8.
--
Matapos ang ilang sandaling pagtambay namin sa labas ay nag desisyon na rin kaming pumasok. Napagtanto lang naming magkaayos na silang dalawa nang makitang magkayakap na.
"Okay na kayo?" tanong ni Kalik saka naupo sa harap no'ng dalawa.
Nakangiti namang tumango si Kreamy at Samuel, kung umasta parang hindi sila nag away kanina.
Naupo kaming dalawa ni Luhan sa tabi ni Kalik, habang si Betty naman sa tabi nina Kreamy at Samuel.
"O, nasaan na ang inorder mo Kalik? Sabi mo magdadagdag ka ng barbecue?" tanong ni Samuel.
Nagkatinginan sina Luhan at Kalik.
"Nakalimutan ko..." ani Kalik. "Nakita ko kasi si Bettina," dagdag niya pa.
"Ano namang kinalaman ko d'yan?"
"Sinakop mo na naman kasi ang isip ko. Wala ka na bang ibang gagawin kung 'di ang magpapansin sa akin?"
"Tss! Ako na lang ang o-order," sabi ni Betty saka tumayo't agad na umalis.
"Teka nga, Kalik! May gusto ka ba kay Bettina?" tanong ni Kreamy.
Agad na nangunot ang noo ni Kalik. Iniisip pa marahil kung sasagot ba ng totoo o hindi.
"Sagot!" Pati kami ay nagulat matapos ihampas ni Kreamy ang mga kamay niya sa lamesa.
"Kreamy naman!" reklamo ni Luhan.
"Dude! Sinasabi ko sa'yo, huwag na huwag kang magkakamali!"
Napanganga si Kalik. "Ha!" Ngumuso siya, umawang muli ang labi pero muli itong itinikom.
"E, ano naman kung gusto ni Kalik si Bettina? Wala ka na dapat na pakialam do'n, sila nga hindi nakialam sa atin," si Samuel.
"Tama, tama!" sang-ayon naman ni Kalik.
Nagpang-abot ang mga kilay ni Kreamy. "NBSB 'yang si Bettina, baka saktan mo lang, e."
"Anong tingin mo sa akin—"
"Gago!"
"Naku Sam! Pigilan mo 'yang babae mo, baka...naku!"
"Ano? Anong gagawin mo sa akin, ha!?"
"Naghahamon ka ba ng away? Hinahamon mo ba ako?"
"Bakit, ha!?"
"Anong nangyayari?" si Betty na bigla na lang dumating. At doon lang nanahimik ang lamesa namin. Wala ring nais sumagot sa tanong ni Betty kung anong nangyayari.
"May naiisip ka na bang lugar kung saan natin gagawin ang unang date natin?"
Agad akong napatingin kay Luhan nang bigla niya akong tanungin, habang naghihintay kami ng tricycle sa labas ng kainan.
Bahagyang nangunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin sa 'gagawin' kuno namin?
"Anong gagawin natin?"
Napalingon siya sa akin. "Ha? Mamamasyal tayo bukas, hindi ba?"
Hindi ko malaman kung anong pakiramdam 'tong nararamdaman ko pero parang kinakabahan ako. "Uhh... t-tayong dalawa lang ba?"
Natawa siya. "May nag de-date bang tatlo?"
Napanguso ako't napakamot sa batok. "S-saan tayo pupunta bukas?"
Sandali siyang nanahimik. Nakatingin lang ako sa kanya't naghihintay ng kanyang tugon. Nang marahil ay may naisip ng lugar na pwede naming pasyalan ay saka niya lang ako nilingon ng may malaking ngiti sa labi.
"Mag pi-picnic tayo, bukas."
"Talaga?"
Nakangiti siyang tumango. "Kaya... bukas, maaga kitang susunduin sa inyo."
Nakangiti rin akong tumango sa kanya.
"Wala pa bang tricycle? Kanina pa tayo dito, e," si Betty.
"Maglakad na lang kaya tayo? Total naman, marami pa namang tao sa daan." suhestiyon naman ni Kalik.
"Tama! Ano, game?" excited na tanong ni Kreamy sa amin.
Maliwanag ang buwan kaya nakaka-enjoy pang maglakad. Nauuna sa amin sina Betty, Kalik, Samuel at Kreamy. Matiwasay kaming naglalakad nang bigla na lang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan.
"Sino nga ulit nag suggest nito?" ani Kreamy habang panay ang pagpapatuyo sa kanyang mga braso.
"Teka... sinisisi mo ba ako?" agad namang tugon ni Kalik.
"Ayos ka lang?" tanong ni Luhan sa akin. Bahagya lamang akong tumango sa kanya.
"Uh..." bigla ay ungol ni Samuel.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Kreamy.
Ipinagtaka ko ang biglaang pag-iwas ni Samuel ng tingin kay Kreamy.
"Bakit?" muling tanong ni Kreamy.
"Hindi ko alam na sobrang nipis pala ng uniform mo."
"Ha?"
Agad na nagbaba ng tingin si Kreamy sa uniporme niya. Maging ako'y napatingin din doon. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko matapos makitang bumakat ang panloob ni Kreamy sa suot niyang uniform.
"Ow!" ani Luhan saka agad na tumalikod. Gano'n din si Kalik.
Agad namang hinubad ni Samuel ang jacket niyang suot at saka ito ipinasuot kay Kreamy.
"Better..." si Samuel.
"Thanks," tugon naman ni Kreamy.
Ilang oras pa kaming nakasilong sa waiting shed na pinagsilongan namin bago tumigil ang ulan. Mula sa school ay unang madadaanan ang bahay nina Luhan kaya kinuha niya muna ang mini van niya at saka kami isa-isang inihatid.
"Oh! Ba't basang-basa ka? At bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa tapos ang klase niyo hindi ba?" tanong ni mama nang makapasok ako ng bahay.
"Oo nga, alas diyes na ng gabi. Tamang oras pa ba ng uwian ng estudyante 'tong oras na 'to?" dagdag naman agad ni Elisha.
"Si papa po?" tanong ko.
"Nagpapahinga na sa kwarto. Kumain ka na ba ng hapunan?"
"Opo, tapos na po. Pupunta na po 'kong kwarto, ma."
Nang tumango si mama ay agad na akong nagdiretso sa kwarto ko. Matapos kong maligo ay kinuha ko pa ang cellphone ko bago ako nahiga sa kama at doon iyon kinalikot.
Tulog kana?
Pagte-text ko kay Luhan.
Napanguso ako nang matapos ang ilang sandali ay wala pa ring natatanggap na reply mula kay Luhan.
Agad akong napabangon nang biglang tumunog ang cellphone ko sa pag-aakalang si Luhan iyon. Pero gano'n nalang ang panlulumo ko nang makitang si Kreamy 'yong tumatawag.
"Oh?"
"Aw! Bakit matamlay boses mo?"
"Anong kailangan mo?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit mukhang matamlay ka?"
"Wala ako sa mood Kreamy."
"Bakit? Kasi, hindi ka nireplyan ni Luhan?"
Rinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya. Mabilis na nangunot ang noo ko.
"B-bakit mo alam 'yan?"
"Ang alin? Ang hindi ka niya nireplyan?"
Hindi ako sumagot.
"E kasi naman, busy ako sa pag v-video call namin ni Samuel nang bigla na lang siyang mag chat sa akin. Nakakainis, inisturbo pa ako. Pinapasabi niyang wala raw siyang load pang-text sa'yo, pero may wifi daw sila kaya sa messenger ka na lang daw mag chat."
"Eh? Hindi kami friend sa facebook."
"O! Pati ba 'yon, sasabihin ko pa sa kanya? Edi i-add mo kung hindi pa. Sige na, ba-bye!"
And then she hangs up.
"Tsh! Atat na atat maka video call si Samuel, akala mo naman magkakatuluyan! Che!" saad ko habang nakatingin sa cellphone ko.
Ilang sandali pa akong tahimik lang na nakatingin sa cellphone ko bago ko nagawang mag log-in sa f*******: account ko.
Napangiti ako matapos makitang may friend request na mula kay Luhan na agad ko namang in-accept. Hindi ako mahilig sa social media pero kung para kay Luhan, mukhang mapapadalas ako.
Luhan Sandival:
Pasensya na, wala akong load.
Ako:
Ayos lang. Ano ng ginagawa mo?
Luhan Sandival:
Nakaharap lang sa messenger, kausap ka.
Ako:
Bakit hindi ka pa natutulog?
Luhan Sandival:
E, ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?
Ako:
Hindi ako makatulog, e.
Luhan Sandival:
Bakit naman?
Ako:
Hindi ko din alam.
Luhan Sandival:
Ako, hindi ako makatulog kasi iniisip kita. At saka masyado akong excited para sa first date natin bukas.
Napangiti ako. Ako rin, excited. Mukhang iyon rin ang dahilan ko kung kaya't hindi ako makatulog. O sadyang ayaw ko lang talagang matulog.
Ako:
Ako rin, excited.
Luhan Sandival:
Magdala ka ng extra na damit.
Natigilan ako matapos basahin ang mensahe ni Luhan. Bahagyang nangunot ang noo ko habang nakatitig pa rin sa mensahe niya. Paulit-ulit kong iniisip ang dahilan kung bakit nais ni Luhan na magdala ako ng ekstrang damit. Ang sabi niya naman kanina, mag pi-picnic lang kami, bakit pagdadalahin niya ako ng damit?
Luhan Sandival:
Andyan ka pa?
Luhan Sandival:
Tulog ka na?
Ako lang ba 'to? May binabalak bang masama si Luhan? Una, may gagawin daw kami, tapos ngayon pagdadalahin niya ako ng extra na damit. Napanguso ako saka napabuga ng hangin.
Ako:
Hindi pa. May iniisip lang kaya medyo natagalan ako sa pag reply sa'yo.
Luhan Sandival:
Sino namang iniisip mo?
Natawa ako saka napakagat sa labi.
Ako:
Sino agad?
Luhan Sandival:
Oo. Baka may iba ka ng iniisip, e.
Ako:
At sino namang iisipin ko maliban sa'yo?
Luhan Sandival:
Ah. So ako ang iniisip mo?
Luhan Sandival:
Video call tayo?
Imbis na replyan si Luhan ay agad akong napatakbo papunta sa Vanity ko't agad na nanalamin. Sinuklay ko ang buhok kong hindi naman na kailangang suklayin dahil tuwid na tuwid naman na ito. Nagpulbo ako, kahit hindi na kailangan since maputi naman na ang mukha ko. At kahit pa, mamula-mula naman na ang labi ko'y naglagay pa rin ako ng lip tint.
Sandali pa akong ngumiti sa salamin bago ako bumalik sa kama at kinuha ang cellphone ko. Sunod-sunod na ang mga mensahe ni Luhan.
Luhan Sandival:
Hey?
Luhan Sandival:
Cresh? Tulog ka na?
Luhan Sandival:
Ayaw mong makipag video call sa akin?
Luhan Sandival:
Cresha?
Luhan Sandival:
Sige. Matutulog na lang din ako.
Luhan Sandival:
Good night.
Luhan Sandival:
Matulog ka ng mahimbing. See you tomorrow, Cresh. :)
Napabuga ako ng hangin. Nag ayos lang ako sandali, tinulugan niya na agad ako. Sana pala hindi na lang ako nag ayos para nakapag video call pa sana kami.
Napanguso ako. Nakita ko pa sana ang mukha niya bago ako matulog ngayong gabi.
Ako:
Good night, Luhan. :)
--
Spectacular Journey
@Emoticonslover