10. WARNING: MATURE CONTENT! -- "Anong sabi mo? Nag tanan kayo?" Isang araw na ang lumipas mula nang makarating kami ni Luhan sa beach house niya dito sa Mati, at ngayon ko lang sinubukang sagutin ang tawag ni Betty. "Betty..." "Alam mo ba 'yang ginagawa mo, Cresha? Nag-aalala sa iyo ang mga magulang mo." Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinakinggan lang ang malakas at sunod-sunod na pagbuga niya ng hangin. "Nasaan kayo ngayon?" "Hindi ko pwedeng sabihin." "Cresha naman! Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ng mga magulang mo?" "Please, Betty... pakisabi sa kanila na ayos lang ako. Hindi naman ako pababayaan ni Luhan, e." "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa 'yo. Basta ipangako mo sa akin, Cresha na aalagaan mo ang sarili mo. Tsk! Sigurado ka na ba talaga d'yan sa de

