Chapter 7

1737 Words
7. -- Sa gabing iyon ay sinagot ko si Luhan. Ilang buwan pa lamang kaming magkakilala ay sinagot ko na siya. Too early, indeed pero alam ko sa sarili kong may nararamdaman ako sa kanya. Ang pagkilala sa buong pagkatao niya ay maari ko namang gawin kahit kami na. Isang bungkos ng pulang rosas ang sumalubong sa akin isang araw sa gate ng school namin. Kararating ko lang at nakaabang na si Luhan sa akin. "Good morning! Hatid na kita sa room niyo." "Good morning," ngumiti ako sa kanya at saka ko tinanggap ang bulaklak na inaabot niya. "May gagawin ka bukas?" tanong ni Luhan habang naglalakad kami papunta sa classroom. Sabado na bukas at mukhang wala naman na akong gagawin. "Wala naman, bakit?" "Gusto mong mamasyal?" Napatingin ako sa kanya. Namumula na naman ang tenga niya. "Saan naman?" "Kahit saan mo gusto?" "Okay!" "Kapag nagkataon ay bukas ang first date natin." Bakas sa mukha niya ang saya at ang pananabik. Malawak ang naging pag ngiti ko. Si Luhan ang kauna-unahan kong boyfriend. Marami naman ang nagtapat sa akin na gusto nila ako. Pero si Luhan lang din ang pinayagan kong manligaw. Syempre dahil siya lang din naman ang nagustuhan ko. Habang naglalakad kami sa corridor papunta sa classroom ko'y panay ang lingon sa amin ng mga estudyante. Kahit naman kasi maraming mas gwapo kay Luhan dito sa university ay hindi ko naman maikakailang gwapo rin naman talaga siya. Lalo na kapag nakangiti siya at lumilitaw 'yong malalalim niyang dimples. Huminto na ako sa tapat ng classroom namin at nakangiting nilingon si Luhan. "Nandito na tayo sa classroom namin." "Ito na ba 'yon?" He slightly chuckled. "Parang ang bilis naman nating nakarating." Hindi ako nakasagot sa kanya at mas ngumiti pa. Magkaharap kaming dalawa sa tapat ng classroom ko habang nakatingin kami sa isa't-isa. At hindi ko siya magawang paalisin. Mukha rin namang wala siyang balak umalis. "Dude, ganyan na lang kayo?" rinig ko ang boses ni Kreamy pero niisa sa aming dalawa ni Luhan ay hindi siya nilingon. Rinig ko ang tawa niya. "Matindi 'tong dalawang 'to! Hindi namamansin." "Anong meron?" rinig kong tanong rin ni Betty. "Aalis na ako," pagpapaalam ni Luhan habang nakangiti pa rin sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya. "Ewan ko sa dalawang 'yan. Kanina pa 'yang mga 'yan nagti-titigan." "Aalis na talaga ako," muling saad ni Luhan. Tumango ulit ako. "Aalis na talaga," muling hirit niya. Natawa ako. "Oo na nga, sige na!" saad ko saka siya hinawakan sa braso at marahang itinulak paalis. "Hindi mo 'ko ihahatid?" tanong niya saka bumunghalit ng tawa. Nakitawa rin ako sa kanya. Ngunit agad ring napahinto matapos niya akong nakawan ng halik sa labi at tumakbo palayo. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang mangiti na lang habang pinapanood siyang papalayo. "Anak ng! Mag syota na kayo, dude?" tanong ni Kreamy. "Uy! Kayo na?" si Betty. Nakangiti akong tumango habang nakatanaw pa rin sa daang tinahak ni Luhan, kahit na wala na naman na siya doon. "Miss Tulian!" Napapitlag ako at agad na napalingon sa propesor namin na ngayo'y nasa pintuan na ng classroom namin. "Ngingiti ka na lamang ba d'yan! Hindi ka makakapagtapos kung kalandian ang pinapairal mo!" aniya saka ako tinalikuran at tuluyan nang pumasok sa classroom. Sumunod din naman agad ako sa kanya at dumiretso sa upuan ko. "Kailan mo lang siya sinagot?" usisa ni Betty. "Kagabi lang..." "Kagabi lang? E, hindi ba galit ka sa kanya kahapon?" singit din ni Kreamy. "Nagpunta siya sa bahay namin kagabi at nakipagkilala siya kay Papa." "Talaga? Nagpaalam siyang manliligaw siya sa'yo? Aww! Seryoso nga siya sa'yo, Cresh!" si Betty. "Naunahan pa tuloy kami, dapat sinabi mo muna sa amin bago mo siya sinagot." si Kreamy. "Kayo ba ni Samuel, nagliligawan na rin?" tanong ko kay Kreamy. She took a deep sighed before she gritted her teeth. "Paano naman kami magliligawan no'n? E, torpe naman 'yon. Lagi na nga lang akong first move." "Pfft!" Pareho kami ni Betty na agad nagpigil ng tawa. Baka mahuli pa kami ng propesor namin na hindi kami nakikinig sa diskusyon niya do'n sa harap. "E, ikaw naman, Betty. Hanggang ngayon, hindi mo pa rin naki-kwento kung anong meron sa inyo ni Kalik," ani Kreamy. "Sa amin? Uhh..." "Oo nga, bakit hindi mo na pinapansin? E, hindi ba napatawad mo naman na? Tapos lasing kayong parehon no'n," tanong ko rin. Magki-kwento na dapat si Betty pero hindi natuloy dahil nahuli kaming nag chi-chismisan. Tuloy ay pinag quiz kaming tatlo, buti na nga lang at nakapag-aral si Betty kagabi kaya may naisagot kami. "Kumusta ang klase?" tanong ni Luhan nang sunduin niya ako sa classroom namin matapos ang huling klase sa hapon. "Ayos naman." Kinuha niya ang mga dala kong libro pati na ang bag ko upang siya na ang magdala, kaya naman ang mga kaibigan ko'y panay na ang tukso sa aming dalawa. "Nasaan ba sina Samuel at Kalik?" "Nasa gate na." "I see, bakit hindi sumama sa 'yo?" "Takot sa mga kaibigan mo." Napalingon ako kina Kreamy at Betty na ngayo'y masayang nagke-kwentuhan habang nakasunod sa amin ni Luhan. "Bakit naman daw?" Nagkibit-balikat si Luhan kaya hindi na ako nagtanong pang muli. Nang makarating sa gate ay mabilis na umakbay si Kreamy kay Samuel. "Hey, babe!" Ngumuso si Samuel saka nag iwas ng tingin kay Kreamy. Nangunot ang noo ko. Ano na naman kayang meron sa dalawang 'to. "Oh! Bakit hindi ka makatingin sa akin?" tanong ni Kreamy. Kunot-noo naman siyang nilingon ni Samuel. "Ang dami-dami mo palang lalake! Iyong ganda mo abot hanggang doon sa building ng Engineering!" Agad ding nagpang-abot ang mga kilay ni Kreamy. "Wala naman akong ibang lalake, ah! Sinong may sabi n'yan? Uupakan ko!" "Basta! Ang dami-dami kong naririnig tungkol sa'yo!" "Samuel!" "Oh?" "Magsabi ka kung sino!" "Hindi mo na dapat pang malaman!" "Anong hindi? Dapat kong malaman kung sinong nagpapakalat n'yan at pati utak mo nadudumihan!" "Basta!" "Anong basta?" "Basta! Iyon na 'yon! Turn-off na ako sa'yo!" ani Samuel saka tinalikuran si Kreamy at naglakad paalis. "Samuel! Sandali!" habol ni Kalik. Muling humarap si Kreamy sa mga buildings. Nang marahil ay nahanap ang engineering building ay agad na nalukot ang mukha niya. Kitang-kita ko kung paano niyang ikuyom ang mga kamay niya saka mabilis na naglakad patungo sa nasabing building. "Dude, saan ka?" tanong ko. "Kung sino man 'yang dahilan kaya kami nagkakaganito ni Samuel! Makakatikim talaga sa akin! Makikita niya kung sinong binangga niya," galit na tugon niya. Humarap ako kay Luhan. "Luhan..." Agad naman siyang ngumiti sa akin at tumango. "Hahabulin ko din sina Samuel at Kalik. Tatanungin ko kung ano talagang nangyari. I'll text you later, sabay tayong mag dinner." Ngumiti ako sa kanya. "Okay!" Mas lalo akong napangiti matapos akong halikan ni Luhan sa noo. Saka kami naghiwalay ng direksyon. "Sinong nagpakalat na marami akong lalake!?" Sa totoo lang, sa ngayon ay wala akong ibang ginusto kung 'di ang lamunin ng lupa. Nakakunot ang noo ko at damang-dama ko ang ilang butil ng pawis na ngayo'y namumuo na sa noo ko habang ako'y nakayuko. Nakakahiya ang ginawang pagsigaw ni Kreamy sa corridor na naging dahilan upang matigilan ang lahat ng estudyante at magsi-lingunan ang mga ito sa amin. "Miss Cadeliña, ano't nandito ka at nang-aagaw ng atensyon?" anang isang lalakeng propesor na sa pagkakaalala ko no'ng second year kami ay usap-usapang may gusto kay Kreamy. "May mga baliw na nagpakalat na marami raw akong lalake! At umabot ang chismis na 'yon sa lalakeng nagugustuhan ko kaya kami nag-away kanina. Kaya gusto kong malaman kung sinong mga buang na nagpakalat ng chismis na 'yon!" maangas na tugon naman ni Kreamy. Wala kaming ibang nagawa ni Bettina kung 'di ang manuod at makinig. Mainit ang ulo ni Kreamy at ayaw naming maging dahilan para mas lalo itong mag-init. "Ah huh! May nagpapakalat ng ganoon? E, matagal namang pakalat-kalat 'yon, Miss Cadeliña," sagot naman nito saka humalakhak. Mas lalong nalukot ang mukha ni Kreamy. Ang kaninang nakakuyom lang niyang kamao ay nanginginig na ngayon. Kung hindi lang marahil propesor itong nasa harapan niya ay kanina niya pa ito nasapak. "Sabihin niyo na lang kung sinong nagpakalat para matapos na tayo dito. Tsaka kung wala kang matinong sasabihin, mawalang galang lang pero umalis ka sa harapan ko, nakakasura ang pagmumukha mo." Halos magkasabay kami ni Betty na humawak sa magkabilang kamay ni Kreamy. Sinusubukang pakalmahin ito. "Kreamy..." si Betty. "Dude, kumalma ka muna. Kausapin na lang natin ng maayos si Samuel." Kulang nalang ay mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang lumingon sa akin. Galit pa rin ang ekspresyon na gamit. "Hindi na ako kakausapin no'n, galit na sa akin." "Baka kumalma na 'yon ngayon. Sundan na lang natin." "Tara na, dude." si Betty. Sa wakas ay nagawa rin naming pakalmahin si Kreamy. Agad kong tinawagan sina Luhan kung nasaan na sila, saka sila pinuntahan doon. Nang makarating sa Yato's Grill and Chill na sinasabi ni Luhan ay agad naming nakita ang table na kinaroroonan nila. May ilang bote rin ng beer ang naroroon. "Ngayon na nga lang ako nagkagusto sa isang babae, tapos..." "Tapos ano?" agad na singit ni Kreamy sa usapan nila. Napaangat silang tatlo ng tingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Luhan at agad na nagtatanong ang mga tingin niya sa akin kung bakit kami nandito. Naalala kong sinabihan nga pala niya ako na huwag na muna kaming pumunta dito. "Bakit kayo nandito?" tanong ni Samuel, ang mga mata ay naroroon kay Kreamy. Dahan-dahan namang tumayo si Luhan at Kalik. "Mag uusap lang muna kami ni Cresha," si Luhan. "Magdadagdag lang ako ng barbecue," sabi naman ni Kalik. Lumabas kaming apat at hinayaang mapag-isa sina Samuel at Kreamy. "Bakit nagpunta kayo? Ang sabi ko 'di ba, huwag na muna kayong pumunta?" ani Luhan. "Naghahamon kasi ng away si Kreamy sa school kanina kaya napilitan kaming dalhin siya dito para makapag-usap sila ni Samuel," tugon naman ni Betty. "Ano ba kasing meron sa kaibigan niyo? Kalat-kalat na playgirl daw siya at marami ng lalakeng naikama kaya gano'n na lang ang galit ni Samuel. Nagawa pa nga niyang manuntok kanina, matapos marinig ang pambabastos ng isang senior kay Kreamy." Nagkatinginan kami ni Betty. Nagtatanong ang ekspresyon ng mukha niya. Napailing ako. Mukhang dapat lang ngang nakipag away si Kreamy kanina sa school. -- Spectacular Journey @Emoticonslover
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD