6.
--
"Hi Betty. miss me?" bitbit ang isang tangkay ng pulang rosas ay pumasok si Kalik sa classroom namin, at dire-diretsong naglakad papunta kay Betty.
"Anong ginagawa mo dito?" Bettina asked while her brows furrowed.
"Binibisita ka."
"Seryoso ka ba? Nasa paaralan tayo. Nandito ako para mag-aral hindi para makipaglandian sa 'yo."
"Grabe ka naman! Hindi naman ako nakikipaglandian sa 'yo. Gusto ko lang mag sorry do'n sa nangyari sa atin."
"May nangyari na sa inyo?" bigla ay singit ni Kreamy.
Halos magkasabay naman na naglipat ng tingin sa kanya sina Betty at Kalik.
"Wala!" halos magkasabay din na tugon no'ng dalawa.
"Iyong kiss ang tinutukoy ko," dagdag ni Kalik.
"Ahh..." tumatango-tangong ani Kreamy.
Marahas na napabuga ng hangin si Betty. "Sige na, Kalik. Okay na 'yon—I mean, hindi iyon okay pero sige na, napatawad na kita. Now, pwede ka ng lumabas. Marami pa akong gagawin at saka anytime darating na 'yong professor namin."
Mapait na ngumiti si Kalik kay Betty. Inilapag niya ang bulaklak na hawak sa table ni Betty saka sunod-sunod ang pagbuga ng hangin habang naglalakad palabas ng classroom namin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan sa classroom.
Naglipat ako ng tingin kay Betty nang marinig ko siyang magsalita.
"Lasing ako no'ng gabing 'yon, pero alam ko 'yong nangyayari. Ang kaso nga lang, nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko."
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Kreamy.
Napabuga naman ng hangin si Betty. "Hindi ba naghahabulan tayo no'n? Tapos bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa tiyan ko kaya ako lumayo sa inyo. Pero sinundan niya ako no'n."
"Tapos?" tanong ulit ni Kreamy. Tsimosang-tsismosa lang ang datingan.
"Tapos 'ayun na, hinalikan niya ako."
I was taken aback. Ganoon ka bilis?
"Iyon na 'yon?" hindi makapaniwalang usal ko.
"Mm..."
"Dude, may hindi ka sinasabi," pang aakusa ko.
Napayuko naman siya't agad na umiling. "Iyon talaga 'yong nangyari, sabi niya naalala niya raw sa akin 'yong ex-girlfriend niya, kaya hinalikan niya ako at saka mukhang lasing din siya no'n."
Tahimik naming pinagmasdan si Betty. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo.
May itatanong pa sana ako ang kaso'y bigla nang dumating ang professor namin sa subject na iyon kaya umayos na kami ng upo.
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Luhan.
Katatapos lang ng klase namin sa hapong iyon, at nagkayayaan kami na kakain, pero hanggang ngayo'y wala pa rin kaming napipiling lugar na pwedeng kainan at tambayan.
Napanguso ako, iniisip kung saan ba kami pwedeng tumambay, at magpatay ng oras.
"Gusto mo ng halik?"
Agad akong napalingon kay Luhan nang bigla niya akong tanungin.
"Ha?"
"Gusto mo ba ng halik?"
Nangunot ang noo ko. "Bakit ko naman gugustuhin ng halik?"
"Nakanguso ka kasi," aniya.
At gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla nga niya akong halikan.
"PDA kayo, guys," rinig kong sabi ni Betty.
"Inggit ka lang, e." ani Luhan.
Napahawak ako sa labi ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na hinalikan ako ni Luhan, pero gano'n pa rin ang epekto sa akin, iyon bang parang may nagliliparang kung ano sa loob ng tiyan ko na parang kinikiliti ako.
"Oh! Si Thalia!" bigla ay sigaw ni Kalik habang nakaturo sa kung saan.
Napalingon kaming lahat sa tinuturo niya.
"Sinong Thalia?" tanong ni Kreamy.
"Iyong kulot ang buhok, maputi saka maganda. Iyong pinagtitinginan ng lahat," sagot ni Kalik.
"Iyon ang first love ni Luhan," singit ni Samuel.
Naglipat ako ng tingin kay Luhan at nakatingin din siya doon sa Thalia. Nang maramdaman niya marahil ang tingin ko ay naglipat siya agad ng tingin sa akin.
"Sus. Mas maganda naman si Cresha diyan," rinig kong ani Betty.
Ngumiti ako kay Luhan, saka nauna nang maglakad paalis. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tila may tumutusok sa dibdib ko. Kanina lang ay kinikilig pa ako sa halik niya tapos ilang sandali lang nag iba na ang mood ko.
"Hey!" habol ni Luhan sa akin. Pero imbis na huminto at lingunin siya ay nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nasa daanan 'yong Thalia at ang mga kaibigan nito kaya no'ng mapadaan ang grupo namin sa kanila ay nagdire-diretso na ako sa paglabas ng gate nang school matapos kong marinig na tawagin nila si Luhan.
Napaismid ako matapos marinig ang bahagyang tili ng mga kasama no'ng Thalia.
"Cresh? Are you okay?" tanong ni Kreamy.
"Mukha ba akong hindi?" may pagdadabog sa boses na tugon ko.
Naiinis ako, sa totoo lang. Ako na 'yong nililigawan pero no'ng tawagin siya noong Thalia na 'yon, ay agad na huminto sa pagsunod sa akin. At talaga namang hinayaan niya lang akong maglakad paalis.
"Huwag mo na kasing tanungin," ani Betty.
Nang makakita nang bakanteng tricycle ay walang sabi-sabi akong sumakay. Hindi agad nakasunod sa akin sina Betty at Kreamy kaya naiwan sila sa labas ng gate ng school namin.
"Bakit ang aga mo? Akala ko ba gagala pa kayo ng mga kaibigan mo?" Napatayo agad si mama mula sa sofa upang salubungin ako. Nagmano ako sa kanya saka nagdiretso na sa kwarto ko.
Basta ko nalang itinapon sa kung saan ang school bag ko saka padabog na nahiga sa kama.
"Nakakainis!"
"Kung may feelings pa siya doon sa Thalia dapat hindi niya nalang ako niligawan. Paasa din kasi, e!"
Napahinto ako mula sa malalim na iniisip nang mag ingay ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko.
Tumatawag si Luhan.
"Tss. Manigas ka!"
Hinayaan kong mag ingay ang cellphone ko. Hindi ko talaga sinagot ang tawag ni Luhan hanggang sa makatulugan ko ito. Nagulat na lamang ako nang bigla akong magising sa isang sipa sa paa ko.
"Bwisit ka talaga, Elisha!"
"Bumangon ka na d'yan. May bisita ka sa baba, kanina pa 'yon ini-interview ni papa."
Napabangon ako.
"Sino?"
Nagkibit-balikat si Elisha at iniwan akong nagtatanong kung sino ang bumisita sa akin.
Wala naman akong sakit para bisitahin. Tsh!
Nagawa ko pang magtungo sa banyo, at maligo, nagtagal sa pamimili ng damit maging sa pag b-blower ng buhok, hindi iniisip ang bisitang sinasabi ni Elisha na naghihintay sa akin. Malamang ay isa lang 'yon sa mga kaibigan ko.
Pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko matapos maabutan si Luhan sa sala na kausap ni papa. Siya pala ang bisitang sinasabi ni Elisha.
"Bakit mo naman nagustuhan ang anak ko?"
"Po? Hindi ko po alam."
"Anong hindi mo alam?"
"Hindi ko po alam kung gusto ko pa po ba siya—"
"E, bakit andito ka pa at aakyat ng ligaw? E, wala ka naman palang gusto."
"Mahal ko na po yata kasi."
Hindi agad nakasagot si papa sa kanya. Rinig ko naman ang hagikhikan ni mama at Elisha na nasa pintuan ng kusina, nakasilip ang mga ulo nila at nakikinig sa usapan nina papa at Luhan.
Naibalik ko ang paningin kina Luhan nang marinig ko ang pagtikhim ni papa.
"Anong kurso mo?"
"Po? Sa ngayon, nag-aaral po ako ng engineering..."
Tumango-tango si papa.
"Pero nagbabalak po akong mag-aral ng ibang bagay."
"Ano naman 'yon? Ayaw mo na ba sa kurso mo?"
"Hindi naman po. Parang gusto ko na po kasing mag aral kung paano mapasagot si Cresha."
Muli ay hindi nakasagot si papa at rinig ko ulit ang hagikhikan nina mama at Elisha.
"Niloloko mo ba ako, hijo?"
Agad na umiling si Luhan. "Hindi po. Hindi ko nga magawang lokohin si Cresha, kayo na ba na magiging tatay ko na?"
"Aba! At sinong may sabing magiging anak kita?"
"Hindi po anak, manugang po. Manugang!"
Nanlaki ang mga mata ni papa. Pero ang Luhan, ngumiti pa ng pagkalaki-laki, hindi natatakot na baka mabigwasan siya ni papa.
"Saka ka na manligaw kapag nakapagtapos na kayo ng pag-aaral."
"Po?"
"Pa!" tawag ko kay papa. Sumisingit sa usapan nila.
"Kanina ka pa d'yan, anak?"
Bumuga ako ng hangin saka lumapit sa kanila.
"Mag-uusap lang po kami ni Luhan sa labas, papa."
"Bakit kailangang sa labas? Pwede namang dito sa bahay, anak."
"May pag uusapan po kasi kaming hindi niyo po maaaring marinig—"
"Aba!"
"Tara na, Luhan!"
Agad namang tumango si Luhan kay Papa. "Excuse us po."
Wala ng nagawa si papa nang maglakad na kami ni Luhan palabas ng bahay. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog kaya nagulat talaga ako nang makitang madilim na pala sa labas.
"Uh... dala ko nga pala ang sasakyan ko."
Hindi ako sumagot sa kanya pero dumiretso pa rin ako sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok na walang imik.
Habang nasa byahe ay hindi ko pinapansin si Luhan. Naiinis pa rin kasi ako sa tuwing naaalala ko 'yong eksena kanina, kung saan imbis na sumunod sa akin ay pinili niyang huminto at pakisamahan 'yong Thalia na first love kuno niya.
"Cresh..."
"Ano!?" nakasigaw na tugon ko. Miski ako ay nagulat sa pagtataas ko ng boses. Malalim kasi ang iniisip ko tapos bigla niya akong tinawag.
"Sorry..." nakayukong bulong ko.
"Galit ka ba sa'kin?" tanong niya.
Naglipat ako ng tingin sa labas ng bintana at doon napagtantong nakahinto na pala ang sasakyan namin sa gilid ng kalsada.
"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"
Hindi naman talaga ako galit. Medyo naiinis lang ng slight. Saka wala naman akong karapatang magalit. Wala namang kami.
Nang walang marinig na tugon mula sa kanya ay nilingon ko siya. "May dapat ba akong ikagalit, Luhan?"
"Hindi ko alam sa'yo, kaya nga tinatanong kita kung galit ka ba. Usapan kasi natin 'di ba? kakain muna bago uwi pero nauna ka at hindi mo na kami hinintay. Tapos, hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko."
Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya na parang kinakabisa ang kabuuan ng mukha niya.
"Nagseselos ka ba kay Thalia?"
Mabilis na nangunot ang noo ko. Nagseselos nga ba ako?
"May karapatan ba ako?"
Wala akong ideya kung saan nanggaling ang lungkot sa boses ko. Marahil ay nagkusang sumagot ang puso ko sa tanong niya.
Lumamlam ang mga mata ni Luhan habang nakatingin ang mga ito sa akin. The next few minutes, I just found my left hand gently held by him.
"I'm sorry if I made you jealous. Yes, Thalia is my first love. Pero ikaw na ang mahal ko ngayon..."
"Luhan..."
"Paniwalaan mo sana ako."
Namuo ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Parehas lamang kaming nakatingin sa isa't-isa at marahil ay parehas na naghihintay na may magsalita sa pagitan naming dalawa.
"Naniniwala naman ako sa'yo," Ilang sandali ay ako ang naunang magsalita, natalo sa patahimikan.
"Pero bakit pakiramdam ko, hindi ka naniniwala na totoong pagmamahal 'tong nararamdaman ko para sa'yo?"
"Kasalanan ko bang iba ang pakiramdam mo?"
"Cresha naman! Huwag mo naman akong pilosopohin."
"Hindi naman kasi, Luhan!" natatawa ko ng tugon. Natatawa ako sa hitsura ni Luhan, para bang aping-api ko siya.
"Iyong kanina, no'ng hindi agad ako nakasunod sa'yo, no'ng tinawag ako no'ng mga barkada ni Thalia..."
Naglipat ulit ako ng tingin sa labas ng bintana. Medyo nakalimutan ko na 'yon, e. Ngayon, pinapaalala na naman niya. Hay naku!
"Sinabi ko sa kanilang may mahal na akong iba. Na iwasan na nila ang panunukso nila sa akin at kay Thalia."
Tss!
"Cresh, nakikinig ka ba sa'kin?"
"Mm..."
"Anong mm?"
"Oo, nakikinig ako."
"Then why can't you look at me?"
Napapitlag ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Wala akong ibang pagpipilian kung 'di ang lingunin siya.
"Huwag ka ng magselos, ah!"
Hindi ako sumagot. Hindi dahil hindi ko gusto, sadyang wala lang talaga akong masagot.
Hinawakan niyang muli ang isang kamay ko saka niya ito iginiya papunta sa dibdib niya.
"Ikaw na ang laman nito."
Napatitig ako sa kanya. Ramdam ko ang pagiging sinsero niya. Pero nag aalangan ako, tama ba? Hindi ba parang masyadong mabilis?
"Sigurado ka na ba talagang mahal mo na ako?" may pag-aalangan sa boses kong tanong.
Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin bago marahang tumango.
"Sigurado na ako, Cresh. Kung iniisip mong masyado tayong mabilis, ganoon din ang iniisip ko. Sa maikling panahon lang ay minahal na kita at iniisip kong napaka-imposible no'n, pero sa araw-araw na nakikita kita, lahat ng imposible nagiging posible. Mahal kita, at kahit pa sa mahabang panahon o maikling panahon ay mamahalin kita."
--
Spectacular Journey
@Emoticonslover