17. -- Kinabukasan ay nagising ako dulot ng ingay na nagmumula sa baba ng bahay. Kuryoso kong nilingon ang pintuan ng kwarto ni mama sabay bangon at dahan-dahang naglakad papunta roon. Hindi pa man ako nangangalahati nang bigla iyong bumukas at bumungad ang nagmamadaling si Elisha sa harap ko. "Elisha!" gulat kong naisigaw ang pangalan niya. "Ate Cresha! Nasa labas si Kuya Luhan kasama ang pamilya niya. Mamamanhikan na raw! Paano ko kayong ipagluluto lahat?" natatarantang aniya. Agad na nangunot ang noo ko. "Anong ipagluluto sinasabi mo? Marunong kang magluto?" gulat na gulat kong tanong sa kanya. Mabilis naman siyang tumango bilang tugon. Aba! Dalawang taon lang akong nawala, marunong na agad siya sa gawaing bahay? "Bakit ikaw? Si mama?" "Kausap 'yong papa ni Kuya Luhan, alangan n

