25. WARNING! MATURE CONTENT. (Read at your own risk) -- Ilang buwan ang ginugol ko upang maghilom ang sugat sa puso ko. Pero sabi nga ng iba, time heals all wounds, at isa ako sa mga nagpatunay na naghihilom nga ang lahat ng sugat sa paglipas ng panahon. Unti-unti kong natanggap na wala na ang anak namin. Bumangon ako ulit para sa kanya at pinatunayang matatag ako, kahit pa masakit isiping ni hindi ko man lang narinig ang unang pagbigkas niya ng mama. Ni hindi ko nakita kung paano siyang gumapang, umupo, tumayo, maglakad at tumakbo. Pero lahat ng 'yon ay tinanggap ko. Umaasa akong mabibigyan pa kami ng pangalawang pagkakataon para mapatunayang mabuti at karapat-dapat kaming mga magulang. Pero hindi madali. Laging busy si Luhan sa trabaho niya sa restaurant. Nuubos lahat ng oras niya

