16. -- "Ang ipakasal kayo... Iyon ang huling hiling ng papa mo bago siya mamaalam. Nais niyang kahit nasa langit na siya ay makita ka pa rin niyang maglakad sa gitna ng simbahan habang sa altar naman ay naghihintay si Luhan sa 'yo." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabing iyon ni mama. Kahit sa huling sandali ng buhay ni papa ay iniisip niya pa rin ang kaligayahan ko. "Oh!" si Elisha na pabagsak na nilagay ang isang baso ng tubig sa coffee table sa harap namin. "Uminom ka muna ng tubig. Buntis ka naman pala, nagpapabaya ka pa! At saka ikaw naman kuya Luhan, alam mo naman palang buntis itong si ate, hinayaan mo pang magwala doon sa sementeryo. Paano kung may nangyaring masama sa pamangkin ko?" nanginig ang boses niya. Mabilis namang nangilid ang mga luha ko. Nararamdaman ko ang pag-aal

