi sa kanya.
"Let's go guys?"
Sabay kaming napalingon ni Kreamy sa kararating lang na isa pang kaibigan namin.
"Ang tagal mo, dude," reklamo ni Kreamy kay Bettina saka ito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha nito saka siya ngumisi.
"Ang ganda mo talaga no?"
Ngumiti lang si Bettina sa kanya, saka nito iniayos ang pagkakalagay sa eyeglass na suot.
"Ikaw, Cresh? Nag text na ba sa 'yo?"
Napapikit ako't marahang bumuga ng hangin bago muling nagdilat ng mata. Naririndi na ako sa paulit-ulit na tanong ni Kreamy sa akin.
Inilingan ko siya na dahilan ng pang nguso niya. "Mag iisang buwan na ah! Akala ko pa naman, magkakajowa ka na ngayong taon," paghihimutok niya pa.
"Tss, tara na nga!"
Inakbayan ko silang pareho saka kami sabay na pumasok sa isang sikat na bar, dito sa Cebu.
Halos mabingi ako sa malakas na hiyawan at ng musika nang makapasok kami sa loob, nakaliliyo rin ang kislap ng disco lights. Nahirapan pa kaming makadaan, dahil sa siksikan ang mga taong nagsasayaw sa dance floor.
"Hooh! Ang ganda dito," nakatingin sa paligid, namamanghang saad ni Bettina nang makaupo kami sa isang couch. Nasa second floor kami, kung saan makikita pa rin namin ang mga taong nagsasayawan sa dance floor.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kreamy saka sabay na natawa. First time kasi ni Bettina dito. Masyadong strict ang parents niya para pasamahin sa mga ganitong lakad naming magkakaibigan, hanggang mall lang kasi siya noon, at ngayong tumuntong na siya ng dise-otse ay pinayagan na siya, basta 'wag lang lalampas sa limits.
"Sayaw tayo?" pag aaya ko sa kanilang dalawa.
"Mamaya na, nag order ako ng drinks e," Agad na nagliwanag ang mukha ko. Ibig sabihin lang no'n, libre na naman ni Kreamy ang drinks ngayong gabi.
Makalipas ng ilang oras na tawanan at inuman ay, nahihilo akong tumayo. Nakakainis na sa kalagitnaan ng pagsasaya naming tatlo ay umepal itong pantog ko.
"Comfort room lang," pagpapaalam ko sa kanilang dalawa.
"Sige, mauna na rin kami sa dance floor," tugon ni Kreamy.
Tumango lamang ako saka naglakad na papuntang banyo.
Punuan ang palikurang pambabae. Nang lingunin ko ang panlalake ay bakante ito, kaya nagdiretso ako doon, hawak-hawak pa ang pantog ko, pinipigilan itong sumabog.
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay nakawiwi na rin. Mabuti na lamang talaga at kahit papaano ay may dalawang cubicle dito.
Kasalukuyan akong nagsusuot ng pantalon nang makarinig ako ng boses ng mga nagtatawanang lalaki. Minadali ko ang pagsusuot, saka ko lang na-realize na hindi ko pala iyon nagawang i-lock kanina, nang bigla na lamang itong bumukas.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin ng lalaking naghabol sa akin noong isang buwan.
"Ikaw?" bulalas ko.
Nangunot ang kanyang noo at agad na tinakpan ang bibig ko saka nagmamadaling pumasok sa loob ng cubicle at ini-lock ito.
Heck! Anong ginagawa niya?
"Bakit dito ka nagbabanyo?" mahinang bulyaw niya sa akin.
"Punuan ang sa pambabae e," mahina ring tugon ko.
Napailing siya't pinaharap ako sa pintuan.
"Huwag kang lilingon, iihi ako."
"What?" Hindi ko siya sinunod at lumingon pa rin sa gawi niya, at agad na napaharap muli sa pintuan matapos makitang naghuhubad siya ng sinturon. "Ang bastos mo!"
Pakiramdam ko'y namumula ngayon ang mukha ko. Ang bastos niya talaga! Kita namang magkasama kami dito, at talagang nagawa niya pang umihi.
"Luhan, mauna na kami sa iyo!" Rinig kong sigaw ng isang lalake mula sa labas.
Tahimik pa rin ang lalaking kasama ko. Hindi pa ba siya tapos? Grabeng ihi naman 'yan.
"Ang tagal mo naman!"
"Tell me..." natuod ako sa kinatatayuan nang maramdaman ang hininga niya sa kaliwang tenga ko saka ako napalunok ng isang beses. "May hinihintay kang lalaki dito no?"
Sa lapit niya sa akin ay amoy na amoy ko mula sa bibig niya ang beer. Sa boses niya pa lang, ay nasisiguro kong marami-rami na ang nainom niya.
"Wala akong hinihintay, umihi lang talaga ako."
Hindi ko siya magawang lingunin, dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko ay konting galaw ko lang, mag aabot na ang mga labi namin.
Nahugot ko ang hininga nang maramdaman ang dalawang palad niya sa bewang ko. Pakshit! May hatid iyong kilabot na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.
"Ang bango mo," mahinang anas niya.
Napahawak ako sa door knob, isang pihit ko lang ay agad na iyong bumukas.
Sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dalawang lalaking nakatayo at nanlalaki rin ang mga matang nakatingin sa amin.
"Bro, what are you doing?" tanong ng lalaking may kulay dilaw na buhok.
Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak ng lalaki sa bewang ko saka ako nagmamadaling lumabas ng comfort room.
Bumalik ako sa couch namin, saka ko tinungga ang isang basong beer na naroon. Hindi mawala sa isip ko ang pakiramdam ng palad niya na nakadikit sa bewang ko, at nakakapang init iyon.
"Ayos ka lang?"
Agad na nakuha ni Kreamy ang atensyon ko nang tumabi ito sa akin, kunot-noo ko siyang tinitigan nang makita ang bakas ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Bakit? Mukha ka yatang masaya?" natatawang tanong ko sa kanya.
"May nakilala akong hot papa sa dance floor!"
Natawa ako matapos makitang kinikilig siya. Minsan ko lang makitang ganito kasaya si Kreamy. At masayang-masaya ako para sa kanya. Mukhang bumabalik na ang dating siya matapos ang hiwalayang naganap sa kanila ng ex-boyfriend niya. Hindi ko malilimutang minsan na siyang nagtangkang kunin ang sariling buhay dulot ng sakit na nararamdaman.
"Oh tapos? Nasa'n si Betty?"
Natigil siya sa pag ngiti at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.
"Nasaan ba?" pagbabalik tanong niya.
"Putchaks naman, dude!" naibulalas ko na lamang, saka nagmamadaling tumayo at pumuntang dance floor.
Lasing pa naman ang kaibigan naming 'yon at first timer 'yon.
"Iyon bang naka eyeglasses, medyo mataba at maiksi ang buhok?" sagot sa amin ng isang waiter na napagtanungan namin.
"Pero maganda, mapula 'yong lipstick na gamit niya."
Umasim ang mukha kong nakatingin kay Kreamy. Fan na fan talaga siya ng kagandahang taglay ni Bettina.
"Oo, 'yon nga siguro 'yong kalalabas lang na may kasamang dalawang lalaki."
"Ano?" naibulalas ko naming pareho.
Agad kaming napatakbo ni Kreamy palabas ng bar. Muli, ay pahirapan kami sa paglabas dahil nga siksikan ang mga tao.
"Betty!" sabay na sigaw namin ni Kreamy nang makitang pasakay na ito ng isang itim na kotse. May isang lalaking nakaakbay sa kanya, umaalalay sa pagewang-gewang niyang paglalakad.
Lumingon silang pareho sa gawi namin, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang tila nakakalokong ngisi na ipinakita ng lalaking nakaakbay kay Bettina.
"Cool. May kasama pala, let's go girls," nakangising pag aaya sa amin ng lalaki.
"Hi mga dude," lasing na bati sa amin ni Betty. Papikit-pikit na ang mga mata nito, at maging pagkaway ay hindi na halos magawa ng tama dulot ng nanlalambot niyang mga braso, masyado siyang lasing.
"Betty, halika na," saad ko saka hinila si Betty mula sa lalaki.
"Mga pre, may mga nakikialam," sigaw ng lalaki.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang mula sa kotse ay may tatlo pang lalaking bigla na lamang lumabas.
What the f**k!
Pare-pareho itong nakangisi sa amin, habang pinapasadahan kami ng tingin mula ulo hanggang paa. Mga manyak!
Ilang sandali pa ay, hindi na kami magkamayaw sa pagsigaw habang pilit kami nitong ipinapasakay sa kotse nila. Natatakot ako at mas lalo pang natakot nang makitang naipasok nila si Betty nang ganoon lang kadali.
Nabitawan agad ako ng lalaki nang sipain ko ito sa bayag, napahawak siya rito pero hindi pa man ako nakakalayo at nakahihingi ng tulong ay nahawakan na ako nito sa buhok na nagpahiyaw sa akin. Pakiramdam ko, natanggal maging ang anit ko sa lakas ng pagkakahila niya.
"Gago ka ah!" bulyaw nito sa akin.
"Please," pagmamakaawa ko.
Humalakhak naman agad ito bilang pag tugon. "Matapos mo 'kong sipain, ngayon magmamakaawa ka?"
Napapikit ako sa sakit, nang buong pwersa niyang hilahin ang buhok ko, rinig ko pa ang mahihinang tunog ng pagkatanggal ng ilang hibla nito.
"Get your dirty hands off my girlfriend!"
Agad na lumuwang ang pagkakahawak sa akin ng lalaki, nang lingunin ko ang sumigaw ay talaga namang nanlaki ang mga mata ko.
Here comes my savior!
--
Spectacular Journey
@Emoticonslover