24. -- "It's a Sudden Infant Death Syndrome. I'm sorry but... you lost your baby." Paulit-ulit kong naririnig ang boses ng doktor sa utak ko. Sa kung paano niya bigkasin ang mga salita. Sa kung paano niya iyon dahan-dahang binitawan. Lahat ng detalye ay alalang-alala ko pa. Gustuhin ko mang kalimutan ay pilit iyong umaalingawngaw sa utak ko. Pinapasok kami ng doktor sa loob kung nasaan si Baby Cede. Pero hirap na hirap akong ihakbang ang mga paa ko at nanatili akong nakatayo sa b****a ng pintuan. Parang pinipiga ang puso ko habang tinitingnan ko ang anak kong naroroon at nakahiga. Kung titingnan ay para lang siyang natutulog. Sana nga ay natutulog lang siya. "Cresh..." rinig kong sambit ni Luhan sabay lapat ng isang palad niya sa balikat ko pero agad ko 'yong iwinaksi. Pinatatagan ko

