Chapter 9

1743 Words
9. -- "Hoy, Cresha! Gising na. May bisita ka sa baba." Napakamot ako sa ulo nang marinig ang nakakarinding boses ni Elisha. Kay aga-aga boses na naman niya ang naririnig ko. "Sino raw?" nakapikit pa ring tanong ko. "Manliligaw mo." Naikunot ko ang noo ko. Suitor? Wala akong gano'n. "Basta bumaba ka na!" Ilang sandali pa akong nakahiga at nakapikit bago mag sink-in sa utak ko na baka si Luhan 'yong tinutukoy niya. Mabilis akong bumangon at agad na naligo saka ako bumaba para puntahan si Luhan. "Good morning," agad na bungad niya sa akin nang makarating ako sa harapan niya. "Good morning," nakangiti ko ring tugon. Nakatingin at nakangiti lang kami ni Luhan sa isa't-isa. Natigil lang nang makarinig kami ng malakas na tikhim na nagmula sa likuran ko. "Hijo. Ang aga mo naman yata." si Papa na ngayo'y pumagitna na sa aming dalawa ni Luhan. "Mano po," ani Luhan na akmang hahawak sa kamay ni papa pero agad itong inilayo ni papa. "Huwag kang magmano, hindi kita manugang." "Ah, opo." Bagaman nakatawa ay bakas sa mukha ni Luhan ang pagkapahiya. Naku naman 'tong si papa, masyadong harsh! "Oh, hijo! Nag almusal ka na? Halina kayo, sabay-sabay na tayong kumain," ani mama. "Sige po, salamat." "Hindi ka pa nag almusal sa inyo?" "Papa naman!" reklamo ko kay papa. "Pasensya na anak, nagtatanong lang ang papa." Napanguso ako saka ko hinawakan si Luhan sa siko nito at sabay kaming dumulog sa lamesa. First time ko siyang makakasamang mag almusal kaya excited na excited ako. "Ito, Luhan. Masarap 'to," sabi ko. Ang tinutukoy ay ang itlog maalat. Naglagay ako ng isang piraso ng itlog sa plato niya. Nagkangitian pa kaming dalawa ni Luhan bago niya hiniwa ang itlog at nilamon ang kalahati niyon. Napanganga ako, maging ang pamilya ko. Ilang sandali pa ay hindi na maipinta ang mukha ni Luhan. "Pfft!" Napalingon ako kay papa nang marinig ang mahinang tawa nito. "P-pahingi ng tubig..." ani Luhan. Agad akong nagsalin ng tubig sa baso niya saka ito iniabot sa kanya na agad naman niyang inisang lagok. "Ayos ka lang?" tanong ko. "Ang alat..." bulong niya. Bahagya akong natawa. "Itlog maalat kasi 'yon. Paunti-unti lang dapat ang pag kain no'n." "Pasensya na, ngayon lang ako nakatikim ng gano'n." "Halata nga," sabat na naman ni papa na agad ding sinuway ni mama. Matapos naming mag breakfast ay agad na kaming nagpaalam ni Luhan. "Pwede ba kaming sumama?" "Honey!" "Pa!" Halos magkasabay lamang kami ni mama na lumingon at umangal kay papa. Pwede ba 'yon? Mag de-date kami pero may chaperone na papa. "Nagtatanong lang naman, anak. Sige na, sige na, umalis na kayo!" Nakanguso ako habang naglalakad kami ni Luhan palabas ng bahay. Maging sa pagsakay sa sasakyan niya ay iniisip ko pa rin 'yong mga pinang-gagagawa ni papa. Nakakahiya kay Luhan. "Pagpasensyahan mo na si papa, ah!" "Ayos lang, naiintindihan ko naman. Magkaroon ba naman siya ng napakagandang anak kagaya mo, siguradong magiging overprotective talaga siya," aniya na saka humagikgik pa. Pinagkunutan ko siya ng noo. "Tama ka do'n sa overprotective si papa, mali ka do'n sa napakagandang anak, hindi naman kasi talaga ako maganda no!" "Sinong may sabi? Kaya nga ikaw 'yong pinili kong habulin sa mall no'n kasi ikaw ang pinakamagandang babae na nakasakay sa bus no'ng araw na 'yon." Natawa ako. "Bolero!" "Totoo nga!" pagpupumilit niya habang natatawa na rin. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya bagkus ay ngumiti na lang saka ko inabala ang sarili sa pagtingin sa nadadaanan namin. "Saan ba talaga tayo pupunta?" "Mag go-grocery tayo ng pagkain." "Bakit?" "Magpi-picnic tayo 'di ba? Teka– hindi ka nagdala ng damit?" Ngayon niya lang napansin. "Hindi ko alam kung bakit pinagdadala mo ako ng damit, bakit nga ba? Anong gagawin natin?" Napasapo siya sa kanyang noo. "Isu-surprise sana kita. Sige, daan na lang tayo sa mall, ibibili kita." "Ha? Ah... okay!" Napanguso ako, pinipigilan ang pag ngiti. Isu-surprise niya pala ako. Excited na tuloy akong malaman kung ano 'yon. Nasunod 'yong planong dadaan kami ni Luhan sa mall at mamimili ng damit, namili na rin kami ng mga pagkain para sa sinasabi niyang picnic raw namin. "Luhan..." Halos ibulong ko ang pag banggit sa pangalan ni Luhan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman matapos makita ang isang talon na pinagdalhan niya sa akin. "Ang ganda 'di ba?" "Mm..." nakangiti akong tumango, ang paningin ay naroroon pa rin sa falls. "Luhan ang saya ko!" Hindi pa rin napapawi ang ngiti ko nang lumingon ako sa kanya at pinagmasdan siyang nakangiti habang nakatingin din sa talon na iyon. "Salamat, Luhan." Nakangiti pa rin siya ng lumingon sa akin. "Dito ako magsisimula, Cresha." "Anong ibig mong sabihin?" "Dito ko sisimulan ang pagbibigay ng ngiti sa labi mo. Mula sa araw na ito... hangga't makakaya ko, ibibigay ko ang lahat mapasaya ka lang." Iyon ang pinanghahawakan kong mga salita ni Luhan, kaya ng magdesisyon siyang magpakasal sa akin ay hindi ako nagdalawang-isip na pumayag. Gano'n ko siya kamahal, na kahit pa hindi pa kami tapos sa pag-aaral ay pumayag pa rin akong magpakasal sa kanya, dahil ang alam ko... magiging maligaya ako sa piling niya. "Papa, magpapakasal na po kami." Makalipas ang ilang buwan ay sabay kaming lumuhod sa harapan ng mga magulang ko. Hindi naman si papa mapirmi sa iisang puwesto at pabalik-balik siyang naglalakad sa harapan namin. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Cresha!?" sigaw niya. "Papa, mahal ko po si Luhan," pagpupumilit ko. "Oo, naiintindihan kong nagmamahalan kayo! Pero hindi pa kayo tapos sa pag-aaral!" "Pero, pa!" "Cresha, tigilan mo 'ko! Tigilan niyo 'yang relasyon na 'yan!" "Pero—" "Cresha!" "Pa, ikamamatay ko po kapag inilayo niyo 'ko sa kanya," naluluhang sambit ko. Ang kaninang nag-aalab na mga tingin ni papa sa akin ay ngayo'y lumamlam na. Mukhang kumalma na rin siya. "Cresha, kapag nagdesisyon kang magpakasal... hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi kayo mabubuhay kung pagmamahal lang ang paiiralin niyo. Kaya pumasok ka na sa kwarto mo. At ikaw naman Luhan, umuwi ka na sa inyo. Pag-aaral ang atupagin niyo." Naiwan kaming dalawa ni Luhan na nakatulala sa sala. "Sige na, Cresh. Makinig na muna tayo sa papa mo. Pumasok ka na sa kwarto mo. Uuwi na ako." "Pero, Luhan..." "Hayaan na muna nating lumamig ang ulo niya." Malungkot akong ngumiti kay Luhan saka nagpaalam sa kanya at nagdiretso na sa kwarto ko. Ako: Luhan, anong gagawin natin? Luhan Sandival: Wala tayong gagawin. Ako: Hindi na tayo magpapakasal? Luhan Sandival: Video call tayo. Agad akong napahawak sa mukha ko. Inayos ko na lang ang buhok ko saka sinagot ang tawag ni Luhan. "Ang ganda mo talaga," nakangiting bungad niya sa akin. "Hi, Luhan!" Bakas sa boses ang lungkot ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ay nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti. "Kung pwede lang sanang itanan ka, ginawa ko na," tila wala sa sariling aniya. Pero nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Right! Mag tantanan kami. Wala na akong ibang nakikitang sulosyon para makasama ko si Luhan ng pang habang buhay kung 'di ang pagtatanan. "Luhan, mag tanan tayo." Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi niya. "Cresh..." "Mm?" "Seryoso ka ba?" Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Umusbong ang kaba sa aking dibdib. Kinakabahan ako na baka magalit sina mama at papa sa akin. "Sabihin mo lang sa aking seryoso ka at bukas na bukas ay itatanan kita," hindi kakikitaan ng pagbibiro sa mukha ni Luhan, halatang-halata na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Itatanan niya talaga ako? Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa desisyon ni Luhan na magtanan kami. Siguro dahil talagang nagmamahal ako? Hindi ko alam. Dinala ako ni Luhan sa isang beach house sa Davao Oriental. Ang sabi niya'y sa bahay na iyon niya bubuuhin ang magiging pamilya namin. "Kaninong bahay 'to?" tanong ko kay Luhan nang makapasok kami. Simple lang ang bahay, hindi masiyadong malaki at hindi rin naman maliit. Kulay puti ang pintura nito sa labas. Bagaman gawa sa kahoy ay napakamoderno nito at makikitang matibay ang pagkakagawa. "Sa akin," simpleng-simple niyang tugon na parang tinanong lang siya kung anong pangalan niya. Habang ako'y gulat na gulat sa nalaman. "Sa iyo? Paano ka naman nagkaroon ng ganito kagandang bahay?" Wala pa masyadong desinyo ang loob ng bahay, maging sa furniture ay marami pang kulang. Sofa set lang ang mayroon sa sala. "Pamana 'to sa akin ng lolo ko." "Wala kang mga kapatid? Bakit ikaw lang ang pinamanahan?" "Meron akong kapatid pero ako lang ang apo niya." Naupo ako sa tabi niya nang maupo siya sa sofa. "Paano nangyari 'yon?" He slightly laughed. "Apo niya ako kay mama. Anak ako sa labas ni papa." Ilang sandali pang nangunot ang noo ko, pinoproseso ang sinabi niya. "May ibang pamilya ang papa ko." "Ah..." "Noong sampung taong gulang pa lamang ako ay namatay na si mama sa sakit na brain cancer kaya sa bahay nina papa ako nakatira." "Paano naman 'yong step mother mo?" "Syempre hindi niya ako gusto. Bunga ako ng kasalanan nina mama at papa, tapos itinira pa ako ni papa sa bahay nila, kaya galit na galit sa akin 'yong asawa niya." Sumandal ako sa balikat niya. "Bakit nga ba gano'n? Bakit nagkakamali tayo? I mean, tulad ng papa mo..." "Anong ibig mong sabihin?" "Iyong papa mo, kung mahal niya talaga 'yong asawa niya, hindi siya maghahanap ng iba. Ako, kung ako 'yong asawa niya, Hindi ko na siya babalikan, ang paggawa niya ng kasalanan ay isang hakbang na palayo sa akin." Napaayos siya ng upo. Maging ako na nakasandal sa balikat niya'y napaayos rin ng upo. "Ang ibig mo bang sabihin kapag nagkasala ako sa'yo, hindi mo na ako patatawarin?" Mabilis akong umiling. "Hindi. Patatawarin pa rin kita, pero dahan-dahan ko ng tuturuan ang puso ko kung paano ka kalilimutan." Hindi nakasagot sa akin si Luhan. Tulad ng parati niyang ginagawa ay nakatitig lang siya sa akin. "Luhan... kung darating man ang araw na tuluyan ng mawala ang pagmamahal mo sa akin, at maibaling mo na sa iba. Sabihan mo ako, hindi kita pipigilang magmahal ng iba, dahil gusto kong maging masaya ka. Sabihin mo lang sa akin. Huwag mo akong lokohin." Tipid siyang ngumiti sa akin saka hinawakan ang dalawa kong kamay. "It won't happen. Papakasalan kita, dahil mahal kita. At ipinapangako ko sa iyong hindi kita sasaktan, at hindi kita ipagpapalit sa kahit na sinuman." -- Spectacular Journey @Emoticonslover
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD