5.
—
Katatapos ko lang basahin ang mga mensahe ni Luhan nang may biglang pumasok na eroplanong papel sa kwarto ko, lumipad ito mula sa bintana.
Bahagyang nangunot ang noo ko't ipinagtaka iyon kaya dumungaw ako sa bintana. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko matapos makita si Luhan na ngayo'y nakatayo sa labas ng gate at nakangiti habang nakatanaw sa akin. Hindi masyadong malayo ang gate at bahay namin kaya siguro madali lang para sa kanya ang paliparin ang eroplanong papel papunta dito sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag ng bahay.
Muli ko pa siyang tinanaw bago ko ibinaling ang pansin sa eroplanong papel na ngayo'y nasa kamay ko na.
Pwede ba kitang yayaing lumabas?
Dinungaw ko siyang muli saka isinenyas ang isang kamay ko ng sandali lang. Ngumiti naman siya't tumango sa akin.
Mabilis akong nakapagbihis at nagpaalam kay mama na aalis lang saglit, saka ako nakangiting nilabas si Luhan.
"Bakit mo 'ko niyayayang lumabas?"
Ngumiti siya sa akin. "Hi."
"Uhm... hi," ngumiti rin ako.
"Tara?"
Nakangiti akong tumango sa kanya saka lumapit. Sumabay ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad.
"Bakit hindi mo na lang ako tinext? May pa-eroplanong papel ka pang nalalaman."
Nilingon niya ako. "Naiwan ko sa bahay ang cellphone ko, kamamadali. Itong bag ko lang ang dala ko," tugon niya na itinaas pa ng bahagya ang itim niyang backpack.
Ipinagtaka ko ang hindi niya pagdala sa mini van niya pero hindi ko na iyon nagawang itanong nang makita ko iyong naka-park sa kanto, medyo may kalayuan sa bahay namin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Bakit dito ka nag-park? Bakit hindi ka na lang dumiretso sa bahay namin?"
Inalalayan niya akong makapasok sa loob at hinayaan niyang bukas ang pinto saka siya yumuko. "Nabasa mo na ba 'yong tinext ko sa 'yo?"
Nahugot ko ang hininga. Napakagat ako sa labi ko. Hindi pa ako handang pag usapan ang bagay na 'yan, masyado niya akong binibigla.
"I guess... hindi pa," aniya na nagawa pang tumitig sa akin saglit bago umayos ng tayo, gumilid at sinarado ang pintuan ng passenger seat. Nang umikot siya papuntang driver seat ay doon ko lang siya nagawang tingnan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay na siya at binuhay ang makina ng mini-van niya.
Hindi niya ako sinagot. Habang nagda-drive siya at malayo-layo na sa amin, ay doon pa lamang niya ako nilingon.
"Ang totoo... hindi ko rin alam. Gusto lang talaga kitang makasama."
Bigla siyang ngumiti. Lumitaw na naman ang dimples niya. At mabilis na naman ang t***k ng puso ko, para bang may mga kabayong nagkakarera.
Napangiti ako at ibinaling ang paningin ko sa bintana.
"Joyride nalang?" aniya.
Muli akong lumingon sa kanya saka ngumiti.
Hindi namin nagawang mag usap habang nasa byahe. We ordered food na lang through drive thru. Ang akala ko'y magtutuloy ang byaheng iyon pero bigla ay huminto siya sa isang burol kung saan makikita ang nagga-gandahang ilaw sa baba na nagmumula sa mga buildings na nasa ibabang parte ng Cebu.
Napangiti ako matapos makita si Luhan na ngayo'y naglalapag ng picnic mat at ng mga pagkain. Akala ko'y hindi siya handa sa lakad na 'to, pero parang pinaghandaan naman niya.
"Ang ganda naman dito, Luhan!" saad ko nang maupo, tinatanaw ang kagandahan ng city lights.
Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Luhan. 'Ayun na naman ulit ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano.
"Uh... Luhan."
"Mm?" Hindi niya ako nilingon, nakatanaw lamang siya sa view.
"Tungkol do'n sa text mo..."
Doon lamang siya naglipat ng tingin sa akin, namimilog ang mga mata at nagpipigil ng ngiti.
"Nabasa mo?"
Ngumiti ako at bahagyang tumango.
"Anong sagot mo do'n?" bigla ay excited niyang tanong, malapad na ang ngiti.
Humarap ako sa kanya at tipid na ngumiti. "Hindi ba parang ang bilis naman nating nagustuhan ang isa't-isa—" tuloy-tuloy kong sabi sa kanya na hindi man lang nagawang pag-isipan muna ang mga sinasabi.
Tuloy ay mas lumawak ang pagkakangiti ni Luhan sa akin. "Gusto mo rin ako?"
"Uhh..." Hindi ko na alam kung anong susunod kong sasabihin. Tila umurong ang dila ko. Ayokong sagutin ang tanong niya gayong nasabi ko na ngang gusto ko siya, nahihiya ako. First time kong sumama sa isang lalaki, ngayon lang din ako nagkagusto, at ngayon lang din may nagtapat sa akin.
"Gusto mo rin ako, Cresh?" May kalakasan ang boses na tanong niya ulit.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Natawa ako nang bigla niya akong niyakap, damang-dama ko ang saya na nararamdaman ni Luhan.
"Pero... ligaw lang muna ah?"
Ramdam ko ang mabilis niyang pagtango. Isiniksik niya ang mukha niya sa pagitan ng pisngi at balikat ko.
Ligaw lang muna. Pero agad na akong sumuko nang hawakan ni Luhan ang magkabilang pisngi ko at walang pasubaling hinalikan niya ako.
"H-hindi ka marunong humalik," komento ko nang maghiwalay ang mga labi namin.
Hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa bibig ko.
"Kinakabahan ako..." halos ibulong niyang sabi.
Ramdam ko nga ang kaba niya. Sa kung paanong manginig ang labi niya habang dahan-dahan iyong nilalapat sa labi ko, ay halata ngang kabado siya.
"Kinakabahan ako na baka masampal mo ako pagkatapos kitang halikan."
He then chuckled. Natawa din ako.
"Nasampal ka ba?"
Umiling siya.
"Paulit-ulit kitang hahalikan hanggang sa magdesisyon kang sampalin ako."
Natigilan ako. Saka dahan-dahang umiling. "Hindi ko magagawa sa'yo 'yon."
"Bakit?"
"Ayokong masaktan ka."
Tanging liwanag lang ng buwan at ng mga bituin ang tanging ilaw naming dalawa, pero kita ko ang pamumula ng kanyang tenga.
"Pinapakilig mo ba ako?"
Ngumisi ako.
"Hindi ah! Bakit, kinilig ka?"
Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin, na pinagtawanan ko lang.
Nanatili kaming dalawa ni Luhan sa pwesto naming iyon. Nakayakap siya sa akin habang tinatanaw namin ang ganda ng Cebu.
"Uh, Luhan..."
"Hm?"
"Hindi ba parang masyado naman yata tayong dikit sa isa't-isa, e, nanliligaw ka pa lang naman 'di ba?"
Ramdam ko ang pag lingon niya sa akin.
"Ba't hindi mo na lang kaya ako sagutin? Gusto rin naman natin ang isa't-isa."
Napalingon ako sa kanya.
"Tsaka... doon din naman ang tuloy natin."
Nagpang-abot ang mga kilay ko. May point din naman siya.
"Sige, sagutin na kita."
"Sinasagot mo na ako? Tayo na?"
Nakangiti akong tumango. Niyakap niya ako. Sobrang saya ni Luhan.
"Let's break up."
Mabilis siyang humiwalay sa akin. "What?"
"Doon din naman ang tuloy natin."
Napahugot siya ng hangin. Ilang minuto kaming tahimik at nakatingin lang sa mga mata ng isa't-isa, saka kami sabay na natawa.
Nakangiti ako sa buong gabi na 'yon. Maging sa pagtulog ay si Luhan ang nasa panaginip ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising, masyado akong excited sa muli naming pagkikita ni Luhan.
"Ganda ng ngiti natin ah!" ani Kreamy nang magkasabay kami papasok sa gate ng school.
"Syempre, maganda panaginip ko, e."
"Ah! Napanaginipan mo 'ko."
"Eh?"
Pinagkunutan ko siya ng noo. Pino-proseso ko pa ang huling sinabi ni Kreamy nang bigla ay imbis na mukha ni Kreamy ang nakita ko ay naging isang pulang rosas ito.
"Good morning," bulong ni Luhan sa kanang tenga ko. Napangiti ako, kinikilig.
"Morning."
"Uyyy! Ano 'yan, ah?" tanong ni Kreamy ng may nanunuksong tinig.
"Nagliligawan na kayo?" singit din ni Samuel, nanunukso.
Nagkatinginan kami ni Luhan at ngumiti sa isa't-isa. Ganito pala ang pakiramdam ng in-love. Masyadong masaya sa pakiramdam.
"Mabuti pa kayo. Nasaan na ba si Bettina? Hindi na ako pinapansin no'n, e," reklamo ni Kalik na pinagtawanan lamang ng kanyang mga barkada.
"Masyado ka kasing speed, akalain mong kakakilala niyo pa lang, hinalikan mo na," ani Samuel.
"Bakit, kailan pa ako kikilos? Kapag naunahan na ako ng iba?"
"Tama na nga 'yan. Pumasok na tayo," saad ko sa kanila. Nakahinto kasi kami sa daan, at malaking sagabal kami sa ibang estudyanteng papasok.
"Nasaan ba si Bettina? Hindi pa ba siya papasok?" rinig kong tanong ni Kalik kay Kreamy.
"Hindi ko alam, hindi naman kami parehas na nakatira sa iisang bubong," sagot naman ni Kreamy.
"Bakit ba kasi ayaw mong ibigay ang number niya para mai-text ko?"
"Kumusta ang tulog mo?"
Napalingon ako sa kaliwang gilid ko nang biglang tumabi sa akin si Luhan.
"Mahimbing ang naging pag tulog ko, ikaw ang nasa panaginip ko, e," nakangiting tugon ko sa kanya.
Malawak ang naging pag ngiti ko nang makita ang pag nguso niya at ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Hindi tulad kagabi na buwan lang ang nagbibigay liwanag sa amin, ngayon ay maaraw kaya kitang-kita ko kung paanong mamula ang kanyang tenga.
"Kinikilig na naman po siya," mahinang saad ko.
Humagalpak ako ng tawa matapos akong lingunin ni Luhan nang nakakunot ang noo. Ang kyut niyang tingnan.
Sabay kaming naglakad papasok pero naghiwa-hiwalay pa rin pagdating sa dulo. Magkakaiba kasi kami ng kurso at building. At sa laki ng Unibersidad na pinapasukan namin ay malamang hapon o di kaya lunch break na naman ulit kami magkikita-kita.
"O, kanina ka pa?" tanong ko kay Betty nang maabutan namin ito sa classroom.
"Oo, ayokong makasabay 'yong Kalik na 'yon. Naiinis ako sa tuwing naaalala ko 'yong kiss namin."
Natawa ako.
"Ano ba kasing nangyari, bakit nag kiss kayo?" tanong ni Kreamy.
Ngumuso si Betty at tumingin sa labas. Nangunot ang noo niya at naglapat ang mga labi kaya nilingon rin namin ang labas na tinitingnan niya.
Nandoon si Kalik at nakangisi sa kanya.
"Hi Betty. Miss me?"
--
Spectacular Journey
@Emoticonslover